Inggit

بسم الله الرحمن الرحيم

Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa Qur’an; [sa pagkakasalin]

O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang Sugo at sumunod ng Kanyang gabay! Iwasan ninyo ang karamihan sa mga haka-haka na masasama laban sa mga mananampalataya; dahil ang ibang haka-haka ay kasalanan. At huwag magmanman, at huwag ninyong matahin ang dangal ng mga Muslim o magsiraan sa isa’t-isa, at huwag banggitin ng iba sa inyo sa iba nang palihim ang anuman na hindi niya nagugustuhan. Dahil nais ba ng isa sa inyo na pakainin siya ng kanyang kapatid ng patay na laman ng kanyang kapatid? At kayo mismo ay kinamumuhian ninyo ito, na kung kaya, kamuhian ninyo ang paninirang-puri sa kanya at matakot kayo sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal. Katiyakan, ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) ay ‘Tawwâb’ – Tagapagtanggap at Tagapagpatawad sa sinumang nagsisisi at nagbabalik-loob mula sa Kanyang mga alipin na mga mananampalataya, na ‘Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa kanila. [Suratul Hujurat :12]

Ang inggit ay kakabit ng haka-haka, pagmamanman, paninira, at pagyurak sa dangal ng taong kinaiinggitan. Kaya nga mahigpit ang pagbabawal sa masamang gawain na ito. Ito ay isa sa mga malalaking kasalanan na posibleng gawin ng tao.

وعن أبي هريرة رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه و سلم قال : [ إياكم والحسد فإن الحسد يأكل الحسنات كما تأكل النار الحطب أو قال العشب ] رواه أبو داود
Iniulat ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam): “Iwasan ninyo ang inggit sapagkat ito sumisira sa kabutihan katulad ng apoy na tumutupok sa kahoy na panggatong”. [Abu Dawud]

Ang inggit na tinutukoy dito ay ang inggit kung saan ninanais ng isang tao na mawala ang mabuting bagay o katangian na biyaya ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa taong kanyang kinaiinggitan. At dahil dito ay itinuro ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) kay Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) kung paano magpapakupkop sa Kanya laban sa mga naiinggit at sa mismong pagka-inggit.

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sabihin mo, O Muhammad: “Nagpapakupkop ako at hinihingi ko ang kalinga ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng ‘Falaq,’ na ito ay pagbubukang-liwayway.
2. “Mula sa kasamaan ng lahat ng nilikha at sa mga kapinsalaan na maidudulot nito.
3. “At mula sa kasamaan ng matinding kadiliman kapag kumalat na ang gabi nito at sa anumang kasamaan at mga nakapipinsala na nangyayari rito.
4. “Mula sa mga nagsasagawa ng karunungang itim na mga kababaihan na hinihipan nila ang kanilang mga ibinuhol na tali, na ito ay kanilang pinagbubuhul-buhol bilang pangkukulam. [Surah Al-Falaq]

Ang ibig sabihin ay kapag nararamdaman ng tao na mayroong namumuong inggit sa kaniyang puso at ito ay binigyan niya ng pagkakataon na maisagawa niya, ang inggit na ito ay magtutulak sa kanya na gumawa ng hindi kanais-nais sa taong kanyang kinaiinggitan.

Ang Inggit/Hasad ay may iba’t-ibang antas:

1 – Kapag ang tao ay nagnanais na mawala ang biyaya na natanggap ng kapwa niya Muslim, kahit ito ay hindi naman sa taong inggit nanggaling; ngunit dahil sa kanyang inggit ay ayaw niya na may mabiyayaan na iba, sapagkat ang biyayang ito ay nagiging sanhi ng kanyang pagkadismaya.

2 – Kapag ninais ng taong inggit na mawala ang biyaya sa taong kanyang kinaiinggitan dahil hangad niya na ito ay mapasakanya.

3 – Kapag ninanais niya na magkamit ng kung ano ang mayroon ang kanyang kapwa, ngunit hindi naman niya ninanais na mawala ito sa taong nagtataglay nito. Ang ganitong uri ng inggit ay pinahihintulutan at hindi hasad ang tawag dito kundi…ghibtah.

Ang taong naiinggit ay sinasaktan lamang ang kanyang sarili sa pamamagitan ng:

1 – Nagkakamit siya ng kasalanan dahil ang hasad ay haraam.

2 – Ang inggit ay isang masamang pag-uugali , dahil nangangahulugan ito na kinamumuhian mo ang biyaya na ibinigay ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa Kanyang alipin, at tinututulan mo ang pagbibigay na ito.

3 – Naghihirap ang taong naiinggit dahil palagi siyang nag-iisip at nag-aalala.

********
Majmoo’ Fataawa al-Lajnah al-Daa’imah li’l-Buhooth al-‘Ilmiyyah wa’l-Ifta’ (26/29).
Advertisements

Mag-ingat sa…TAONG may dalawang Mukha

بسم الله الرحمن الرحيم

حَدَّثَنَا مُحَمَّدٌ، قَالَ: حَدَّثَنَا عُمَرُ بْنُ حَفْصٍ، قَالَ: حَدَّثَنَا أَبِي، قَالَ: حَدَّثَنَا الأَعْمَشُ، قَالَ: حَدَّثَنَا أَبُو صَالِحٍ، عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ، عَنِ النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم قَالَ: تَجِدُ مِنْ شَرِّ النَّاسِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عِنْدَ اللهِ ذَا الْوَجْهَيْنِ، الَّذِي يَأْتِي هَؤُلاَءِ بِوَجْهٍ، وَهَؤُلاَءِ بِوَجْهٍ.
صـحـيـح (الألباني)

Isinalaysay ni Abū Hurayrah (radiallaahu `anhu) na ang Sugo ni Allāh (sallallaahu `alayhi wa sallaam) ay nagsabi,

“Katotohanan, ang pinakamasamang tao ay iyong mayroong dalawang mukha, na kapag naroon siya sa piling ng isang grupo ng tao ay iba ang kanyang ipinapakita and iba rin naman pagdating sa kabilang grupo” [al-Bukhārī in his al-Ṣaḥiḥ (no. 3232, 5719 and 6765) and Muslim in his al-Ṣaḥiḥ (no. 4566, 4693 and 4694)

Sa kanyang pagpapaliwanag tungkol sa hadith na ito, si al-Hāfiz Ibn Ḥajr ay nagwika, na sinabi ni “al-Qurtubī ,

Katotohanan na ang taong mayroong dalawang mukha ay ang pinakamasama sa lahat dahil ang kahalintulad niya ay ang isang munafiq/ mapagkunwari, gumagamit siya ng labis na papuri at pagsisinungaling upang makalikha ng fasād (hidwaan) sa pagitan ng mga tao.’

Si Al-Nawawī ay nagsabi, ‘Siya iyong tao na nakikisama sa lahat ng grupo sa paraan na matutuwa sila, kaya iisipin ng grupong ito na siya ay kakampi nila at ang taong ito ay laban sa kabilang grupo, at ang kanyang mga ikinikilos ay mula sa pagiging munafiq, pagsisinungaling, panloloko at paggamit ng paraan upang maisiwalat niya ang sikreto ng bawat grupo, at ito ay kabilang sa mga ipinagbabawal dahil ito ay pambobola lamang. [Fatḥ al-Bārī (10/475)]

Ganoon din, sa kanyang aklat na al-Zawājir, si Al-Haythamī ay nagturing sa taong may dalawang mukha na ito ay mula sa mga taong may malalaking kasalanan. Sinabi niya “Ang 253 na Malaking Kasalanan : ang salita ng taong may sanga ang dila, i.e ang taong may dalawang mukha, at siya ay walang kinalaman kay Allāh (subhanahu wa ta’ala).” [al-Zawājir (2/574-576)]

Sa ibang salaysay ng hadith na ito, si ‘Ammār ibn Yāsir ay nagsabi na sinabi ni Propeta Muhammad (sallallaahu `alayhi wa sallaam),

“Sinoman ang mayroong dalawang mukha habang siya ay nabubuhay ay magkakaroon ng dalawang dila na apoy sa Araw ng Pagbabangong muli..” [Tinipon ni: Abū Dāwud in his Sunan (no. 4212). Sinuri ni: al-Albānī in al-Silsilah al-Ṣaḥiḥah (no. 992)]

Sinabi ni Aẓīm Ābadī : si “Al-‘Alqamī ay nagwika: ‘Ito ay nangangahulugan na dahil ang taong ito ay nakikisama sa bawat grupo gamit ang iba’t-ibang mukha upang makagawa ng kaguluhan, siya ay bibigyan ng dalawang dila na apoy katulad ng dalawang dila na ginamit niya sa bawat grupo noong siya ay nabubuhay pa dito sa mundo.’” [Awn al-Ma’būd Sharḥ Sunan Abū Dāwud(13/150)

Kung gayon, marapat sa isang mananampalataya na maging maingat sa mga tao na naghahatid sa kanila ng salita ng ibang tao, “Si ganoon at ganito ay ganito at ganyan ang sinabi tungkol sa iyo”, upang bumaliktad lamang sa kabilang grupo at ibalik ang una nilang sinabi. Dahil ilan na ba ang malapit na magkaibigan na naging mortal na magkaaway , pagmamahalan na nauwi sa pagkamuhi dahil sa mga ganitong paraan na ginamit ng taong may dalawang mukha ? At kung nababatid lamang ng mga taong sulsol na ito kung ano ang naghihintay sa kanila na kaparusahan at pagkapahiya, siguro ay magbabalik-loob sila at matatakot kay Allāh (subhanahu wa ta’ala) at aayusin ang tali na siyang nagdudugtong sa relasyon na kanilang sinira.

Humihiling tayo kay Allāh (subhanahu wa ta’ala) na pangalagaan tayo mula sa taong may dalawang mukha at pag-isahin ang ating mga damdamin sa Islām at Sunnah.

********

Ni: Abū al-Ḥasan Mālik Ādam al-Akhḍar
Al-Raḥmāniyyah Publishing