“ANG WORLD HIJAB DAY”

بسم الله الرحمن الرحيم

Sinabi ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa Qur’an (sa pagkakasalin):

“Sa araw na ito ay kinumpleto Ko nang ganap para sa inyo, ang inyong ‘ Deen,’ na ito ay ‘Deen Al-Islâm” (Suratul Mai’dah :3)

Kung kaya naman bilang mga Muslim na Ahlus Sunnah wal Jama’ah, tayo ay naniniwala na tunay ngang kumpleto na ang ating relihiyon at hindi na nangangailangan pang dagdagan o ang may baguhin. Dahil kung gagawin natin ito ay nangangahulugan lamang na hindi natin pinaniniwalaan ang sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) at ng Kanyang Propeta (salallaahu alayhi wa salam) ng ipagbilin niya (salallahu alayhi wa salam) : “Sinoman ang gumawa at magpakilala ng pagbabago sa relihiyon (i.e., Islam) na hindi parte nito, ito ay hindi tatanggapin.” (Isinalaysay ni al-Bukhaari, no. 2697; al-Fath, 5/355). At sinabi pa niya, “Lahat ng bid’ah ay pagkaligaw.” (Isinalaysay nina Ahmad, 4/126; al-Tirmidhi, no. 2676).

Ano nga ba ang ipinagkaiba ng World Hijab Day sa iba pang bid’ah na ginawa ng mga tao? Simulan natin sa History.

Sino at kanino nagsimula ang ‘taunang pagdiriwang’ na ito? (Ito po ay nasa ikalawang taon na ng pagdiriwang).

SAGOT: Ang ‘idea’ ng pagkakaroon ng World Hijab Day ay nag-umpisa sa isang kabataang Muslimah na nakaranas ng mga ‘pang-aapi’ mula sa mga tao na hindi nakakaunawa sa pagsusuot ng hijab. Ito ay nagsimula noong isang taon lamang, Feb.13, 2013. Bagaman maganda ang adhikain niya na ‘makatulong’ upang higit na maunawaan ng mundo kung bakit nagtatakip ang mga Muslimah at ito ay sa pamamagitan ng paggamit niya sa ‘media’, Facebook, internet at iba pa, ang ganitong gawain na taon-taong ipinagdiriwang ay WALANG BATAYAN sa ating relihiyon.

Nang ibaba ang ayah tungkol sa pagtatakip ng kababaihan: “at pangalagaan nila ang kanilang mga pribadong bahagi mula saanumang mga ipinagbawal ng Allâh (subhanahu wa ta’ala), at huwag nilang ilantad ang kanilang kagandahan sa mga kalalakihan, kundi pagsumikapan nila na ito ay maitago maliban sa mga nakalantad na pananamit na nakasanayan na ito ay nakalantad na kasuotan,kung ito ay hindi nagdudulot ng anumang ‘fitnah (o panghahalina na makagawa ng kasamaan), at ibababa nila ang panakip ng kanilang ulo hanggang sa matakpan ang kanilang mga dibdib na natatakpan nito ang kanilang mga mukha; upang mabuo ang kanilang panakip, at huwag nilang ilantad ang anumang kagandahan na nakatago maliban lamang sa kanilang mga asawa na mga kalalakihan; [Surah An-Nur : 31]

At kapag tinanong ninyo ang mga asawa ng Propeta hinggil sa anumang pangangailangan mula sa mga kagamitan sa bahay at iba pa ay magtanong kayo mula sa kabila ng tabing (kayo ay nasa kabila ng tabing); dahil ito ang masnakalilinis sa inyong mga puso at sa kanilang mga puso mula sa anumangsumasagi sa mga kalalakihan na patungkol sa kababaihan at gayundin sa mga kababaihan na patungkol sa mga kalalakihan; dahil ang pagkikita ay nagiging dahilan ng ‘Fitnah [Suratul Azhab : 53]

ang mga ayah na ito ay sinunod ng mga Sahabiyyat (radiyallahu ajma’een), ng mga Tabi’een, atba’ut tabi’een, na hindi kinailangan na magkaroon ng partikular na araw ng pagdiriwang o commemoration, huwag pang isali na mas higit ang ‘pang-aapi’ na dinanas nila mula sa mga hindi mananampalataya kung ihahambing sa dinaranas natin ngayon ng dahil sa pagsusuot ng hijab.

Pangalawa: ay maaaring sabihin na maganda ang intensyon sa likod ng pagdiriwang na ito katulad ng pagbibigay suporta doon sa mga pinagbawalan na magsuot ng hijab na alam naman natin na mayroon ngang mga lugar na ito ay ipinagbawal. SAGOT: Ang kahulugan ng hadeeth na Innamal ‘amalu binniyyat ay tunay na hindi lubusang nauunawaan ng ibang tao. Sapat na sa kanila na maganda ang kanilang niyyat kahit na ang gawain nila ay lihis at taliwas sa kung ano ang ipinag-uutos ng relihiyon. Ayon nga kay “Shaikh al-Albaani (rahimahullaah):

“Ang hadeeth na ito ay nangangahulugan na tanging ang matuwid na gawain lamang ang tatanggapin ng naaayon sa matapat na intensiyon, at hindi kabilang dito ang mga gawain na sumasalungat sa Batas na Itinakda at inaaakala na ito ay magiging tama kapag hinaluan ng mabuting intensiyon. Walang mag-aangkin at magsasabi ng ganito kung hindi ang isang taong ignorante at ang nais lamang ay masunod ang sarili niyang gusto! [pinagkuhanan: silsilat ul-hudaa wan noor, 340/8 & nudhum al-faraaid, 21 :asaheeha translations]

Pangatlo: Ang mismong gawain na kanilang inilunsad, ang World Hijab Day, ang pagharap sa maraming tao lalo na sa media na hindi nakasuot ng tamang hijab (ayon sa napagkaisahan ng mga Ulaama, ang tamang hijaab ay iyong natatakpan pati ang mukha) ay magsisilbing fitnah lalo na sa mga kalalakihan.

Pang-apat: Ang pag-eengganyo sa ‘lahat pati na sa hindi mananampalataya’ na magtakip sa araw na itinakda nila para sa pagdiriwang ay isang paglabag rin sa tunay na dahilan ng pagbababa sa kautusan ng pagsusuot ng hijab. “O Propeta! Sabihin mo sa iyong mga asawa, sa iyong mga anak na kababaihan, at sa mga kababaihan na mga mananampalataya na takpan nila ang kanilang mga ulo atkanilang mga mukha hanggang sa bahagi na kanilang mga kasuotan; upang matakpan ang kanilang mga mukha, mga dibdib at mga ulo; ito ang pinakamalapit upang sila ay maiba sa pamamagitan ng pagtakip at pangangalaga, upang hindi nila mailagay sa kapahamakan ang kanilang mga sarili o di kaya ay sa pagkayamot. [Suratul Ahzab : 59]

At sa huli ay iiwanan namin ang athaar na ito na nagmula kay Ali (radiyallahu anhu) na tumutukoy sa hindi pagkakaroon ng puwang ng sariling opinyon sa ating relihiyon. Kung itong World Hijab Day na ito ay ang tanging naiisip na paraan ng mga nagpasimuno ng gawaing ito, nawa ay patawarin sila ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) at gabayan tungo sa Tamang Landas, Ameen!

5) باب المسح على الخفين

وَعَنْ عَلِيٍّ – رضى الله عنه – قَالَ: { لَوْ كَانَ اَلدِّينُ بِالرَّأْيِ لَكَانَ أَسْفَلُ اَلْخُفِّ أَوْلَى بِالْمَسْحِ مِنْ أَعْلَاهُ, وَقَدْ رَأَيْتُ رَسُولَ اَللَّهِ – صلى الله عليه وسلم -يَمْسَحُ عَلَى ظَاهِرِ خُفَّيْهِ } أَخْرَجَهُ أَبُو دَاوُدَ بِإِسْنَادٍ حَسَن ٍ (76) .

2 – صحيح. رواه أبو داود (162).

“Kung ang relihiyon ay ibabatay sa opinyon ay sasabihin ko na mas mahalaga na punasan ang ilalim ng talampakan ng medyas kaysa sa ibabaw, ngunit nakita ko ang Sugo ni Allaah (salallahu alayhi wa salam) na pinunasan ang ibabaw ng kanyang medyas na yari sa balat ng hayop.” [Iniulat ni Abu Da’ud na mayroong maganda at tamang Isnad (kawing ng mga nagsalaysay)].

Kagandahang Asal

بسم الله الرحمن الرحيم

[Ang Kabanatang ito ay nagmula sa aklat na “Makaarim-ul-Akhlaaq” (pg. 32-35) [Dar-ul-Watan Lin-Nashr] By Shaikh Muhammad bin Saalih Al-‘Uthaimeen, ihinanda at inayos ni Khaalid Abu Saalih.]

Ang kagandahang asal ay maaaring likas na sa isang tao, at maaari rin naman na ito ay makami niya (i.e sa pamamagitan ng pag-aaral). Dito ay masasabi natin na mas mainam ang likas na kagandahang asal kumpara sa natutunan lamang. At ang patunay rito ay ang sinabi ni Propeta Muhammad (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) kay Al-Ashaj bin ‘Abdil-Qais (radyAllaahu ‘anhu): “Sa halip, si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay hinubog (i.e. nilikha) ka mula sa dalawang marangal na katangian na ito.” [1]

At dahil rin sa ang likas na kagandahang asal ay hindi mawawala sa isang tao samantalang ang kagandahang asal na natutuhan lamang niya ay maaaring maglaho sa maraming pagkakataon sapagkat nangangailangan ito ng tuloy tuloy na pagsasabuhay at pagsusumikap upang maisagawa ito. Kinakailangan rin na ipaalala sa kanya ito kapag mayroong pangyayari na nakaapekto sa kanya.

Ito ang dahilan kung bakit nang may lumapit na isang lalaki kay Propeta Muhammad (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) at sinabi niya: “O Sugo ni Allaah, payuhan mo ako”, siya (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) ay nagsabi: “Huwag kang magalit.” At inulit ng lalaki ang kanyang pakiusap ng ilang beses , na sinagot naman ng Propeta nang paulit-ulit rin: “Huwag kang magalit.” [2]

Sinabi rin ng Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) : “Ang tunay na malakas na tao ay hindi iyong nakikipagpambuno at tinatalo niya ang kanyang kalaban. Sa halip, ang taong tunay na malakas ay iyong kaya niyang pigilan ang kanyang sarili sa oras na siya ay nagagalit.” [3]

Kung gayon, ang taong malakas ay hindi iyong nakikipagpambuno sa tao at tinatalo niya sila,Siya iyong kaya nyang pigilan ang kanyang sarili kapag siya ay galit”.Pinipigilan niya ang kanyang sarili kapag nararamdaman niyang nagagalit na siya.”

Ang taong marunong pumigil sa kanyang sarili sa oras na siya ay galit ay itinuturing na may taglay na mabuting pag-uugali. Kung gayon kapag ikaw ay nag-umpisa nang magalit, huwag kang magpadala sa iyong nararamdaman, sa halip ay humingi ka ng kaligtasan mula kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) laban sa isinumpang Shaytan. Kung ikaw ay nakaupo, mahiga ka. At kung lalong sumidhi ang iyong galit ay mag (wudoo) ka hanggang mawala ang galit mo.

Ang tao ay maaaring magkamit ng mabuting pag-uugali sa pamamagitan ng pagsasanay (sa kanyang sarili), pagsisikap at patuloy na pagsasanay.

Maaari niyang makamit ang mabuting asal sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:

UNA: Sa pamamagitan ng paglilimi sa Qur’an at Sunnah ng Sugo ni Allaah: Kinakailangan na tingnan niya ang kahalagahan ng isang partikular na kaaya-ayang ugali na gusto niyang magkaroon sa kanyang sarili. Ito ay sapagkat ang isang mananampalataya ay iyong kapag nakakita / nakabasa siya ng papuri sa isang ugali o kilos, ito ay kanyang isinasagawa. [4]

Ipinakita ito ng Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) ng sabihin niya: “Ang kahalintulad ng isang mabuting kasama at ng masamang kasama ay katulad ng nagtitinda ng pabango at ng isang panday. Ang tindero ng pabango ay maaari ka niyang pagbilhan ng kanyang ibinebenta, bigayn ka ng libreng sampol o mahawahan ka ng mabango niyang amoy. Samantalang ang masamang kasama naman –katulad ng isang oanday–maaaring mapaso kaniya/ masunog niya ang iyong damit o mahawa ka sa mabaho niyang amoy..” [5]

PANGALAWA: Kailangan ay iyong kilala sa pagkakaroon ng mabuting pag-uugali ang kanyang samahan at sikapping lumayo sa mga nagtataglay ng masamang ugali at pangit na kilos. Na ang kanyang kasama ya magsisilbing kadluan niya ng kaalaman na tutulungan siya upang makamit niya ang mabuting pag-uugali na kanyang ninanais.

Sinabi ng Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) : “Ang tao ay nasa relihiyon ng kanyang matalik na kaibigan, kaya ang bawat isa sa inyo ay kinakailangang piliin mabuti kung sino ang kukunin na malapit na kaibigan” [6]

PANGATLO: Kailangan na pagmunian niya ang masamang naidudulot ng pagkakaroon ng masamang pag-uugali. Ito ay sapagkat ang taong may masamang ugali ay kinamumuhian ng lahat, siya ay iniiwanan na mag-isa at parating sa masamang paraan kung siya ay pag-usapan. Kaya kapag nalimi niya na ang masamang ugali ay ito ang magiging dulot sa kanya, sisikapin niya na lumayo sa pagkakaroon nito.

PANG-APAT: Dapat ay palagi niyang aalalahanin si Propeta Muhammad (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) , ang kanyang ugali at kung paano siya (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) ay nagpapakumbaba sa mga nilikha, mabait sa kanila, mapagpatawad at may pagtitiis sa kanilang mga ginawang hindi maganda sa kanya. Kapag ang lahat ng ugaling ito ay napaglimi at naiisp ng isang tao, mga ugali ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) na siyang pinakamainam na nilkha, at siyang pinakadakila sa lahat ng sumasamba kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), ang taong ito ay matututong magpakumbaba at ibaba ang kanyang sarili mula sa pagiging arogante , at ang pagmamataas na ito ay madudurog at magiging dahilan upang siya ay magkaroon ng mabuting asal.

********
AUTHOR: Shaikh Muhammad bin Saalih Al-‘Uthaimeen
SOURCE: Makaarim-ul-Akhlaaq (pg. 32-35)
PRODUCED BY: Al-Ibaanah.com
Footnotes:
[1] Iniulat ni Abu Dawood (no. 5335), Ahmad in al-Musnad (4/206), Muslim na tanging ang umpisa lamang nito (no. 25 & 26), at At-Tirmidhee (no. 2011)
[2] Al-Bukhaaree (no. 6116) at At-Tirmidhee (no. 2020)
[3] Al-Bukhaaree (no. 6114) at Muslim (no. 107)
[4] Ang paglilinis ng kaluluwa ay hindi makakamit maliban sa pamamagitan ng paraan na ginawa ng mga Propeta.
Ayon kay Ibn Al-Qayyim : “Ang pagpapadalisay ng kaluluwa ay mas mahirap pa sa paggamot sa katawan ng tao. Kaya kung sinoman ang nagpadaliasy ng kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsasagawa, pagsisikap na mabuti, pagpapakahirap habang siya ay nag-iisa–na lahat ay hindi ginawa ng mga propeta–siya ay katulad ng isang taong may sakit na ginagamot ang kanyang sarili ayon lamang sa sarili niyang pagkakaunawa.
At nasaan na ang kasabihan na kailangan ang opinyon ng mga eksperto sa panggagamot?! Ang mga propeta ang isyang mga manggagamot ng puso–walang ibang paraan upang malinis at maituwid ang puso maliban sa kanilang pamamaraan, sa kanilang mga kamay at sa pamamagitan ng lubos na pagsuko at pagsunod sa kanila. At ang Tulong ni Allaah ang ating hiling!”[Madaarij-us-Saalikeen (2/300)]
[5] Al-Bukhaaree (no. 2101 & 5534) at Muslim (no. 146); sinabi ni An-Nawawee : “Ito ay nagpapakita ng kabutihang dulot ng pagkakaroon ng matutuwid at mabubuting kasama/kaibigan–na nagtatagalay ng ugaling mapagbigay, may mabuting asal, magalang, may kaalaman, at may mabuting ugali. Ipinapakita rin ang pagbabawal na makisama sa mga masasamang tao, mubtadi, at iyong mga naninirang puri o iyong lubhang napakasama ng ugali at iba pa, i.e may taglay na kahiya-hiya at kasuklam-suklam na pag-uugali” [ Sharh Saheeh Muslim: (16/394)]
[6] At-Tirmidhee (no. 2378) na nagsabi na ito ay hasan saheeh, Abu Dawood (no. 4833), Ahmad in al-Musnad (2/303, 334) at ipinalagay na hasan (sound) ni Al-Albaanee sa Saheeh-ul-Jaami’ as-Sagheer (no. 3545) at Silsilat-ul-Ahaadeeth as-Saheehah (no. 927).

Ang Mag-asawa ba ay magkakasamang muli sa paraiso?

Bismillaahi walhamdulillaah was salaatu was salaamu ‘alaa rasuwlillaah

Tanong: Kapag ang mag-asawa ay makakapasok ng paraiso sila ba ay magkikitang muli?

Shaykh Uthaymeen (rahimahullaah): Oo, kung ang babae at lalake ay makakapasok ng paraiso siya ang magiging asawa nito at hindi siya magkakaroon ng higit pa sa isang asawa. At siya rin (ang lalake), wala rin siyang ibang magiging asawa maliban sa kung ano ang ibibigay sa kanya ng Allaah ang kataas-taasan mula sa Houri Ayn o mula sa mga kababaihan sa paraiso na hindi nakapagasawa sa mundo. At kung ang babae ay nagkaroon ng dalawang asawa at silang pareho ay nakapasok ng paraiso kung gayon siya ay pipili sa pagitan nilang dalawa, at kung sinuman ang kanyang pinili ito ang magiging asawa niya. At nabanggit ito sa kwento/salaysay na ang kanyang pipiliin ay kung sinuman ang may pinakamabuting pag-uugali.

********

Isinalin sa wikang banyaga (Ingles) ni: Rasheed ibn Estes Barbee
Source: http://mtws.posthaven.com

Hawakan ang Inyong Dila!

بسم الله الرحمن الرحيم

Ang sumusunod ay mga paalala (ang ilan ay alam na natin, at ang iba naman ay hindi) tungkol sa kahalagahan ng pagpigil sa dila (upang hindi makasakit sa kapwa) at kung paano ito babantayan. Isang napaka marangal na ugali na malapit nang makalimutan sa ating panahon, bagaman mayroon pa ring pag-asa na ito ay maisagawa ng ilan…

 Mula sa salaysay ni Abu Huraira – Radhiyallahu Anhu – na nagsabi na ang Sugo ni Allah – Sallallahu Alaihi was Salam ay nagsabi:

 “Sinoman ang naniniwala kay Allah at sa huling araw ay magsalita siya ng kabutihan o kung hindi ay manahimik na lamang!” (Napagkasunduan nina al- Bukhaari (5785) at Muslim (47))

Mula sa salaysay ni Al Hasan al Basri na nagsabi na sinabi ng Sugo ni Allah – Sallallahu alaihi Was Salam :

 “Kaawaan ni Allah ang Kanyang alipin na nagsalita, at nagkamit ng kapakinabangan (ie may sinabi siya na naging dahilan upang siya ay gantimpalaan) o manahimik na lamang at manatiling ligtas “ (tinipon sa musnad As Shihaab (581) at bagaman ito ay ‘Mursal’ (na nangangahulugan na isang taabi’ee ang nagsalaysay mula sa Propeta – Sallallahu alaihi was Salam) ito ay idineklarang ‘Hasan’ ni Shaikh Al albaani sa ‘Saheehul Jaami’ (3497) at‘Saheehah’ (855) (dahil sa sumusuportang ahadeeth))

Ang susunod na bersyon ng hadeeth brings ay magbibigay linaw sa naunang hadeeth: Mula kay Ubaadah bin Saamit – Radhiyallahu Anhu na nagsabi na ang Propeta ni Allah – Sallallahu alaihi was Salam ay nagsabi:

 “Magsalita kayo ng kabutihan at magkakamit kayo ng gantimpala at iwasan ninyo ang masasamang salita at kayo ay maliligtas“ (Musnad As Shihaab (666) at idineklarang Saheeh’ ni Shaikh Al Albaani sa Saheehul Jaami’ (4419)

 Mula kay Abdullah Ibn Amr – Radhiyallahu Anhumaa na nagsabi na sinabi ng Sugo ni Allah :

 “Ang sinoman na manatiling tahimik ay magtatagumpay“ (Tinipon ni At Tirmidhi (2501) at idineklarang ‘Saheeh’ ni shaikh Al Albaani)

 Mula kay Simaak na nagsabing:

 “Tinanong ko si Jaabir Ibn Samurah ‘Ikaw ba ay nakaupo na sa umpukan na kasama ang Sugo ni Allah – Sallallahu alaihi Was Salam? Sumagot siya: “Oo! Katotohanan na mahaba ang oras ng kanyang pananahimik at bihira siyang tumawa. Ang kanyang mga Sahaba ay bibigkas ng tula at pag-uusapan nila ito habang siya ay nakikinig at sila ay tatawa ngunit ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay ngingiti lamang“ (Tinipon ni Ahmad sa kanyang Musnad (20829) at idineklarang ‘Hasan’ sa saheehul Jaami’ (4822))

Ang sumusunod ay mga pahayag ng Salaf tungkol sa paksa

Si Talha Ibn Ubaidillah ay nagsabi: ”Ako ay nakasakay sa isang bangka kasama ni Imaam Ahmad at napansin ko na mahaba ang oras ng kanyang pananahimik ngunit ng siya ay nagsalita ay sinabi niya: “Oh Allah itulot mo na mamatay akong sumusunod sa Islaam at Sunnah!” (tinipon ni Khateebul Baghdaadi sa Taareekhul Baghdaad (9/349))

 Mula kay Imaam Al Awzaa’ee na nagsabing: si Sulaimaan Ibn Daawood alaihis Salaam ay nagsabi:

 “Kung ang salita at gawa sa pilak, kung gayon ang katahimikan ay ginto!” (tinipon ni Ibn Abi dunya sa ‘As Samt’ (47))

 Si Muwwarraq Al Ijli – Rahimahullah ay nagsabi:

“Mayroong pangyayari na matagal ko nang inaasam-asam sa loob ng sampung taon at hanggang ngayon ay hindi ko pa naisasakatuparan at hindi ako titigil hanggat hindi ko ito nagagawa!” nagtanong sila: “at ano ang pangyayaring iyon Oh Abu Mu’tamir? Sumagot siya “Ang manahimik sa mga bagay na walang kinalaman sa akin!” (Tinipon ni Ibn Abi Shaiba (35144))

 Mula kay Wuhaib Ibnil Warad – Rahimahullah – na nagsabi:

“May kasabihan na ang kaalaman ay mayroong sampung parte ng pagkakabaha-bahagi, ang siyam dito ay konektado sa katahimikan at ang ika-sampu ay ang paglayo mula sa mga tao“ (tinipon ni Ibn Abi Dunya in ‘As Samt (36))

 Mula kay Ali – Radhiyallahu Anhu na nagsabing:

 “Ang dila ng tao ay kahalintulad ng panulat ng hari at ang kanyang laway ay ang tinta nito“ (tinipon ni Ibn Abi Dunya ‘As Samt’ (79))

 Mula kay Abdullah ibn Amr – Radhiyallahu anhumaa na nagsabing:

“Iwanan ninyo ang anomang bagay na walang kinalaman sa inyo, at huwag kayong magsalita tungkol sa mga bagay na na hindi kayo kasangkot, bantayan ninyo ang inyong dila na tila ba ito ay isang pilak!” (tinipon ni ibn Abi Dunya sa ‘As Samt’ (24))

 Mula kay Al Hasan al Basri – Rahimahullah na nagsabing:

 “Siya na maraming kayamanan ay maraming kasalanan (ie karaniwan ay ganito), at siya na maraming sinasabi ay maraming kasinungalingan na nabibigkas at ang taong may masamang ugali ay pinarurusahan lamang niya ang kanyang sarili!“ (tinipon ni Ibn Abi Dunya sa ‘As Samt’ (9)

 Mula kay Ibn Mas’ood – Radhiyallahu anhu na nagsabing:

 “Sa Kanya na wala nang iba pang panginoon maliban sa Kanya! Walang ibang bagay sa mundo na higit na nangangailangan na ikulong kundi ang dila!” (tinipon ni Ibn Abi Dunya sa ‘As Samt’ (16))

 Wallahu A’lam

Was Sallallahu ‘alaa nabiyyinaa Muhammad

********

[www.twitter.com/abuhakeembilal

Ang Kahulugan ng Hadeeth na إنما الأعمال بالنيات Innamal ‘Amalu Binniyat [Saheeh al-Bukhaari #1]

بسم الله الرحمن الرحيم

Shaikh al-Albaani (rahimahullaah):

Ang hadeeth na ito ay nangangahulugan na tanging ang matuwid na gawain lamang ang tatanggapin ng naaayon sa matapat na intensiyon, at hindi kabilang dito ang mga gawain na sumasalungat sa Batas na Itinakda at inaaakala na ito ay magiging tama kapag hinaluan ng mabuting intensiyon. Walang mag-aangkin at magsasabi ng ganito kung hindi ang isang taong ignorante at ang nais lamang ay masunod ang sarili niyang gusto!

Maraming tao ang nakakaalam ng hadeeth na ito, ngunit hindi naman nila nauunawaan ang kahulugan nito. Bakit? Dahil kalimitan na may makakasalamuha tayo at sasabihin natin sa kanya: ‘Yaa akhi, ang iyong ginawa, o ang iyong sinabi ay hindi kabilang sa matuwid na gawain.’ Ano ang isasagot sa atin? ‘Yaa akhi, ang Sugo ni Allaah (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) ay nagsabi: ‘Ang lahat ng gawain ay huhusgahan ayon sa intensiyon’ at maganda ang aking intensiyon! Matuwid ang aking intensiyon!’

Ano nga ba ang kahulugan ng hadeeth na ito? Nangangahulugan ba ito na ang masamang gawain ay huhusgahan/tatanggapi/gagantimpalaan ng ayon lamang sa intensiyon? O ang ibig sabihin ay ang mabubuting gawain ay huhusgahan/tatanggapin/gagantimpalaan ng ayon lamang sa intensiyon? Ang huling pahayag ang kahulugan ng hadeeth. At para naman doon sa anggawain ay hindi mabuti ngunit ang intensiyon ay tama – ito ay hindi sapat. Katulad rin na hindi sapat kung ito ay kabaliktaran: i.e matuwid ang gawain ngunit ang intensiyon ay mali. Kaya ang hadeeth ay nagbigay sa atin ng dalawang magkasalungat : katulad nang ang matuwid na gawain ay nangangailangan ng matuwid na intensiyon/mithiin, ganoon din na ang matuwid na intensiyon ay nangangailangan ng matuwid na gawain. Kaya alinman sa dalawa ay hindi sapat kung wala ang isa.

Marami kang mga tao na maririnig sa ngayon na sumusumpa pa , gaya nang pagsasabi : ‘Yaa akhi, waAllaah, ang aking intensiyon ay mabuti.’ Minsan nga ay makakakita ka ng tao at galing siya sa libingan, at doon siya ay nagdasal/sumamba – sa libingan ng propeta o nang isang taong matuwid – at kapag pinagbawalaan mo sila ay sasabihin nila sa iyo: ‘Hindi ko hangad ang sambahin siya (ang nakalibing), ang hangad ko lamang ay mapalapit ako kay Allaah (tawassul) sa pamamagitan niya..’ Ok, galing ka sa libingan – ipagpalagay na natin na mabuti ang iyong intensyon – ang ginawa mo ba ay matuwid na gawain? Ang sagot ay HINDI, dahil sinabi ni Propeta Muhammad (‘alayhi ssalaam) : Huwag kayong maupo o magdasal sa mga libingan‘.’ At ang du’aa ay bahagi ng dasal, sa katotohanan, ang dua , ay isang ibadah, tulad ng sinabi ng Rasool (‘alayhi ssalaam) . Kung kaya, ang pagharap sa libingan at magsambit ng dua ay katulad rin ng pagsambit ng dasal dito ; ang gawaing ito ay hindi tama, at ang maling gawain na ito ay hindi natin maaaring tanggapin dahil lamang sa mabuting intensiyon, kung pangangatwiranan natin na ang intensiyon ay tama.

Kung kaya, upang maging tanggap at matuwid ang ating mga gawain, kinakailangan na ito ay tumtugon sa Batas na Itinakda. Ganito ang sinabi ni Allaah (‘azza wa jal) sa Qur’aan: {sinoman ang umaasa na makakatagpo niya ang Lumikha , hayaan ninyo siyang gumawa ng kabutihan at huwag siyang magtatambal sa pagsamba sa Lumikha (subhanahu wa ta’ala).

********
sources: silsilat ul-hudaa wa nnoor, 340/8 & nudhum al-faraaid, 21
asaheeha translations

Awiting Pambata

بسم الله الرحمن الرحيم

 KAIINGAT KAYO!!!!

Isa sa mga paraan natin upang malibang at mapatulog natin ang ating mga anak ay ang kwentuhan sila o di kaya ay turuan sila ng mga nursery rhymes. At ang mga nursery rhymes na ito ay tumitimo sa kanilang isipan na malaki ang epekto sa paghubog sa kanilang pagkatao hanggang sa sila ay lumaki at magkaisip.

Ano nga ba ang itinuturo ng mga bedtime stories at nursery rhymes na ito sa ating mga anak? Tingnan natin ang ilan sa mga halimbawa;

*”hey diddle diddle, the cat and the fiddle the cow jump over the moon.”*

(Hindi ninyo maaaring itatwa, pero sigurado ako na lahat tayo ay narinig at kinanta iyan noong tayo ay nasa early stage of childhood natin)

Ano ba ang masamang aral sa likod ng nursery rhyme na ito?

Tinuturuan nito ang ating mga anak, sa mura nilang isipan na MAGSINUNGALING AT MANIWALA SA KASINUNGALINGAN.
Dahil saan ka naman nakakita ng baka na tumalon na sa sobrang taas ay nakaabot at lampas pa sa buwan?

” عَلَيْكُمْ بِالصِّدْقِ فَإِنَّ الصِّدْقَ يَهْدِي إِلَى الْبِرِّ وَإِنَّ الْبِرَّ يَهْدِي إِلَى الْجَنَّةِ وَمَا يَزَالُ الرَّجُلُ يَصْدُقُ وَيَتَحَرَّى الصِّدْقَ حَتَّى يُكْتَبَ عِنْدَ اللَّهِ صِدِّيقًا وَإِيَّاكُمْ وَالْكَذِبَ فَإِنَّ الْكَذِبَ يَهْدِي إِلَى الْفُجُورِ وَإِنَّ الْفُجُورَ يَهْدِي إِلَى النَّارِ وَمَا يَزَالُ الرَّجُلُ يَكْذِبُ وَيَتَحَرَّى الْكَذِبَ حَتَّى يُكْتَبَ عِنْدَ اللَّهِ كَذَّابًا ” .
Obligasyon ninyo ang magsabi ng KATOTOHANAN, sapagkat ang katotohanan ang magdadala sa inyo sa kabutihan, at ang kabutihan ay magdadala sa inyo patungong Paraiso…(hanggang sa katapusan ng hadith) [ Sahih Muslim ]

*Hansel at Gretel*
>> Patayin ang anak kung wala nang maipakain!

Isa sa mga mahigpit na ipinagbabawal sa Islaam ay ang pagpatay sa anak dala ng kahirapan;

….at huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa pagkatakot na kayo ay maghirap, dahil ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa katotohanan ang nagbibigay ng kabuhayan sa inyo at ganoon din sa kanila; [Surah Al-‘An-am : 151]

*Little red riding hood*>>Panloloko

Isang lobo na nagsuot ng damit ng matandang babae upang lokohin lamang ang isang bata…tsk tsk tsk

أَلاَ إِنَّهُ يُنْصَبُ لِكُلِّ غَادِرٍ لِوَاءٌ يَوْمَ الْقِيَامَةِ بِقَدْرِ غَدْرَتِهِ ” .
Sa bawat manloloko ay may nakalaan na bandila para sa kanya sa Araw ng Paghuhukom, katumbas ng kanyang mga panloloko
[Isinalaysay ni Abu Sa’eed al Khudri (radiyallahu anhu), Sunan Ibn Majah ]

*Snow white and the 7 dwarfs*
>>Nagtuturo ng kawalan ng delikadesa ng isang babae

Pitong unano na umiiyak para sa isang maputing babae, kaya ang ating mga anak na babae, sila ay lalaking palagay ang loob sa piling ng kalalakihan na hindi nila kaano-ano, at ang mas nakakatakot pa ay ang lumaki sila na maghangad ng pitong lalaki na karelasyon.

At kapag tinanong ninyo ang mga asawa ng Propeta hinggil sa anumang pangangailangan mula sa mga kagamitan sa bahay at iba pa ay magtanong kayo mula sa kabila ng tabing (kayo ay nasa kabila ng tabing); dahil ito ang mas nakalilinis sa inyong mga puso at sa kanilang mga puso mula sa anumang sumasagi sa mga kalalakihan na patungkol sa kababaihan at gayundin sa mga kababaihan na patungkol sa mga kalalakihan; dahil ang pagkikita ay nagiging dahilan ng ‘Fitnah’ (kasalanan o kapahamakan). [Surah Al-Ahzab : 53]

لا يخلون أحدكم بامرأة إلا مع ذي محرم
Walang sinoman sa inyo ang maaaring mapag-isa kasama ang isang babae, maliban na kasama niya ang kanyang Mahram. [Hadith na isinalaysay ni Ibn Abbas (radiyallahu anhu) [Al-Bukhari and Muslim]

Ilayo nawa tayo ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) at ang ating mga anak mula sa ganitong mga kademonyohan na nangyayari sa ating panahon.

Ameen!

Mas mainam ba sa babae ang manalangin sa mosque kung may kapaki-pakinabang na pagtitipon o pangaral?

Bismillaahi walhamdulillaah was salaatu was salaamu ‘alaa rasuwlillaah

Tanong: Mas mainam ba na ang babae ay magsalaah sa kanyang pamamahay o sa isang mosque na malapit sa kanyang bahay?

Shaikh al-Albaani (rahimahullaah): Mas mainam para sa kanya ang magsalaah sa kanyang pamamahay maliban kung may klase o pangaral sa mosque na kung saan ay maaari siyang makinabang. Ngunit kung ito ay salaah lamang (sa mosque) kung gayon mas mainam magsalah sa kanyang pamamamahay. Ibig sabihin, kung ang meron lamang sa mosque ay salaah kasama ng  jamaah, ang salaah sa kanyang pamamahay ay mas mainam para sa kanya kaysa ang pagsasalaah nya sa mosque-salungat sa kung mayroon siyang klase o pangaral sa mosque, ang pagsasalaah nya sa mosque ay mas mainam para sa kanya.

********

[silsilat ul-hudaa wa nnoor 4/2/asaheeha translations]

JIHAD: Fardh ‘Ayn (obligasyon ba ng lahat)?

بسم الله الرحمن الرحيم

TANONG: Ano ang pagsasabatas ng JIHAD NGAYON? Ito ba ay obligasyon ng LAHAT ng Muslim o nang iilan lamang? Kailan ito magiging obligasyon ng buong Ummah at kailan ito magiging obligasyon ng iilan lamang?

Shaykh Ibn ‘Uthaymîn: Una sa lahat ay dapat ninyong malaman na ang Jihad ay HINDI obligasyon ng lahat ng Muslim. Ito ay imposible sapagkat sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala): [sa pagkakasalin]

At hindi karapat-dapat sa mga mananampalataya na lahat sila ay tutungo sa pakikipaglaban sa kanilang mga kalaban, at hindi rin maaari naman na silang lahat ay manatili lamang, na kung kaya, di ba nararapat na ang lalabas lamang mula sa bawa’t grupo ay ang ilang pinili mula sa kanila na nababatay lamang sa pangangailangan ng situwasyon; upang ang mga maiiwan ay makapag-aral ng ‘Deen’ ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa kung anuman ang ipinahayag sa Kanyang Sugo, upang sila ay makapagbigay ng babala sa kanilang sambayanan sa anuman na kanilang natutunan kapag sila ay nakabalik sa kanila, nang sa gayon ay makapag-ingat sila sa parusa sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal. [Suratul Tawbah :122]

Kung ang lahat ay tutungo sa pagsasagawa ng Jihad, ang iba pang gawaing pagsamba ay dito na magwawakas. Gayunpaman, ang Jihad ay maaaring maging Fardh Ayn sa mga sumusunod na sitwasyon:

1.KAPAG KAYO AY NILUSOB NG KALABAN! [sa pagkakasalin]:

15. O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sumunod sa Kanyang Sugo, kapag nakatagpo ninyo ang mga walang pananampalataya sa pakikipaglaban na sila ay lumulusob sa inyo ay huwag kayong tatalikod, dahil matatalo kayo sa kanila, subali’t magpakatatag kayo, dahil ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) ay kasama ninyo at tumutulong sa inyo.

16. At sinumang tumalikod mula sa inyo sa oras ng labanan ay katotohanang siya ay karapat-dapat sa sumpa ng Allâh (subhanahu wa ta’ala), at ang kanyang patutunguhan ay Impiyernong-Apoy na napakasamang huling hantungan, malibankung ito ay bilang isang uri ng ‘strategy’ o kaparaananlamang upang malupig ang mga walang pananampalataya, o di kaya ay lumipat lamang sa ibang grupo ng mga Muslim na nakikipaglaban at siya ay nakipaglaban na kasama nila. [Suratul Anfal : 15-16]

2. KAPAG ANG KALABAN AY UMATAKE SA ISANG BANSA.

Sa ganitong sitwasyon ay magiging obligasyon ng bawat isa ang lumaban upang ipagtanggol ang sarili at ang bansa na Islaam ang relihiyon.

3. Kapag ang PINUNO/AMIR ay nag-utos na makipaglaban ka at mag-Jihad. AMIR/PINUNO! Ang ibig sabihin ay isang tao na siyang namumuno sa hukbo ng mga Muslim. Kapag nag-utos ang AMIR na lumabas ka, kinakailangan na ikaw ay lumabas. Kapag iniutos niya sa lahat ng tao na makipaglaban at mag-Jihad,kailangan nila siyang sundin. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsuway sa utos ng PINUNO/AMIR. Ang anomang ipag-utos niya ay nagiging obligasyon para sa taong inutusan.

4. KAPAG TINATAWAG NG PANGANGAILANGAN.

Ang halimbawa nito ay ang isang tao na nag-iisa lamang siya at hindi niya alam kung paano ang paggamit nang sandata, sa sitwasyong ito ay kinakailangan niyang lumaban.

Maliban sa apat na sitwasyon na ito, ang mga Muslim ay HINDI OBLIGADO NA MAKIPAGLABAN.

Kung gayon, ang –JIHAD AY KINAKAILANGAN NA NASA ILALIM NG PAMUMUNO NG ISANG AMIR. KUNG HINDI AY ISANG PAG-AAKLAS LAMANG ANG MANGYAYARI. KINAKAILANGAN NA MAYROONG PINUNO NA MAMUMUNO SA UMMAH NG MUSLIM. kUNG GAYON, DITO AY MALINAW NATING MAKIKITA NA HINDI MAGANDA ANG KAHIHINATNAN NG MGA NAGSASAGAWA NG JIHAD NANG WALANG AMIR O PINUNO. Malaki ang panganib na lubusin nila at atakehin ang isa’t-isa. Kapag sila ay nagtagumpay, magsisimula na silang mag-away.

Hinihiling ko kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) na tulungan Niya tayo upang mapaglabanan natin ang ating mga sarili. Kinakailangan nating paglabanan ang ating mga sarili sa panahong ito. Ang puso ay may karamdaman. Ang katawan ay may kakulangan. Ang puso ay kumakalaban sa iba pang bahagi. Ito ang higit na nangangailangan ng JIHAD.

********

Scholar: Imâm Muhammad bin Sâlih bin ´Uthaymîn
Source: Liqâ’ al-Bâb al-Maftûh (212 B)
Date: 1420-03-24/1999-07-07
Reference: Darulhadith.com
Translation & video: http://aFatwa.com/

Panuntunan sa Damit ng mga Bata na Mayroong Larawan ng May -buhay at Mga Manika Shaykh Muhammad Naasir-ud-Deen Al-Albaanee (rahimahullaah)

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Mayroon po tayong isang sister na nagtanong: Ano ang batas sa damit ng bata na mayroong disenyo ng mga bagay na may buhay kung ito ay hindi maaalis dahil ang pag-alis dito ay nangangahulugan na sisirain ang tela/damit?

Sagot ng Sheikh : Walang pag-aalinlangan, kailangan nating sabihin, sa mga tanong na katulad nito, na ang pagbili ng mga gamit na mayroong nakalarawan na may buhay ay katotohanan na isang malaking pagkakamali at kapabayaan mula sa ama at ina ng bata na bumili nito, dahil ang pangunahing panuntunan ay hindi maaaring bumili ang isang Muslim ng mga damit na mayroong larawan ng may buhay. Gayunpaman, maaaring hindi alam ng taong ito ang panuntunan na ito, o maaari rin naman na binalewala niya ito, o di kaya ay nakalimutan…nakalimutan niya at bumili siya ng ganitong damit, at nang makabalik siya sa kaniyang bahay ay naalala niya ang lubusang pagbabawal sa larawan. Kaya, sa ganitong sitwasyon, ang tanong sa itaas ay hindi akma. Dapat ay baguhin ang panimula ng tanong, at ito ay …ang pagpapalit ng damit na binili sa lugar na pinagbilhan (at ang ipapalit ay wala nang larawan). Kaya kung hindi ito maaaring maipagpalit ng ama o ina (sa ibang tela/damit), kung gayon ay lilitaw ang tanong na ito.

Kaya, ipinaalala ko ang dalawang panimula (na dapat ay siyang maging umpisa ng tanong) dahil karamihan ng tao ay walang pag-iingat kapag nasa pamilihan. Bumibili sila ng mga pang-araw araw na pangangailangan mula sa iba’t-ibang materyal, katulad ng mga inilalatag na carpets, rugs, mats at kumot o iba pang kahalintulad nito, ang karamihan sa mga bagay na ito ay mayroong larawan at nadedekorasyunan. At hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang lahat ng ito at binibili ang mga ito sa pagdadahilan na hindi naman daw ito iginagalang (dahil ito ay inuupuan, tinutulugan, atbp.) at ito ay hindi naman isinasabit . Kaya, sasabihin namin: Marapat sa mga Muslim na sila ay iyong mga gising at hindi nahihimbing, at sila ay nagbibigay pansin sa masamang balak ng mga hindi mananampalataya, iyong mga sumasakop sa kanila sa mismong loob ng kanilang pamamahay sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan – at isa sa paraan na ito ay ang mga damit na mayroong larawan na nakatatak. At ang usapin na ito ay tinatalakay ng paunti-unti, lalo na kung kinakailangan ito ng tao. At sa paraan na detalyado kung sila ay nakikinig sa mga maling gabay, sa mga fataawa (religious edicts) na hindi nakabatay sa mapananaligang katibayan, katulad ng fataawa tungkol sa mga manika at laruan ng bata na nagkalat sa pamilihan na binibili ng mga ina para sa mga anak nilang babae at lalaki , marami sa mga laruan na ito ay binibili sa ngalan ng panlibang daw sa batang babae at lalaki.

Kaya, marapat lamang na tandaan natin, at ito ay ang mga laruan (manika) na pinahihintulutan na gamitin ng mga maliliit na bata… sa halip ay sasabihin ko na ito ay para lamang sa mga babae at hindi sa lalaking bata, na WALANG KATIBAYAN na matatagpuan sa pagpapahintulot nito maliban sa hadeeth ni ‘Aaishah (radiyallaahu anha) na nagsabing pinapupunta niya ang mga anak na babae ng kanilang kapitbahay sa kaniyang bahay at nakikipaglaro siya sa kanila ng laruan na pambabae (manika) at ang Sugo (sallallahu ‘alaihi wa ‘ala aalihi wa sallam) ay tumulong sa kanya at pinahintulutan siya at hindi pinagalitan. Sa halip, katotohanan na siya (sallallahu ‘alaihi wa ‘ala aalihi wa sallam) [ay pumasok ng bahay] isang beses at nakita niya si ‘Aisha (radiyallahu anha) na mayroong laruan na kabayong may dalawang pakpak. Kaya’t siya (‘alaihi salaam) ay nagsabi kay ‘Aaishah: ‘Kabayo na mayroong dalawang pakpak?!’ Sumagot siya: ‘O’ Sugo ni Allah, hindi mo ba narinig’ o ‘hindi ba nakarating sa iyo na ang kabayo ni Sulaymaan (‘alaihi salaam) ay mayroong mga pakpak?’ at siya (‘alaihi salaatu wa salaam) ay tumawa at sumang-ayon kay Aisha (radiyallahu anha). Ang hadeeth na ito ay patunay na posible para sa atin na panghawakan ito upang pahintulutan ang mga laruan ng batang babae (manika) na mayroong anyo at nakaukit na porma.

Gayunpaman, sa panuntunan ng fiqh (jurisprudence) ay mayroong matatagpuan na ang teksto na may kalakip na pagsasabatas para lamang sa natatanging pagkakataon, kung ito ay sasalungat sa pangunahing panuntunan ay kinakailangan na iwanan ito. Katulad ng kung ito ay salungat sa pangunahing panuntunan, ang sariling pagpapasya (qiyaas) ay hindi maaaring gawin sa isang sumasalungat sa pangunahing panuntunan, at dahil ang anomang salungat sa sariling pagpapasya, ay hindi maaaring pagkuhanan pa ng karagdagang pagpapasya, kung kaya, kailangang bumalik sa pangkalahatang panuntunan.

Kung ang ibig sabihin nito ay malinaw sa lahat, inshaa’Allah, kung gayon ay maaari na nating sabihin ngayon: Na ang mga laruan ni Sayyidah ‘Aaishah (radiyallahu anha), iyon ay laruan na nagmula sa mga ginagamit ng ilang kababaihan noong panahon na iyo, sa pagbabaling ng atensyon ng kanilang mga anak mula sa paghingi ng pagkain at inumin kung sila ay nasa panahon ng pag-aayuno. At katotohanan na ang mga kababaihan noon ay nagbibigay sa mga bata ng imahe na gawa sa balahibo ng tupa na mayroong kulay, o kaya ay mula sa bulak at ibinibigay nila ito sa mga bata na nag-aayuno, upang maibaling ang kanilang atensyon palayo sa paghingi ng pagkain at inumin. Ang ganitong uri ng imahe, ang ganitong mga laruan ng bata, ito ay mga lokal at gawa lamang sa bahay, hindi ito inangkat mula sa labas ng Bansang Islamiko, at lalong hindi nagmula sa bansa ng mga hindi mananampalataya at pagkaligaw na gumagawa ng mga laruan at anyo ng naaayon sa kanilang gusto, gawi at kultura, na hindi umaayon sa kahit anong paraan, sa mga gawi at ugali ng mga Muslim, sa kanilang kultura at sa batas ng kanilang share ‘ah. At mula sa mga inangkat na imaheng ito, mga inangkat na anyo na kung minsan ay maliit at kung minsan naman ay malaki na ang isang bata na halos hindi pa makahawak ng manika ay kasing laki na niya ang kanyang manika at blond ang buhok na nakaipit sa gilid tulad ng sa batang lalaki. At ang inangkat na manika na ito ay nakasuot ng maiksing damit na kita na ang hita. Ang mga manika na ito ay naglalarawan ng kultura ng mga hindi mananampalataya at ng kanilang gawi at ugali.

Kaya, kung ipapasok natin sa ating mga bahay ang mga imahe na ito, ito ay unang-una, pagpapakita na nagugustuhan natin ang daladala nito (i.e. kultura, gawi at ugali ng mga lumikha nito)…una…, at pangalawa, tinuturuan natin ang ating mga anak ng kaugalian na mula sa kanilang pagkabata ay malulugod na sila sa mga damit na kabaliktaran sa damit Islamiko , partikular na sa may kinalaman sa kalalakihan. At dahil dito, marapat lamang na mag-ingat tayo sa pag aangkat ng mga damit mula sa bayan ng mga hindi mananampalataya na nagtataglay ng iba’t-ibang anyo at gamit, at mula sa mga ito ay ang damit na pambata.

Kaya tayo ay labis ang kalungkutan sa tuwing pumapasok tayo sa bahay ng ating kapatid sa pananampalataya na sumusunod sa Qur’an at Sunnah – ayon sa ating pag-aakala –, at sa kabila ng lahat ng ito ay makikita natin ang kanyang mga anak na nabibihisan ng damit na mayroong larawan na nakatatak, mga larawan na mahalay. At ang kalamidad na ito ay kakalat, hanggang bihisan na natin ang ating mga kabataan na umabot na sa gulang ng pagkaunawadinadamitan natin sila ng mga damit na mayroong larawan sa harapan at likuran. At kung minsan na nagsa-salah sila ng Jumu’ah, mayroon kasing mga alam ninyo yun? Yung mga nagsasalah lamang sa masjid kung Jumu’ah at ang buong buhay niya ay ginugol niya sa paglalaro at paglilibang pero dumadalo pa rin siya ng salatul Jumu’ah. Kaya, makikita natin siya na nagdarasal at sa likod ng kanyang damit ay mayroong larawan ng babae na nakalugay ang buhok at nakalitaw ang mga braso at leeg, at iba pang bahagi ng katawan, at tayo ay nakaharap sa larawang ito habang tayo ay nagsa-salah.

Ang mga kakaibang gawi ng katigasan ng ulo ng mga Muslim ay talagang nakamamangha, sa palagay ko ang siyang nakakatulong sa paglaganap ng nakahihiyang bagay na ito at pagsuway sa batas Islamiko ay ang kasabihan na -katotohanan! ang ipinagbabawal na larawan ay iyon lamang may tatlong dimensyon at may anino. At para doon sa hindi tatlong dimensyonal, para sa kanila ito ay pinahihintulutan lalo na kung hindi naman ginawa ng kamay at sa halip ay ginawa ng camera o printer. Ang mga ganitong isipin ay nagmula sa bulong ni shaytaan na ibinato niya sa sangkatauhan sa ating panahon at pinaganda niya ito para doon sa mga naniniwala sa kanya upang sabihin nila na wala namang mali sa kanilang paniniwala.

Kaya marapat sa mga Muslim na iwasan ang pagbili ng kahit anong uri ng tela/damit na mayroong larawan dahil nga sa nabanggit na namin kanina.

At bilang pangwakas, ang sagot ko sa nagtanong ay ito: Kung ang sitwasyon ay iikot sa kailangan bang tuklapin ang larawan sa tela at alisin ang disenyo upang mapakinabangan ito kahit na magkakaroon ito ng diprensya…Ang sagot ko kung…., kung gayon ay maaari itong gamitin. Subalit, naniniwala ako na ang isang mananampalataya na babae, ang Muslimah na siyang namamahala sa kanyang tahanan , ay kinakailangan na alisin niya ang bakas ng larawan sa pamamagitan ng pagkuskos dito o kaya ay paglalagay ng embroidery hanggang maalis ang ulo ng larawan dahil ang sitwasyon na ito ay katulad ng sinabi ng Propeta (‘alaihi as salaam) :

‘Katotohanan, ang larawan ay iyon lamang ‘ulo’/nasa itaas’.

Kaya kung ang ulo ay maalis, ay wala na ang larawan, kahit pa mayroong matirang ibang bahagi nito. At dito nakukumpleto ang sagot sa tanong inshaa’Allah.

********
Mula sa cassette na may pamagat na: Tawjeehaat Lil-Mar’atil- Muslimah (guidelines for the Muslim woman) ni Sheikh Muhammad Naasir-ud-Deen Al-Albaanee (rahimahullaah).
Isinalin ni sa wikang banyaga (Ingles): Abu Yusuf, Sagheer Ibn ‘Abdir-Rasheed Al-Kashmeeree

Ang Payo ni Ali (radiyallaahu anhu)

بسم الله الرحمن الرحيم

Sinabi ni Kumail ibn Ziyaad: Hinawakan ni ‘Alee ibn Abee Taalib ang aking kamay at tinahak namin ang daan patungong disyerto. Nang sapitin namin ito, umupo siya, huminga ng malalim at sinabi:

O Kumail ibn Ziyaad! Ang puso ay isang sisidlan, kaya ang pinakamainam na puso ay iyong nagtataglay ng pinakamabuti sa lahat. Tandaan mo ang mga sasabihin ko sa iyo.

Mayroong tatlong uri ng tao: ang mga Scholar na rabbaanee[1], ang mga nag-aaral tungo sa landas ng kaligtasan, at ang mga nalilito na nakikinig sa kahit sinong nagsasalita at sumusunod sa kahit sinong nag-aanyaya-sumasabay sa ihip ng hangin – sila ay hindi naliliwanagan sa liwanag na dala ng karunungan, o di kaya ay nakasandal sa matibay na sandalan.

Ang kaalaman ay higit na mabuti kaysa sa kayamanan. Ang kaalaman ang siyang magbibigay sa iyo ng proteksiyon, samantalang ikaw ang kinakailangan na magbigay proteksiyon sa iyong kayamanan. Ang zakaat ng kaalaman ay ang pagkilos ng naaayon dito, samantalang ang paglustay ay nakakabawas ng kayamanan. At ang pagmamahal sa mga Scholar ay bahagi ng Relihiyon. Ang kaalaman ay nagdadala ng pagiging masunurin ng isang Scholar sa buong buhay niya at nagiging sanhi upang magkaroon siya ng mabuting reputasyon kung siya ay mamatay na, samantalang ang pakinabang sa kayamanan ay naglalaho na kung siya ay namatay na. Ang mga ganid sa kayamanan ay patay na kahit sila ay nabubuhay pa, samantalang ang mga Scholar ay nananatili hangga’t may oras pang natitira – ang kanilang katauhan ay naglaho na, ngunit ang kanilang halimbawa ay nananatili sa puso ng mananampalataya.

Dito, katotohanan na dito – (at itinuro niya ang kanyang dibdib) – ay mayroong kaalaman, kung makakatagpo lamang ako ng mapagsisidlan ko nito. Sa halip, ang natagpuan ko ay ang mga mabilis umintindi, ngunit hindi mapagkakatiwalaan. Ginamit nila ang mga bagay na para sa Relihiyon upang makamit lamang ang mga makamundong bagay. Humanap sila ng paraan upang magamit ang mga Palatandaan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) laban sa Qur’an, bulag nilang sinunod ang mga tao ng katotohanan, ngunit wala silang sapat na pang-unawa kung paano tatanggapin ang katotohanan.

Ang pag-aalinlangan ay dumudurog sa kanilang puso sa tuwing dumarating ang mga problema. Sila ay hindi mawarian, maaaring ganito sila, posible ring ganoon. Hindi nila alam kung saan matatagpuan ang katotohanan, at hindi nila alam ang dahilan ng kanilang pagkakamali. Labis ang kanilang pagmamahal sa isang bagay na hindi nila lubos na nauunawaan-kaya sa halip, sila ay nagiging pagsubok sa iba.

At katotohanan, na ang pinakamabuti ay para doon sa ginantimpalaan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ng pang-unawa sa Relihiyon at sapat nang kamangmangan ng isang tao ang kawalan niya ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon. Ang taong ito ay marubdob ang pagmamahal sa kalayawan, nasanay sa pagsunod sa kaniyang mga personal na nais, o isang tao na na nabigyan ng napakaraming kayamanan at ang kayamanan na ito ay nakabunton sa sobrang dami. Ang mga taong ganito ay hindi kabilang sa mga tagapag-anyaya sa Relihiyon, sa halip sila ay kahalintulad ng mga baka na nasa pastulan. Na kung kaya ang kaalamana ay nakalampas sa kanila sa paglisan ng mga nagtatangan nito.

Oh Allaah, katotohanan! Ang mundo ay hindi maiiwan na wala man lamang tatayo ng tuwid alang-alang kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), gamit ang mga daleel/katibayan – upang ang mga patunay ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) at ang Kanyang malinaw na palatandaan ay huwag maglaho. Sila yaong kakaunti lamang ang bilang, ngunit nagtataglay ng napakalaking halaga kay Allaah (subhanahu wa ta’ala). Kasama nila, ay pinatunayan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang Kaniyang mga Palatandaan , ganoon na rin sa mga katulad nila ay inukit ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa kanilang mga puso ang katotohanan. Taglay nila, ang kaalaman na siyang mangingibabaw at magpapakita ng katotohanan, upang iyong mga nasanay sa madaling buhay ay makita nila kung gaano ito kahirap at maging madali ito para sa kanila; at masanay sila sa mga bagay na nagdudulot ng panghihilakbot sa mga walang alam/mangmang. Nabubuhay sila dito samundo sa loob ng kanilang katawan, habang ang kanilang kaluluwa ay naghahangad ng mas mataas na antas. Sila ang mga tagapagpakilala kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) dito sa mundo at ang Kanyang mga Tagapag-anyaya tungo sa Kanyang Relihiyon/Islaam. Oh nais kong makita sila, at hinihingi ko ang Pagpatawad ni Allaah para sa aking sarili at para sa iyo na rin. Maaari ka nang lumisan kung iyong nais.[2]

********
Al-Istiqaamah Magazine, Issue No.6 – Dhul-Qa’dah 1417H / March 1997
1.Rabbaanee: Ay ang mga Scholar na kumikilos ng naaayon sa kanyang kaalaman at may pang-unawa sa kalagayan ng mga tao–kaya tinuturuan niya sila sa mga pangunahing kaalaman bago ituro ang mga mas detalyado at mahihirap na usapin.
2. Iniulat ni Abu Nu’aym in Hilyatul-Awliyaa (1/79-80), al-Khateeb al-Baghdaadee sa al-Faqeeh wal-Mutafaqqih (1/49-50) at Ibn Katheer sa al-Bidaayah