Ang Payo ni Ali (radiyallaahu anhu)

بسم الله الرحمن الرحيم

Sinabi ni Kumail ibn Ziyaad: Hinawakan ni ‘Alee ibn Abee Taalib ang aking kamay at tinahak namin ang daan patungong disyerto. Nang sapitin namin ito, umupo siya, huminga ng malalim at sinabi:

O Kumail ibn Ziyaad! Ang puso ay isang sisidlan, kaya ang pinakamainam na puso ay iyong nagtataglay ng pinakamabuti sa lahat. Tandaan mo ang mga sasabihin ko sa iyo.

Mayroong tatlong uri ng tao: ang mga Scholar na rabbaanee[1], ang mga nag-aaral tungo sa landas ng kaligtasan, at ang mga nalilito na nakikinig sa kahit sinong nagsasalita at sumusunod sa kahit sinong nag-aanyaya-sumasabay sa ihip ng hangin – sila ay hindi naliliwanagan sa liwanag na dala ng karunungan, o di kaya ay nakasandal sa matibay na sandalan.

Ang kaalaman ay higit na mabuti kaysa sa kayamanan. Ang kaalaman ang siyang magbibigay sa iyo ng proteksiyon, samantalang ikaw ang kinakailangan na magbigay proteksiyon sa iyong kayamanan. Ang zakaat ng kaalaman ay ang pagkilos ng naaayon dito, samantalang ang paglustay ay nakakabawas ng kayamanan. At ang pagmamahal sa mga Scholar ay bahagi ng Relihiyon. Ang kaalaman ay nagdadala ng pagiging masunurin ng isang Scholar sa buong buhay niya at nagiging sanhi upang magkaroon siya ng mabuting reputasyon kung siya ay mamatay na, samantalang ang pakinabang sa kayamanan ay naglalaho na kung siya ay namatay na. Ang mga ganid sa kayamanan ay patay na kahit sila ay nabubuhay pa, samantalang ang mga Scholar ay nananatili hangga’t may oras pang natitira – ang kanilang katauhan ay naglaho na, ngunit ang kanilang halimbawa ay nananatili sa puso ng mananampalataya.

Dito, katotohanan na dito – (at itinuro niya ang kanyang dibdib) – ay mayroong kaalaman, kung makakatagpo lamang ako ng mapagsisidlan ko nito. Sa halip, ang natagpuan ko ay ang mga mabilis umintindi, ngunit hindi mapagkakatiwalaan. Ginamit nila ang mga bagay na para sa Relihiyon upang makamit lamang ang mga makamundong bagay. Humanap sila ng paraan upang magamit ang mga Palatandaan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) laban sa Qur’an, bulag nilang sinunod ang mga tao ng katotohanan, ngunit wala silang sapat na pang-unawa kung paano tatanggapin ang katotohanan.

Ang pag-aalinlangan ay dumudurog sa kanilang puso sa tuwing dumarating ang mga problema. Sila ay hindi mawarian, maaaring ganito sila, posible ring ganoon. Hindi nila alam kung saan matatagpuan ang katotohanan, at hindi nila alam ang dahilan ng kanilang pagkakamali. Labis ang kanilang pagmamahal sa isang bagay na hindi nila lubos na nauunawaan-kaya sa halip, sila ay nagiging pagsubok sa iba.

At katotohanan, na ang pinakamabuti ay para doon sa ginantimpalaan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ng pang-unawa sa Relihiyon at sapat nang kamangmangan ng isang tao ang kawalan niya ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon. Ang taong ito ay marubdob ang pagmamahal sa kalayawan, nasanay sa pagsunod sa kaniyang mga personal na nais, o isang tao na na nabigyan ng napakaraming kayamanan at ang kayamanan na ito ay nakabunton sa sobrang dami. Ang mga taong ganito ay hindi kabilang sa mga tagapag-anyaya sa Relihiyon, sa halip sila ay kahalintulad ng mga baka na nasa pastulan. Na kung kaya ang kaalamana ay nakalampas sa kanila sa paglisan ng mga nagtatangan nito.

Oh Allaah, katotohanan! Ang mundo ay hindi maiiwan na wala man lamang tatayo ng tuwid alang-alang kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), gamit ang mga daleel/katibayan – upang ang mga patunay ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) at ang Kanyang malinaw na palatandaan ay huwag maglaho. Sila yaong kakaunti lamang ang bilang, ngunit nagtataglay ng napakalaking halaga kay Allaah (subhanahu wa ta’ala). Kasama nila, ay pinatunayan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang Kaniyang mga Palatandaan , ganoon na rin sa mga katulad nila ay inukit ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa kanilang mga puso ang katotohanan. Taglay nila, ang kaalaman na siyang mangingibabaw at magpapakita ng katotohanan, upang iyong mga nasanay sa madaling buhay ay makita nila kung gaano ito kahirap at maging madali ito para sa kanila; at masanay sila sa mga bagay na nagdudulot ng panghihilakbot sa mga walang alam/mangmang. Nabubuhay sila dito samundo sa loob ng kanilang katawan, habang ang kanilang kaluluwa ay naghahangad ng mas mataas na antas. Sila ang mga tagapagpakilala kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) dito sa mundo at ang Kanyang mga Tagapag-anyaya tungo sa Kanyang Relihiyon/Islaam. Oh nais kong makita sila, at hinihingi ko ang Pagpatawad ni Allaah para sa aking sarili at para sa iyo na rin. Maaari ka nang lumisan kung iyong nais.[2]

********
Al-Istiqaamah Magazine, Issue No.6 – Dhul-Qa’dah 1417H / March 1997
1.Rabbaanee: Ay ang mga Scholar na kumikilos ng naaayon sa kanyang kaalaman at may pang-unawa sa kalagayan ng mga tao–kaya tinuturuan niya sila sa mga pangunahing kaalaman bago ituro ang mga mas detalyado at mahihirap na usapin.
2. Iniulat ni Abu Nu’aym in Hilyatul-Awliyaa (1/79-80), al-Khateeb al-Baghdaadee sa al-Faqeeh wal-Mutafaqqih (1/49-50) at Ibn Katheer sa al-Bidaayah
Advertisements

Tumugon Kayo, Barakallaahu feekum

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s