Ang Payo sa Makasalanang Da’iy

بسم الله الرحمن الرحيم

Ang Payo ni Shaikh Saleh al Fowzan (hafidhahullaah) sa Makasalanang Da’iy

Tanong: Kung ako po ay nakagawa ng kasalanan at pagkatapos ay humingi ako ng kapatawaran kay Allah (subhanahu wa ta’ala), ang kasalanan po ba na aking ginawa ay makapipigil sa akin na mag-anyaya tungo sa Landas ni Allah, o humingi muna ako ng kapatawaran at pagkatapos ay tsaka ko ipagpatuloy ang pag-aanyaya sa Landas ni Allah?

Sagot: Kung ang tanging tao na maaaring mag-aanyaya patungo sa Landas ni Allah ay ang isang tao na walang kahit among kasalanan na nagawa, kung gayon ay walang karapatdapat na maging Da’iy! Walang sinoman ang ligtas sa paggawa ng kasalanan, ngunit kung ang isang Muslim ay nakagawa ng kasalanan, kinakailangan niyang humming ng kapatawaran, at ang kasalanan na kanyang nagawa ay hindi dap at maging sagabal sa pag-aanyaya niya tungo sa Landas ni Allaah, at sa pagpapalaganap ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan. Huwag niyang (da’iy) sasabihin na : Nagkasala ako at mali ang aking ginawa kaya hindi na ako karapatdapat na mag-anyaya tungo sa Landas ni Allaah, sa halip ay kailangan niyang iwanan ang masama niyang ginawa at iwasan na maulit ito. Wala naman pumilit sa kaniya na gawin ito. Kailangan niyang iwanan ang paggawa ng kasalanan at magbalik-loob siya kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), habang hindi niya kaliligtaan ang paggawa ng kabutihan, pag-aanyaya sa Landas ni Allaah , pagpapalaganap ng kabuthan at pagbabawal ng kasamaan.

~

Isinalin sa wikang Ingles ni: Mustafa George DeBerry
Source: Q & A session at the end of Igathatul Lahfaan lesson 28/4/1434h-March 19, 2013
Link: http://alfawzan.af.org.sa/node/14407
Advertisements

Karaniwang Muslim na Nagbibigay ng Da’wah

بسم الله الرحمن الرحيم

[Tanong]: Siguro po ay nakarating na sa inyo na isa sa mga suliranin na kinakaharap namin dito sa America ay iyong mga namamahala sa mga gawaing may kinalaman sa da’wah ay nagmula sa karaniwang mamamayan lamang. At sa maraming pagkakataon , nakikita namin sila na sumasalungat sa mga talibul ‘ilm o mga nag-aaral patungkol sa Islaam maging ito ay sa salita o sa kanilang gawain. Ano po ang maipapayo ninyo sa dalawang panig: sa mga talibul ilm at sa mga karaniwang mamamayan na namamahala sa pag-aanyaya ng Da’watus-Salafiyyah sa America?

[Sagot]: Shaykh Muhammad Ibn Haadee al-Madkhalee,

“Ang maipapayo natin sa kanila ay ang mga walang kaalaman na taong ito ay walang karapatan na mamuno sa da’wah,dahil sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa Kanyang Propeta (salallahu alayhi wa salam) :

“Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam): “Ito ang aking pamamaraan, na ako ay nag-aanyaya tungo sa pagsamba sa Kaisahan ng Allâh (subhanahu wa ta’ala), na ako ay nakatitiyak sa katibayan mula sa Allâh (subhanahu wa ta’ala), ako at ang sinumang susunod sa akin, at Luwalhati sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) na Napakadakila na malayung-malayo mula sa anumang kanilang sinasamba na itinatambal sa Kanya, at ako ay hindi kabilang sa mga naglalagay ng katambal sa pagsamba sa Kanya.” [Soorah Yoosuf 12:108]

Ang ‘Baseerah’ rito [sa aayah na ito] ay kaalaman, mula sa pinakatamang pagkakaunawa ayon sa mga Pantas ng Islaam [tungkol sa aayah na ito]. Kaya walang kahit sino na maaaring maging da’ee maliban sa mga Pantas o di kaya naman ay iyong may matatag na pundasyon ng kaalaman mula sa mga nag-aaral ng relihiyon. Sila ang mga tao na nagsasakatuparan ng pag-aanyaya tungo sa Landas ni Allaah. At para doon sa mga walang alam, kung gayon ay hindi sila dapat makisali sa ganito dahil sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa Kanyang Propeta (salallahu alayhi wa salam),

“Na kung kaya, magpakatatag ka, O Muhammad (salallaahu alayhi wa salam), na katulad ng ipinag-utos sa iyo ng iyong ‘Rabb,’ ikaw at ang sinuman na mga nanumbalik na kasama ka, huwag ninyong lampasan ang hangganang itinakda ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa inyo, dahil katiyakan, ang iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay ‘Baseer’ – Siya ay Walang-Hanggan at Ganap na Nakakikita sa lahat ng inyong mga ginagawa na walang anumang bagay ang naililihim sa Kanya sa lahat ng pagkakataon at walang pag-aalinlangan, ayon dito kayo ay Kanyang pagbabayarin.” [Soorah Hood 11:112]

Dito ay inutusan siya ni Allaah na maging matatag at matuwid. Kaya iyong mga hindi nakakaalam ng ipinag-utos ng Islaam, ang utos, sa aspetong ito, [ay hindi niya malalaman] kung ito ba ay pag-uutos upang gawin niya ang isang bagay o pag-uutos na iwanan ang bagay na ito. Kaya’t kung ito ay pag-uutos na gawin ang isang bagay sa paraan na ito ay obligasyon, isang malinaw na utos, ito ay fard o obligado. Kung ito naman ay iminumungkahi, ito ay mustahabb (pinapaboran). At kung ang pag-uutos ay bilang pagbabawal, at ang pagbabawal ay isang malinaw na kautusan,kung gayon ito ay haram. Kung hindi matibay ang pagbabawal, ito ay hindi kinalulugdan. At ang lahat ng ito ay malalaman lamang maliban ng mga tao na nag-aral. Kung gayon, ang paghahanap ng kaalaman ay isang tungkulin; at ang mga hindi nag-aral tungkol sa relihiyon ay walang karapatan na mag-anyaya sa landas ng da’wah. Oo, maaaring mayroong ibang gawain kung saan siya ay maalam, katulad ng sa pananalapi o pamumuno, kung mayroong tanggapan na may kinalaman sa pag-aayos ng mga gawain na may kinalaman sa da’wah. Ngunit kung ang gawain ay bilang pamumuno sa da’wah at may kinalaman sa pagtuturo, pag-akay, at paghubog sa mga tao at sa kanilang edukasyon at kaalaman tungkol sa mga Kautusan ni Allaah, ito ay hindi maaaring ipagkatiwala sa walang kaalaman. Ito ay dapat nilang maunawaan at iwasan na makilahok sa mga ganitong usapin.

At ang dapat namang gawin ng ating mga kapatid na nag-aaral tungkol sa deen o mga talibul ilm ay turuan nila ang mga taong ito na makaunawa gamit ang pagiging mahinahon, maunawain at kabaitan, upang makuha nila ang kalooban nila at hindi sila lumayo at malign na lamang. At kung ang mga talibul ilm ay magtatagumpay sa pagtuturo sa kanila, Allaahu Akbar! at kung hindi naman at determinado pa rin ang mga ito na ipilit ang kanilang mga opinyon at mga pansariling pagnanais, marapat na sila ay layuan at iwanan, at ang mga talibul ilm ay itaguyod ang tamang da’wah tungo sa Landas ni Allaah na malaya at hindi humihingi ng tulong sa mga taong ligaw na ito. Ito ang maipapayo ko sa ating mga kapatid. At ang mga walang taglay na kaalaman ay dapat na kumuha ng kaalaman sa mga nagtataglay nito, at unawain nila na ang pagsasagawa ng da’wah ay hindi itinataguyod maliban ng mga tao na nagtataglay ng  kaalaman tungkol sa relihiyon. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala),

“Dapat mong mabatid, O Muhammad, na walang sinuman ang may karapatan at karapat-dapat na sambahin kundi ang Allâh (subhanahu wa ta’ala), at humingi ka sa Kanya ng kapatawaran sa iyong kasalanan at ihingi mo rin ng kapatawaran ang mga mananampalatayang kababaihan at mga kalalakihan. At ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) ay Siyang Ganap na Nakaaalam kung ano ang inyong ikinikilos habang kayo ay nagigising sa araw at ang inyong lugar na pinagpapahingahan sa inyong mga tahanan kapag kayo ay natutulog sa gabi..” [Soorah Muhammad 47: 19]

~

Shaykh Muhammad Ibn Haadee al-Madkhalee (hafidhahullaah)
Translation by Abul-Hasan Maalik Ibn Aadam
Sunnah Publishing

Ang Dawah at Ang Komedya

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Maaari po bang gamitin ang pagpapatawa o komedya sa pag-aanyaya tungo sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta’ala)? Ito po ba ay kabilang sa mga pamamaraan na dapat isagawa ng isang ‘daiy?

Shaykh Fawzan (hafidhahullaah):

Ang DAWAH ay hindi sa pamamagitan ng pagbibiro,pagkokomedya at pagpapatawa. Ang Dawah ay sa pamamagitan ng Qur’an at Sunnah at ng pangangaral, ito ay hindi sa pamamagitan ng pagpapatawa sa tao o sa mga katulad pang paraan. Ang pagpapatawa ay hindi nagmula sa kagandahang-loob. Marahil ay mayroong magsasabi na ito ay nagmula sa kagandahang-loob. Ang kagandahang-loob ay hindi pagbibiro na nauuwi sa komedya. Ito ay isa sa mga bagay na nagiging sanhi upang ang kalagayan ng isang Daiy ay maging katulad na lamang ng isang pangkaraniwang tao. Kapag nakita nila na siya ay nanunukso, nagpapatawa at kung ano-ano pa, siya ay lumiliit sa kanilang paningin. Siya ay nagiging katulad ng isang komedyante, at hindi isang tagapag-anyaya tungo sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta’ala). Siya ay nagiging tila isang artista. Ang mga bagay na ito ang nagpapababa sa antas ng Daiy at nang kanyang ipinag-aanyaya. Siya ay dapat na mag-dawah sa seryosong pamamaraan, gamit ang Qur’an at Sunnah. At hindi mababasa o matatagpuan sa Qur’an at Sunnah na ang komedya at pagpapatawa ay nagmula sa Dawah tungo kay Allah (subhanahu wa ta’ala). Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta’ala) sa Kanyang Propeta (salallahu alayhi wa salam):

{125} ادْعُ إِلَى سَبِيلِ رَبِّكَ بِالْحِكْمَةِ وَالْمَوْعِظَةِ الْحَسَنَةِ وَجَادِلْهُمْ بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ
Hikayatin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), ikaw at ang sinumang sumunod sa iyo, ang mga tao tungo sa Relihiyon ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at Matuwid Niyang Landas, sa pinakamagandang pamamaraan na ipinahayag ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa iyo sa Aklat at sa ‘Sunnah,’ at makipag-usap ka sa mga tao sa pinakawastong pamamahayag, at payuhan mo sila ng pinakamagandang pagpapayo, na magiging kahali-halina sa kanila ang pagsasagawa ng kabutihan, at ilayo mo sila sa kasamaan, at mangatwiran ka sa kanila sa pinakamahusay na pamamaraan ng pangangatwiran na ito ay malumanay at banayad.
[Suratul An-Nahl :125]

PINAKAMAGANDANG PAMAMARAAN–Ibig sabihin ay nang may karunungan at nasa tamang lugar. Kakausapin mo ang isang ignorante sa paraan na mauunawaan niya; kakausapin mo ang isang maalam, sa paraan na maiintindihan niya. Ang mga may katungkulan ay kakausapin mo sa paraan na nababagay sa kanila. Ang bawat tao ay pakikitunguhan mo sa kung anong paraan ang nababagay sa kanila. At ito ang ibig sabihin ng pinakamagandang pamamaraan.

Ganoon din naman–ang karunungan ay KAALAMAN.–Kaya’t hindi ka mag-aanyaya tungo sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) kung ikaw ay isang ignorante at walang alam.

At ang mainam na pangangaral ay makipagtalastasan ka sa paraan na pinakamainam at may kagandahang-loob.  Ang komedya ay hindi kabilang rito.  Ang pagpapatawa ay hindi paraan ng pagda-dawah.  Ang pagpapatawa ay nagiging sanhi upang mawalan ng kabuluhan ang Dawah at bumaba ang pagtingin sa Daiy.  At siya ay magiging bakya,  mumurahin,  sa paningin ng mga tao,  dahil siya ay hindi nahihiya at nakayayamot . Kung kaya, tayo ay hindi nag-iimbento ng mga bagay na hindi kabilang sa pamamaraan ng Dawah.

*******
Isinalin sa wikang Ingles ni:Rasheed ibn Estes Barbee
Masjid Tawheed wa Sunnah

 

Da’wah O Pulitika

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Ano ba ang mainam na gawin : ang mag-anyaya patungo sa landas ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ng paglahok sa pulitika o ang pag-aanyaya gamit ang paraan ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam)?

Sagot mula sa Permanent Committee for Scholarly Research and ‘Ifta:

Tungkulin mo na mag-anyaya tungo sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) gamit ang Qur’an, Sunnah at pamamaraan na mismong si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang nagturo sa Kanyang Propeta nang Kanyang sinabi:

Hikayatin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), ikaw at ang sinumang sumunod sa iyo, ang mga tao tungo sa Relihiyon ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at Matuwid Niyang Landas, sa pinakamagandang pamamaraan na ipinahayag ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa iyo sa Aklat at sa ‘Sunnah,’at makipag-usap ka sa mga tao sa pinakawastong pamamahayag, at payuhan mo sila ng pinakamagandang pagpapayo,  [Suran an-Nahl :125]

at:

Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam): “Ito ang aking pamamaraan, na ako ay nag-aanyaya tungo sa pagsamba sa Kaisahan ng Allâh (subhanahu wa ta’ala), na ako ay nakatitiyak sa katibayan mula sa Allâh (Ι), ako at ang sinumang susunod sa akin, at Luwalhati sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) na Napakadakila na malayung-malayo mula sa anumang kanilang sinasamba na itinatambal sa Kanya, at ako ay hindi kabilang sa mga naglalagay ng katambal sa pagsamba sa Kanya.” [Surah Yusuf : 108]

At ipinaliwanag ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ang tamang pagbibigay ng da’wah ng sabihin niya:

– فالأول: عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: “من رأى منكم منكرًا فليغيره بيده ، فإن لم يستطع فبلسانه، فإن لم يستطع فبقلبه وذلك أضعف الإيمان” ((رواه مسلم)).

“Sinoman, mula sa inyo, ang nakakita ng munkar ay pigilan niya ito ng kanyang kamay, at kung hindi niya kaya ay pigilan niya ito gamit ang kanyang bibig, at kung hindi niya kaya ay pigilan niya ito gamit ang kanyang puso, at ito ang pinakamababang antas ng eeman”. [Rawahu Muslim]

Gayon rin naman bago niya ipinadala sa Yemen si Mu’adh ibn Jabal (radiyallahu anhu) ay sinabi niya :

حَدَّثَنَا أَبُو بَكْرِ بْنُ أَبِي شَيْبَةَ، وَأَبُو كُرَيْبٍ وَإِسْحَاقُ بْنُ إِبْرَاهِيمَ جَمِيعًا عَنْ وَكِيعٍ، – قَالَ أَبُو بَكْرٍ حَدَّثَنَا وَكِيعٌ، – عَنْ زَكَرِيَّاءَ بْنِ إِسْحَاقَ، قَالَ حَدَّثَنِي يَحْيَى بْنُ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ صَيْفِيٍّ، عَنْ أَبِي مَعْبَدٍ، عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ، عَنْ مُعَاذِ بْنِ جَبَلٍ، – قَالَ أَبُو بَكْرٍ رُبَّمَا قَالَ وَكِيعٌ عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ، أَنَّ مُعَاذًا، – قَالَ بَعَثَنِي رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ ” إِنَّكَ تَأْتِي قَوْمًا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ . فَادْعُهُمْ إِلَى شَهَادَةِ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ وَأَنِّي رَسُولُ اللَّهِ فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لِذَلِكَ فَأَعْلِمْهُمْ أَنَّ اللَّهَ افْتَرَضَ عَلَيْهِمْ خَمْسَ صَلَوَاتٍ فِي كُلِّ يَوْمٍ وَلَيْلَةٍ فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لِذَلِكَ فَأَعْلِمْهُمْ أَنَّ اللَّهَ افْتَرَضَ عَلَيْهِمْ صَدَقَةً تُؤْخَذُ مِنْ أَغْنِيَائِهِمْ فَتُرَدُّ فِي فُقَرَائِهِمْ فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لِذَلِكَ فَإِيَّاكَ وَكَرَائِمَ أَمْوَالِهِمْ وَاتَّقِ دَعْوَةَ الْمَظْلُومِ فَإِنَّهُ لَيْسَ بَيْنَهَا وَبَيْنَ اللَّهِ حِجَابٌ ” .

Matatagpuan mo ang iyong sarili sa piling ng mga hindi mananampalataya (Ahlul Kitab), una ay anyayahan mo sila sa Kaisahan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) Tawheed, at pagsaksi na ako (Muhammad salallahu alayhi wa salam) ay Sugo ni Allaah ; at kapag tinanggap nila ito, sabihin mo na nagtakda si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ng limang beses na pagdarasal sa araw at gabi; at kapag tinanggap nila ito, sabihin mo na ang Zakat ay ginawang obligado para sa mayayaman upang maipamahagi sa mga mahihirap; at kapag sumang-ayon sila, huwag kang mamili ng pinakamainam mula sa kanilang kayamanan. Mag-ingat kayo mula sa panalangin ng isang naaapi sapagkat walang lambong/harang sa pagitan niya at ng kanyang Tagapaglikha/Allaah (subhanahu wa ta’ala).
[Al-Bukhari at Muslim]

Sa Hadith na isinalaysay ni Sahl ibn Sa’d (radiyallahu anhu) , sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) kay Ali (radiyallahu anhu) nang ibigay niya ang utos sa Labanan sa Khaybar:

حَدَّثَنَا قُتَيْبَةُ بْنُ سَعِيدٍ، حَدَّثَنَا عَبْدُ الْعَزِيزِ، – يَعْنِي ابْنَ أَبِي حَازِمٍ – عَنْ أَبِي، حَازِمٍ عَنْ سَهْلٍ، ح وَحَدَّثَنَا قُتَيْبَةُ بْنُ سَعِيدٍ، – وَاللَّفْظُ هَذَا – حَدَّثَنَا يَعْقُوبُ، – يَعْنِي ابْنَ عَبْدِ الرَّحْمَنِ – عَنْ أَبِي حَازِمٍ، أَخْبَرَنِي سَهْلُ بْنُ سَعْدٍ، أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ يَوْمَ خَيْبَرَ ” لأُعْطِيَنَّ هَذِهِ الرَّايَةَ رَجُلاً يَفْتَحُ اللَّهُ عَلَى يَدَيْهِ يُحِبُّ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيُحِبُّهُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ ” . قَالَ فَبَاتَ النَّاسُ يَدُوكُونَ لَيْلَتَهُمْ أَيُّهُمْ يُعْطَاهَا – قَالَ – فَلَمَّا أَصْبَحَ النَّاسُ غَدَوْا عَلَى رَسُولِ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم كُلُّهُمْ يَرْجُونَ أَنْ يُعْطَاهَا فَقَالَ ” أَيْنَ عَلِيُّ بْنُ أَبِي طَالِبٍ ” . فَقَالُوا هُوَ يَا رَسُولَ اللَّهِ يَشْتَكِي عَيْنَيْهِ – قَالَ – فَأَرْسَلُوا إِلَيْهِ فَأُتِيَ بِهِ فَبَصَقَ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم فِي عَيْنَيْهِ وَدَعَا لَهُ فَبَرَأَ حَتَّى كَأَنْ لَمْ يَكُنْ بِهِ وَجَعٌ فَأَعْطَاهُ الرَّايَةَ فَقَالَ عَلِيٌّ يَا رَسُولَ اللَّهِ أُقَاتِلُهُمْ حَتَّى يَكُونُوا مِثْلَنَا . فَقَالَ ” انْفُذْ عَلَى رِسْلِكَ حَتَّى تَنْزِلَ بِسَاحَتِهِمْ ثُمَّ ادْعُهُمْ إِلَى الإِسْلاَمِ وَأَخْبِرْهُمْ بِمَا يَجِبُ عَلَيْهِمْ مِنْ حَقِّ اللَّهِ فِيهِ فَوَاللَّهِ لأَنْ يَهْدِيَ اللَّهُ بِكَ رَجُلاً وَاحِدًا خَيْرٌ لَكَ مِنْ أَنْ يَكُونَ لَكَ حُمْرُ …

Sumulong kayo hanggang marating ninyo ang kanilang teritoryo ; pagkatapos, anyayahan ninyo sila sa Islam at ipaalam ninyo sa kanila kung ano ang obligasyon nila mula sa mga Karapatan ni Allah (subhanahu wa ta’ala) , sapagka’t sumpa man kay Allaah! Kapag mayroong isang tao na ginabayan si Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ninyo, ito ay higit na mas mainam kumpara sa pagmamay-ari ninyo ng pulang kamelyo. [Al-Bukhari at Muslim]

Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagpadala ng sugo sa mga Hari sa kalapit na kaharian upang imbitahan sila na yumakap sa Islaam at utusan na si Allaah (subhanahu wa ta’ala) lamang ang nararapat sambahin. Binanggit niya sa mga tao /Ahlul Kitab:

“Halina sa makatarungan at makatotohanang salita, at tayong lahat ay sumunod at manatili rito (sa makatarungan at makatotohanang salita na ito): ito ay ang pagturing natin sa pagiging bukod-tangi ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa pagsamba sa Kanya, na hindi tayo gagawa ng anumang pagtatambal sa Kanya, na tulad ng mga imahen, rebulto o di kaya ay krusipiho o anumang uri ng sinasamba bukod sa Kanya; at hindi tayo susunod sa ibang batas o kagustuhan ng sinuman sa atin maliban sa kautusan ng Allâh (subhanahu wa ta’ala).” [Surah Al-Imran :64]

Pinangakuan niya sila ng dalawang ulit na gantimpala kung sila ay tutugon sa kanyang panawagan at nagbanta siya ng hindi magandang wakas ng kanilang mga kasalanan at nang kasalanan ng kanilang lipunan kung sila ay tatangggi sa kanyang ipinag-aanyaya. Karagdagan pa, siya (Propeta salallahu alayhi wa salam) ay nag-anyaya sa Islam sa pamamagitan ng kanyang kilos at pag-uugali. Siya ang pinakaperpektong halimbawa ng Tawheed at ng pagsamba. Siya ang may pinakamataas na moral ayon sa kanyang talambuhay pagdating sa pakikisalamuha sa tao, kung saan hindi siya nabagot o naghiganti kailanman kung ang sala ay sa kanyang sarili, ngunit siya ay nagagalit kapag ang Karapatan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang nilabag. Siya ay katulad ng pagkakalarawan sa kanya ni Allaah(subhanahu wa ta’ala) sa Qur’an:

…at siya ay maawain, ubod ng buti at mapagmahal sa mga mananampalataya. [Surah at-Tawbah :128]

at:

At katiyakang ikaw, O Muhammad, ay nasa pinakadakilang pag-uugali [Surah al-Qalam : 4]

Kalakip ng kanyang mga paliwanag sa paraan ng pagbibigay ng Da’wah, ito ang pamamaraan ng isang nagabayan , matalino at may awa na nagmula mismo kay Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam). Ang mga Du’at ng bawat grupo sa Islam ay ito ang nararapat na gayahin at sundin; ang pamamaraan na may karunungan at pantay na pangangaral at mahusay na pakikipagtalastasan , ang kausapin ang bawat isa ayon sa kayang estado at sa paraan na mauunawaan niya, marahil ay igagawad ni Allaah (subahanhu wa ta’ala) ang tagumpay sa pamamagitan ng Du’at na ito. Maaaring ituon Niya ang palaso sa puso ng mga kaaway .Sapagkat Siya ang tanging Nag-iisang tumutugon sa ating mga Panalangin.

********
Permanent Committee for Scholarly Research and ‘Ifta

Ang Pagkakaiba ng Da’wah Sharee’ah at ng Da’wah Siyaasiyyah (da’wah na may halong politika)

بسم الله الرحمن الرحيم

1. Da’wah Sharee’ah– [ang da’wah ng Ahlus Sunnah wal Jama’ah, ng mga sumusunod sa Sunnah ng Propeta salallahu alayhi wa salam, at ng mga Salaf ng Ummah] Ay mayroong batayan sa Qur’an at Sunnah, at ang pundasyon nito ay ang pagmamahal alang-alang lamang kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) at ang paghahangad sa Jannah (Paraiso) at ang takot na mapunta sa Apoy (Impierno), at ang paraan ay kung ano ang isinagawa ng Propeta (sallallaahu alayhi wa sallam) at ng kanyang mga Sahabah (radiAllaahu anhuma) . Ang resulta nito ay tanging mula kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), “Katiyakan, ikaw, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), ay hindi mo kayang gabayan ang sinumang nais mong gabayan, kundi ang paggagabay ay nasa Allâh (subhanahu wa ta’ala) lamang na ginagabayan Niya ang sinuman na Kanyang nais.” [Sooratul-Qasas (28):56]

Ang da’wah Siyaasiyyah (da’wah na may kasamang politika)– [ang da’wah ng mga grupo na kalahok ang pulitika tulad ng Ikhwaan al-Muslimeen, Jam’iyyah Ihyaa’ at-Turaath, atbp na katulad nito] ay mayroong batayan na nagmula sa pulitika, ang pundasyon nito ay nagsisimula sa idelohiya o pansariling nais ng isang grupo, at ang paraan nito ay ang pagkakaroon ng organisasyon o samahan at jamaa’ah, ang resulta nito ay nakaplano na at dinesenyo.

2. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah ay naghahangad na pag-isahin ang Ummah sa pundasyon ng paniniwala na pinaghawakan ng Propeta (Sallallaahu ‘alayhi wasallam) at ang kanyang mga Sahabah katulad ng sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala): “At hawakan ninyo nang mahigpit ang Aklat na mula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh subhanahu wa ta’ala), at ang patnubay ng inyong Propeta, at huwag kayonggumawa ng anumang bagay na magiging dahilan ng inyong pagkakahiwa-hiwalay.” [Soorah Aal-`Imraan (3):103]

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah ay gumagawa ng paraan upang matupad ang kanilang paghahangad na magkaisa ang mga grupo (ahzaab) sa Islamikong bansa upang masigurado nila ang pamumuno sa iba pang grupo ng estado. At binabasa nila ang sinabi ng Al-Haqq [Allaah], subhanahu wa ta’ala: “At huwag ninyong gayahin, O kayong mga mananampalataya, ang mga‘ Ahlul Kitâb’ sa kanilang pag-aaway-away at hindi pagkakasundo hanggang sa sila ay nagkawatak-watak na mga grupo. At hindi sila nagkakasundo sa pundasyon o pinakaugat ngRelihiyon (‘Deen’) pagkatapos naging malinaw sa kanila ang katotohanan. At sila ay karapat-dapat sa masidhing pagpaparusa”. [Soorah Aali-`Imraan (3):105] at ang : “Pagkatapos noon ay nagkawatak-watak ang mga sumusunod sa Relihiyon na itong iba’t ibang grupo, pinarami nila ang kanilang Relihiyon pagkatapos silang utusan na magkaisa, at bawa’t grupo sa kanila ay nasisiyahan sa kanyang pananaw na inaangkin na siya ay nasa tama at ang iba naman ay nasakamalian” [Sooratul-Mu’ minoon (23):53]

3. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah ay tumutuligsa sa pamamagitan ng matapat na pagpapayo, gamit ang mga salita na nagmula sa kaalaman at sa magandang paraan ng pagpapaalala, na sumusunod sa itinakda ng prinsipyo ng Sharee’ah.

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah ay tumutuligsa sa pamamagitan ng lantad na demonstrasyon, welga at pag-aaklas, at sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa tao na lumabas sa mga kalsada sa ilalim ng pagpapanggap na ito raw ay islaah (pagtutuwid).

4. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah ay may malasakit sa pagkakaroon ng gabay ng sangkatauhan tungo sa pagsunod kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) at ang pagsunod sa Kanyang Batas (shar ‘)

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah ay naghahangad na mapahinahon ang mga tao sa pamamagitan ng pagkapanalo sa eleksyon, at pagkatapos ay pipilitin ang gobyerno na ibigay ang mga hinihiling ng kanilang grupo, na ang pinakamahalaga sa lahat ay ang maabot nila ang kapangyarihan sa gobyerno.

5. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah ay tumitingin sa kung ano ang nakikita sa isang Muslim, at pinatotohanan na tunay nga na siya ay nagmula sa mga Muslim, at tatawagin mo siya sa pangalan kalakip ang Islaam.

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah ay tumitingin sa isang Muslim sa kung ano lamang ang pakikinabangan ng partido (hizb) at ng organisasyon, kaya siguro ganito ang lagi nilang sinasabi: “si ano at si ano ay isang sekularista”, “si ano at si ano ay isang liberal”, “hindi-islaamiko” , at kung ano-ano pa.

6. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah, ang namumuno sa kanila ay ang `Ulamaa ar-Rabbaaniyoon [Ang mga scholar na kilala sa kanilang paghubog sa tao sa tamang paniniwala, tamang manhaj o pamamaraan at tamang pagkaunawa sa Deen.] Sila ay kinikilala sa kanilang pamumuno at pangangalaga sa Ummah, tulad nina : al-`Allaamah Muhammad Naasiruddeen al-Albaanee, al-`Allaamah `Abdul-`Azeez bin Baaz at al-`Allaamah Muhammad bin Saalih al-’Uthaymeen -kaawaan silang lahat ni Allaah -, kaya ang katotohanan na nagmula sa kanila ay mayroong epekto sa puso ng bawat karaniwang Muslim at ng talibul ilm.

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah, ang kanilang pinuno ay mga politiko. Wala silang koneksyon sa kaalaman, at hindi sila nakaaapekto sa puso ng karaniwang Muslim, katotohanan na ang epekto nila ay doon lamang sa miyembro ng partido /Hizb (party) at ng organisasyon.

7. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah ay nag-aanyaya upang maniwala at magsagawa ng da’wah upang makamit ang Kaluguran ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) , at hindi nakabase sa pagkakaroon ng kasikatan o pagtaas ng antas sa lipunan.

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah, ilan sa kanilang ipinag-aanyaya ay ang pakikiisa at pagkakaroon ng koneksyon sa hizb (partido) na daan sa tagumpay, kaya ito ang paraan nila ng pagkakaroon ng mataas na posisyon at antas sa lipunan.

8. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah, ang mga tagapag-anyaya nkito ay gumugugol mula sa sarili nilang kayamanan, katulad ng sinabi ng Propeta (Sallallaahu ‘alayhi wasallam) “At huwag kayong manghingi sa mga tao ng kahit na ano” [Saheeh Muslim (1043) atbp mula kay `Awf ibn Maalik. Saheeh. Saheeh al-Jaami (2646)8], at dahil dito, sila ay nakikiisa sa sinabi ng Propeta (Sallallaahu ‘alayhi wasallam) : “Ang kamay na nasa itaas ay mas mabuti kaysa sa nasa ibaba.” [Saheeh al-Bukhaaree (1472) at Saheeh Muslim (1033, 1035, 1036).] [Ang mga salaysay na nagpapakita ng paraan ng Ahlus-Sunnah na hindi humihingi sa tao ng kanilang mga dumi (sadaqaat) ay marami at malinaw. Kaya para doon sa mga nagpapakilala na sila ay sumusunod sa daan ng mga Salaf at nais mag-anyaya sa Haqq/Katotohanan, hindi nila pinatatatag ang kanilang da’wah sa pamamagitan ng panghihingi sa mga tao ng salapi. Sa halip ay pinatatatag nila ito sa pamamagitan ng pagsisipag at paggugol sa kanilang da’wah ng pera na mula sa sarili nilang bulsa. At ipinaliwanag ni Shaykh Ahmad as-Subay’ee , wala kayong matatagpuan na kahit isang athar (salaysay) mula sa mga Sahabah, o mga Taabi’een, o mga Atbaa’ut-Taabi’ een, o kahit iyong mga sumunod sa kanila na tumayo sila sa masjid upang manghingi sa tao ng kanilang sadaqaat, wala kahit isa! Dahil kung ganito ang kanilang paraan at itinuro sa kanila, siguro ay ginawa na nila ito. At ang isa sa pagkakaiba ng Da’watus-Salafiyyah sa lahat ng iba pang da’waat ay kinukuha natin ang ating pagkakaunaw sa Qur’an at Sunnah mula sa mga aathaar (salaysay) na nagmula sa mga Salaf ng ating Ummah, kabaliktaran ng mga grupong politikal at mga partido].

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah, ang kahon nila ng koleksyon at bank allotments at ang panghihingi sa mga tao ay palagian, hindi nila maalis ang ugaling ito. Katotohanan na ito ay isa sa mga lantad nilang gawi. At naniniwala sila na ang pinansiyal na pinagkukunan nila ang magpapanatili ng kanilang da’wah at mga gawain.

9. Ang mga tao ng Ad-Da’wah ash-Sharee’ah, ang kanilang manhaj (metodolohiya/pamamaraan) ay malinaw sa kanila, kung kaya, walang sikreto o pagtatago, kaya sila ay doon sa “al-Baydaa’ (malinaw na katibayan), ang kanilang gabi ay tulad ng kanilang araw (dala ng pagiging malinaw).” [Ahmad (4/126), Ibn Maajah (43), at al-Haakim (1/96). Si Al-`Allamah al-Albaanee ay idineklara itong Saheeh sa Saheeh al-Jaami’ (4369)]

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah, ang kanilang manhaj ay patago at malabo, kulang sa paglilinaw sa mga bagay na obligadong bigyan ng kaliwanagan.

10. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah, ang kanilang posisyon ay matatag at malinaw, kahit pa ito ay sumasalungat sa nakararaming tao ng sangkatauhan.

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah, ang posisyon nito ay pabago-bago, paiba-iba, kaya ang tama kahapon ay posibleng maging mali ngayon, at ang mali ngayon ay maaaring maging tama bukas.

11. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah ay may sinusunod na hakbang sa islaah (pagtutuwid) gamit ang itinakda ng batas [i.e. Qur’aan at ang saheeh Sunnah], at kahit na hindi magtagumpay ang pagtutuwid na ito, ay katotohanan na sinabi niya (Sallallaahu ‘alayhi wasallam) : ”At may Propeta na darating at wala siyang kasama kahit isa” [Al-Bukhaaree]- ibig sabihin ay mayroong Propeta mula sa mga Propeta ni Allaah ang darating sa Yawm al-Qiyaamah (Araw ng Pagbabangong Muli) at wala man lamang kahit isang tao ang naniwala sa kanya, at hindi niya nabago ang kalagayan ng kahit isang tao mula sa lipunan kung saan siya ipinadala, kaya ang Propeta (Sallallaahu ‘alayhi wasallam) na ito ay nag-anyaya sa pamamagitan ng pagtutuwid, at walang sinoman sa mga tao ang tumugon sa kanyang panawagan.

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah ay kinuha ang hakbang ng kanilang islaah sa pagtatagumpay ng desisyong politikal, at sa pamamagitan ng “ang hangarin ang magbibigay ng hustisya sa gawain”.

12. Ad-Da’wah ash-Sharee’ah, ang kanilang bandila at palatandaan ay kilala dahil sa pagsusumikap kaakibat ang kaalaman na maipalaganap ang tamang `Aqeedah at ang Sunnah.

Ad-Da’wah as-Siyaasiyyah, ang kanilang bandilat at palatandaan ay makikita at kilala sa halaga ng kanilang Jamaa’ah at ng Hizb at mula sa kanilang kayamanan at impluwensiya, kaya kung babalikan ninyo sa inyong ala-ala ang nakaraan, malalaman ninyo na ang kanilang mga pinuno na kilalang-kilala, ay hindi umabot sa kanilang posisyon maliban sa pamamagitan ng Jamaa’ah, Hizb, at kayamanan.

********

Ash-Shaykh Aboo `Uthmaan Muhammad bin `Uthmaan al-`Anjaree
Isinalin sa wikang banyaga [Ingles] ni Aboo Sufyaan ‘Uthmaan Beecher (Salafiyyah-Kuwait.blogspot.com)
Pinagkuhanan: salafitalk

Ang Sweldo ng Du’aat

بسم الله الرحمن الرحيم

Isa sa mga mainit na paksa na ibinabato ng mga ligaw na sekta sa mga du’aat ng Ahlus Sunnah wal Jamaah ay ang usapin tungkol sa pera o suporta na tinatanggap ng mga du’aat na ito mula sa kanilang mga sponsors. Hanggang sa magparatang pa sa mga du’aat na ito na sila daw ay nagdagdag at nagpakilala ng isang bid’a. Ang rason? Dahil hindi tumanggap ng sweldo/pera/suportang pinansiyal ang Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) at ang kanyang mga Sahaba (radiyallahu anhum) bilang kabayaran sa kanilang Da’wah.

Bago natin ilatag ang pahayag ng Ulaama tungkol sa bagay na ito, nais nating linawin na ang isang tunay na Muslim ay iyong naniniwala at sumusunod sa Qur’an at Sunnah ayon sa pang-unawa at pagpapaliwanag ng mga Salafus Saleh.

Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

…..tanungin ninyo kung gayon, ang mga naunang ‘Ahlul Kitâb’ (mga Hudyo at mga Kristiyano) at sasabihin nila sa inyo na ang mga Propeta ay mga tao, kung talagang hindi ninyo batid na sila ay mga tao.

At ang talatang ito ay bilang pangkahalatan na patungkolsa lahat ng bagay na may kinalalaman sa Relihiyon (o ‘Deen’), na kapag ang isang tao ay mayroon siyang hindi alam ay nararapat na magtanong siya sa sinumang nakaaalam na pinagkaloban ng kaalaman. [Sûrat An-Nahl 16:43]

وقال تعالى ( الزمر 9 ) : { قل هل يستوي الذين يعلمون والذين لا يعلمون }
Sabihin mo, O Muhammad: “Maaari bang magkapantay angnakakikilala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang tunay na ‘Deen,’ sa mga yaong wala silang kaalam-alam hinggil samga bagay na ito?” [Sûrat Az-Zumar 39:9]

Narito ang pahayag ng taong ‘pinagkalooban ng kaalaman’ ,si Shaykh Saalih Aal Shaykh (hafidahullaah) nang siya ay tanungin kung maaari ba na tumanggap ng sweldo ang isang da’ee?

Shaykh Saalih Aal Shaykh:  Ang una at pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng isang daa`ee ay ang pagiging matapat—IKHLAS– na ang lahat ng kanyang gawain ay tanging laan lamang para kay Allah (subhanahu wa ta’ala). Kinakailangan ay mag-ingat siya sa pagtanggap ng kabayaran kapalit ng kanyang da`wah at maging maingat sa pananalita o pagsali sa gawain na may kapalit na kabayaran. Sapagkat kung alinman sa mga ito ang dumatal sa kanya dala ng matinding pangangailangan, kung gayon ay kailangan niya paalalahanan ang kanyang sarili, upang ang kanyang mga sasabihin ay pawang katotohanan at iyong mga nararapat lamang.

At huwag ninyong ipagpalit ang Aking mga palatandaan o mga salita sa napakaliit na halaga ng makamundong bagay. [Sûrah 2. Al-Baqarah: 41]

[[—ang Ayah sa itaas ang ginagamit na Daleel upang patibayin nila ang kanilang maling paratang na ang mga du’aat ay nagsasagawa ng bid’a sa pamamagitan ng pagtanggap ng bayad. Gayong kung tutuusin, hindi naman nakababawas ng gantimpalang matatanggap ng isang tao na nag-aaral ng Qur’an at itinuturo ito sa iba , ang pagtanggap niya ng kabayaran para rito hanggang ang intensiyon ng nagtuturo ay upang makamit lamang ang ikalulugod ni Allaah (subhanahu wa ta’ala).]]–The Permanent Committee for Scholarly Research and Ifta’–

Shaykh Saalih Aal Shaykh:  Ang da`wah ay iba sa pagtuturo ng Qur.aan. Ang da`wah ay may mga batas at alituntunin, ito ay mayroong ibang panuntunan kung ihahambing sa pagtuturo ng Qur’an. At dahil dito, ang mga Ulaama ay nagpahintulot na tumanggap ng suportang pinansiyal ang mga daee, at hindi ito matatawag na sweldo. Siya ay tumatanggap ng suporta mula sa baytul-maal, at ang nagdedesisyon nito ay ang taong nasa posisyon –suporta na hindi nakabatay sa kung gaano ang kanyang pagsisikap na maisagawa ang pangkalahatang gawain na ito.

Sapagkat sinabi ni Allah (subhanahu wa ta’ala):

قال الله تعالى ( آل عمران 104 ) : { ولتكن منكم أمة يدعون إلى الخير ويأمرون بالمعروف وينهون عن المنكر وأولئك هم المفلحون}

At magpalitaw kayo, O kayo na mga mananampalataya, mula sa inyo ng isang grupo, na nag-aakay tungo sa kabutihan at nag-uutos sa paggawa ng mabuti – at ito ay ang pag-aakay tungo sa Islâm at sa Kanyang batas, at pagbabawal sa paggawa ng masama, na ito ay ang lahat nglabag sa katuruan ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam); samakatuwid, sila ay magtatagumpayng mga Hardin sa ‘Al-Jannah.’

Ipinag-utos ni Allah (subhanahu wa ta’ala) na magkaroon ng grupo mula sa atin na siyang mag-aanyaya sa kabutihan. Kaya kung ang grupo na ito ay makatanggap ng suporta , upang makatulong sa kanya/kanila na maisakatuparan ang dakilang gawain na ito–ang da’wah, at ito ay hindi sweldo o kabayaran na nakatakda ang oras, araw , o anopaman na malinaw na nakasaad, kung gayon ay WALANG MASAMA sa pagtanggap na ito