Karaniwang Gawain ng Pagmamalabis: Ang Grandeng Aqeeqah

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinaka Mahabagin…

Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) , na tumutukoy sa mga Hudyo at Kristyano na mayroong mahigpit na babala para sa mga Muslim upang ito ay kanilang sundin at isabuhay:

يا أهل الكتاب لا تغلوا في دينكم
“O kayong mga pinagkalooban ng ‘Injeel!’ Huwag kayong magmalabis sa inyong relihiyon!” [Soorah an-Nisaa’ (4:171)]

Ang Propeta (salallaahu alayhi wa salam) ay nagsabi:

إياكم والغلو فإنما أهلك من كان قبلكم الغلو
“Mag-ingat kayo laban sa ghuluww (pagmamalabis sa relihiyon), sapagkat ito ang naging dahilan ng pagkawasak ng mga nauna sa inyo!”
[Tinipon nina Ahmad (1/215), an-Nasaa’ee, Ibn Maajah, atbp. Si Al-Haakim (1/466) ay idineklara itong saheeh (mapananaligan) ayon sa mga kundisyon nina al-Bukhaaree at Muslim. Basahin sa : Silsilat al-Ahaadeeth as-Saheehah (#1283).

Upang maisakatuparan ang utos na ito ng Propeta (salallahu alayhi wa salam), ito ay ilan sa mga payo bilang kapatid sa Islaam na tumatalakay sa pang araw-araw na pagmamalabis sa relihiyon na nagagawa ng isang Muslim, upang mabantayan natin ang ating mga sarili at mabigyang babala na rin ang iba pa nating kapatid.

Ang Labis na Paghahanda Para sa ‘Aqeeqah

Ang ‘aqeeqah ay kapag ang isang Muslim na ama ay nagkatay ng dalawang tupa matapos na biyayaan siya ng sanggol na anak na lalaki, o isang tupa naman kung babae ang kanyang anak. Ito ay ipinapayong gawin , at para sa ibang Ulamaa, ito ay isang obligadong gawain . [basahin sa link na ito kung bakit karamihan ng mga Ulamaa ay nagsasabi na ito ay ipinapayong gawin
[http://www.bakkah.net/en/ruling-aqeeqah-obligation-recommended-sunnah.htm] Ito ay mainam na gawin sa ika-pitong araw matapos ang pagkasilang sa sanggol.

Ang Sunnah na ito ay naisasakatuparan kapag nakapagkatay na ng tupa. Ang mga karaniwang Muslim ay inihahanda bilang pagkain ang kinatay na tupa, na daragdagan pa nila ng salad, iba pang putahe, minatamis, atbp. na sa pagkakamli nila ay tinatawag nilang ‘aqeeqah. Tandaan– ang ‘aqeeqah ay ang pagkakatay at hindi ang mga pangyayari pagkatapos nito.

Dahil naging pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng maraming handa kasama ng karne na mula sa ‘aqeeqah na siyang ipapakain sa maraming bisita, iniisip ng ibang tao na ito ang tanging paraan kung paano isagawa ang ‘aqeeqah. At bilang resulta, makakakita ka ng tao na may kakayahan na maghandog ng kakatayin subalit ipinagpapaliban niya ito dahil wala pa siyang panggastos sa malaking handaan, o sa iba pang pagkakagastusan na may kinalaman sa maraming panauhin na iimbitahin.

Tunay na Makabagong Tanda ng Ghuluww

Hindi na nakapagtataka kung makakita ka ng lalaki na hindi nagsagawa ng ‘aqeeqah para sa ilan niyang anak, dahil hinihintay niya ang panahon na magkakaroon siya ng maraming pera at pinaplano niyang magkatay ng maraming tupa. Pinahihirapan niya ang kanyang sarili, pinipigilan niya ang kanyang sarili na isagawa ang isang simple ngunit importanteng gawain sa kanyang madali at praktikal na relihiyon.

Ang Solusyon

Kung ikaw ay sapat lamang ang pera na pambili mo ng tupa na kakatayin ( o dalawang tupa), ay isagawa mo na ang simpleng ‘aqeeqah (ang pagkakatay), at itabi mo ang karne upang makain ng iyong pamilya. Maaari mong itabi sa freezer ang karne, o di kaya ay ibigay mo sa iyong kapitbahay at kapamilya.

Maging makatotoo ka, mabuhay ka sa kung anong pinansyal na antas ka nabibilang, at huwag mong pahirapan ang iyong sarili o ang iyong pamilya sa pamamagitan ng hindi kinakailangang pagpapakahirap, maging pinansyal man ito o iba pang bagay.

At si Allaah ang Higit na Nakakaalam.

Isinulat ni: Moosaa Richardson

bakkah.net

Advertisements

Ang Paggamit ng EEMAAN bilang pangalan ng bata– Shaykh Ibn Uthaymeen رحمه الله

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong #30: Ano po ang alituntunin sa paggamit ng Eemaan bilang pangalan ng tao?

Ang pangalan na Eemaan ay nagtataglay ng katangian na pagpapakilala sa sarili, pagpapataas ng antas ng sarili, kaya hindi ito nararapat gamitin bilang pangalan ng isang tao. Ang Propeta صلى الله عليه وسلم ay pinalitan ang pangalan na Barrah (ang relihiyoso, masunurin na tao) dahil ito ay nagpapahiwatig ng pagpuri sa sarili. Ang mga dapat na managot dito ay iyong mga tagapangalaga ng bata na nagbigay sa kanila ng mga katulad ng ganitong pangalan.. At para doon sa mga pangalan na walang bahid ng pagpuri sa sarili na maaaring siyang maging pag-unawa ng tao kung ito ay bibigkasin at tanging pangalan lamang, ay walang masama kung pangalanan sila ng ganito. Kaya nga ginagamit natin ang mga pangalan na tulad ng Saaleh at ‘Ali dahil ang mga ito ay pangalanan lamang at hindi nagtataglay ng nakatagong pagpuri sa sarili.

********

Sheikh Ibn Uthaimeen (rahimahullaah)[Al-Majm’ua ath-Thameen: 1/143]
Source: Islamic Fataawa Regarding The Muslim Child, Page 45

Awiting Pambata

بسم الله الرحمن الرحيم

 KAIINGAT KAYO!!!!

Isa sa mga paraan natin upang malibang at mapatulog natin ang ating mga anak ay ang kwentuhan sila o di kaya ay turuan sila ng mga nursery rhymes. At ang mga nursery rhymes na ito ay tumitimo sa kanilang isipan na malaki ang epekto sa paghubog sa kanilang pagkatao hanggang sa sila ay lumaki at magkaisip.

Ano nga ba ang itinuturo ng mga bedtime stories at nursery rhymes na ito sa ating mga anak? Tingnan natin ang ilan sa mga halimbawa;

*”hey diddle diddle, the cat and the fiddle the cow jump over the moon.”*

(Hindi ninyo maaaring itatwa, pero sigurado ako na lahat tayo ay narinig at kinanta iyan noong tayo ay nasa early stage of childhood natin)

Ano ba ang masamang aral sa likod ng nursery rhyme na ito?

Tinuturuan nito ang ating mga anak, sa mura nilang isipan na MAGSINUNGALING AT MANIWALA SA KASINUNGALINGAN.
Dahil saan ka naman nakakita ng baka na tumalon na sa sobrang taas ay nakaabot at lampas pa sa buwan?

” عَلَيْكُمْ بِالصِّدْقِ فَإِنَّ الصِّدْقَ يَهْدِي إِلَى الْبِرِّ وَإِنَّ الْبِرَّ يَهْدِي إِلَى الْجَنَّةِ وَمَا يَزَالُ الرَّجُلُ يَصْدُقُ وَيَتَحَرَّى الصِّدْقَ حَتَّى يُكْتَبَ عِنْدَ اللَّهِ صِدِّيقًا وَإِيَّاكُمْ وَالْكَذِبَ فَإِنَّ الْكَذِبَ يَهْدِي إِلَى الْفُجُورِ وَإِنَّ الْفُجُورَ يَهْدِي إِلَى النَّارِ وَمَا يَزَالُ الرَّجُلُ يَكْذِبُ وَيَتَحَرَّى الْكَذِبَ حَتَّى يُكْتَبَ عِنْدَ اللَّهِ كَذَّابًا ” .
Obligasyon ninyo ang magsabi ng KATOTOHANAN, sapagkat ang katotohanan ang magdadala sa inyo sa kabutihan, at ang kabutihan ay magdadala sa inyo patungong Paraiso…(hanggang sa katapusan ng hadith) [ Sahih Muslim ]

*Hansel at Gretel*
>> Patayin ang anak kung wala nang maipakain!

Isa sa mga mahigpit na ipinagbabawal sa Islaam ay ang pagpatay sa anak dala ng kahirapan;

….at huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa pagkatakot na kayo ay maghirap, dahil ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa katotohanan ang nagbibigay ng kabuhayan sa inyo at ganoon din sa kanila; [Surah Al-‘An-am : 151]

*Little red riding hood*>>Panloloko

Isang lobo na nagsuot ng damit ng matandang babae upang lokohin lamang ang isang bata…tsk tsk tsk

أَلاَ إِنَّهُ يُنْصَبُ لِكُلِّ غَادِرٍ لِوَاءٌ يَوْمَ الْقِيَامَةِ بِقَدْرِ غَدْرَتِهِ ” .
Sa bawat manloloko ay may nakalaan na bandila para sa kanya sa Araw ng Paghuhukom, katumbas ng kanyang mga panloloko
[Isinalaysay ni Abu Sa’eed al Khudri (radiyallahu anhu), Sunan Ibn Majah ]

*Snow white and the 7 dwarfs*
>>Nagtuturo ng kawalan ng delikadesa ng isang babae

Pitong unano na umiiyak para sa isang maputing babae, kaya ang ating mga anak na babae, sila ay lalaking palagay ang loob sa piling ng kalalakihan na hindi nila kaano-ano, at ang mas nakakatakot pa ay ang lumaki sila na maghangad ng pitong lalaki na karelasyon.

At kapag tinanong ninyo ang mga asawa ng Propeta hinggil sa anumang pangangailangan mula sa mga kagamitan sa bahay at iba pa ay magtanong kayo mula sa kabila ng tabing (kayo ay nasa kabila ng tabing); dahil ito ang mas nakalilinis sa inyong mga puso at sa kanilang mga puso mula sa anumang sumasagi sa mga kalalakihan na patungkol sa kababaihan at gayundin sa mga kababaihan na patungkol sa mga kalalakihan; dahil ang pagkikita ay nagiging dahilan ng ‘Fitnah’ (kasalanan o kapahamakan). [Surah Al-Ahzab : 53]

لا يخلون أحدكم بامرأة إلا مع ذي محرم
Walang sinoman sa inyo ang maaaring mapag-isa kasama ang isang babae, maliban na kasama niya ang kanyang Mahram. [Hadith na isinalaysay ni Ibn Abbas (radiyallahu anhu) [Al-Bukhari and Muslim]

Ilayo nawa tayo ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) at ang ating mga anak mula sa ganitong mga kademonyohan na nangyayari sa ating panahon.

Ameen!

Panuntunan sa Damit ng mga Bata na Mayroong Larawan ng May -buhay at Mga Manika Shaykh Muhammad Naasir-ud-Deen Al-Albaanee (rahimahullaah)

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Mayroon po tayong isang sister na nagtanong: Ano ang batas sa damit ng bata na mayroong disenyo ng mga bagay na may buhay kung ito ay hindi maaalis dahil ang pag-alis dito ay nangangahulugan na sisirain ang tela/damit?

Sagot ng Sheikh : Walang pag-aalinlangan, kailangan nating sabihin, sa mga tanong na katulad nito, na ang pagbili ng mga gamit na mayroong nakalarawan na may buhay ay katotohanan na isang malaking pagkakamali at kapabayaan mula sa ama at ina ng bata na bumili nito, dahil ang pangunahing panuntunan ay hindi maaaring bumili ang isang Muslim ng mga damit na mayroong larawan ng may buhay. Gayunpaman, maaaring hindi alam ng taong ito ang panuntunan na ito, o maaari rin naman na binalewala niya ito, o di kaya ay nakalimutan…nakalimutan niya at bumili siya ng ganitong damit, at nang makabalik siya sa kaniyang bahay ay naalala niya ang lubusang pagbabawal sa larawan. Kaya, sa ganitong sitwasyon, ang tanong sa itaas ay hindi akma. Dapat ay baguhin ang panimula ng tanong, at ito ay …ang pagpapalit ng damit na binili sa lugar na pinagbilhan (at ang ipapalit ay wala nang larawan). Kaya kung hindi ito maaaring maipagpalit ng ama o ina (sa ibang tela/damit), kung gayon ay lilitaw ang tanong na ito.

Kaya, ipinaalala ko ang dalawang panimula (na dapat ay siyang maging umpisa ng tanong) dahil karamihan ng tao ay walang pag-iingat kapag nasa pamilihan. Bumibili sila ng mga pang-araw araw na pangangailangan mula sa iba’t-ibang materyal, katulad ng mga inilalatag na carpets, rugs, mats at kumot o iba pang kahalintulad nito, ang karamihan sa mga bagay na ito ay mayroong larawan at nadedekorasyunan. At hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang lahat ng ito at binibili ang mga ito sa pagdadahilan na hindi naman daw ito iginagalang (dahil ito ay inuupuan, tinutulugan, atbp.) at ito ay hindi naman isinasabit . Kaya, sasabihin namin: Marapat sa mga Muslim na sila ay iyong mga gising at hindi nahihimbing, at sila ay nagbibigay pansin sa masamang balak ng mga hindi mananampalataya, iyong mga sumasakop sa kanila sa mismong loob ng kanilang pamamahay sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan – at isa sa paraan na ito ay ang mga damit na mayroong larawan na nakatatak. At ang usapin na ito ay tinatalakay ng paunti-unti, lalo na kung kinakailangan ito ng tao. At sa paraan na detalyado kung sila ay nakikinig sa mga maling gabay, sa mga fataawa (religious edicts) na hindi nakabatay sa mapananaligang katibayan, katulad ng fataawa tungkol sa mga manika at laruan ng bata na nagkalat sa pamilihan na binibili ng mga ina para sa mga anak nilang babae at lalaki , marami sa mga laruan na ito ay binibili sa ngalan ng panlibang daw sa batang babae at lalaki.

Kaya, marapat lamang na tandaan natin, at ito ay ang mga laruan (manika) na pinahihintulutan na gamitin ng mga maliliit na bata… sa halip ay sasabihin ko na ito ay para lamang sa mga babae at hindi sa lalaking bata, na WALANG KATIBAYAN na matatagpuan sa pagpapahintulot nito maliban sa hadeeth ni ‘Aaishah (radiyallaahu anha) na nagsabing pinapupunta niya ang mga anak na babae ng kanilang kapitbahay sa kaniyang bahay at nakikipaglaro siya sa kanila ng laruan na pambabae (manika) at ang Sugo (sallallahu ‘alaihi wa ‘ala aalihi wa sallam) ay tumulong sa kanya at pinahintulutan siya at hindi pinagalitan. Sa halip, katotohanan na siya (sallallahu ‘alaihi wa ‘ala aalihi wa sallam) [ay pumasok ng bahay] isang beses at nakita niya si ‘Aisha (radiyallahu anha) na mayroong laruan na kabayong may dalawang pakpak. Kaya’t siya (‘alaihi salaam) ay nagsabi kay ‘Aaishah: ‘Kabayo na mayroong dalawang pakpak?!’ Sumagot siya: ‘O’ Sugo ni Allah, hindi mo ba narinig’ o ‘hindi ba nakarating sa iyo na ang kabayo ni Sulaymaan (‘alaihi salaam) ay mayroong mga pakpak?’ at siya (‘alaihi salaatu wa salaam) ay tumawa at sumang-ayon kay Aisha (radiyallahu anha). Ang hadeeth na ito ay patunay na posible para sa atin na panghawakan ito upang pahintulutan ang mga laruan ng batang babae (manika) na mayroong anyo at nakaukit na porma.

Gayunpaman, sa panuntunan ng fiqh (jurisprudence) ay mayroong matatagpuan na ang teksto na may kalakip na pagsasabatas para lamang sa natatanging pagkakataon, kung ito ay sasalungat sa pangunahing panuntunan ay kinakailangan na iwanan ito. Katulad ng kung ito ay salungat sa pangunahing panuntunan, ang sariling pagpapasya (qiyaas) ay hindi maaaring gawin sa isang sumasalungat sa pangunahing panuntunan, at dahil ang anomang salungat sa sariling pagpapasya, ay hindi maaaring pagkuhanan pa ng karagdagang pagpapasya, kung kaya, kailangang bumalik sa pangkalahatang panuntunan.

Kung ang ibig sabihin nito ay malinaw sa lahat, inshaa’Allah, kung gayon ay maaari na nating sabihin ngayon: Na ang mga laruan ni Sayyidah ‘Aaishah (radiyallahu anha), iyon ay laruan na nagmula sa mga ginagamit ng ilang kababaihan noong panahon na iyo, sa pagbabaling ng atensyon ng kanilang mga anak mula sa paghingi ng pagkain at inumin kung sila ay nasa panahon ng pag-aayuno. At katotohanan na ang mga kababaihan noon ay nagbibigay sa mga bata ng imahe na gawa sa balahibo ng tupa na mayroong kulay, o kaya ay mula sa bulak at ibinibigay nila ito sa mga bata na nag-aayuno, upang maibaling ang kanilang atensyon palayo sa paghingi ng pagkain at inumin. Ang ganitong uri ng imahe, ang ganitong mga laruan ng bata, ito ay mga lokal at gawa lamang sa bahay, hindi ito inangkat mula sa labas ng Bansang Islamiko, at lalong hindi nagmula sa bansa ng mga hindi mananampalataya at pagkaligaw na gumagawa ng mga laruan at anyo ng naaayon sa kanilang gusto, gawi at kultura, na hindi umaayon sa kahit anong paraan, sa mga gawi at ugali ng mga Muslim, sa kanilang kultura at sa batas ng kanilang share ‘ah. At mula sa mga inangkat na imaheng ito, mga inangkat na anyo na kung minsan ay maliit at kung minsan naman ay malaki na ang isang bata na halos hindi pa makahawak ng manika ay kasing laki na niya ang kanyang manika at blond ang buhok na nakaipit sa gilid tulad ng sa batang lalaki. At ang inangkat na manika na ito ay nakasuot ng maiksing damit na kita na ang hita. Ang mga manika na ito ay naglalarawan ng kultura ng mga hindi mananampalataya at ng kanilang gawi at ugali.

Kaya, kung ipapasok natin sa ating mga bahay ang mga imahe na ito, ito ay unang-una, pagpapakita na nagugustuhan natin ang daladala nito (i.e. kultura, gawi at ugali ng mga lumikha nito)…una…, at pangalawa, tinuturuan natin ang ating mga anak ng kaugalian na mula sa kanilang pagkabata ay malulugod na sila sa mga damit na kabaliktaran sa damit Islamiko , partikular na sa may kinalaman sa kalalakihan. At dahil dito, marapat lamang na mag-ingat tayo sa pag aangkat ng mga damit mula sa bayan ng mga hindi mananampalataya na nagtataglay ng iba’t-ibang anyo at gamit, at mula sa mga ito ay ang damit na pambata.

Kaya tayo ay labis ang kalungkutan sa tuwing pumapasok tayo sa bahay ng ating kapatid sa pananampalataya na sumusunod sa Qur’an at Sunnah – ayon sa ating pag-aakala –, at sa kabila ng lahat ng ito ay makikita natin ang kanyang mga anak na nabibihisan ng damit na mayroong larawan na nakatatak, mga larawan na mahalay. At ang kalamidad na ito ay kakalat, hanggang bihisan na natin ang ating mga kabataan na umabot na sa gulang ng pagkaunawadinadamitan natin sila ng mga damit na mayroong larawan sa harapan at likuran. At kung minsan na nagsa-salah sila ng Jumu’ah, mayroon kasing mga alam ninyo yun? Yung mga nagsasalah lamang sa masjid kung Jumu’ah at ang buong buhay niya ay ginugol niya sa paglalaro at paglilibang pero dumadalo pa rin siya ng salatul Jumu’ah. Kaya, makikita natin siya na nagdarasal at sa likod ng kanyang damit ay mayroong larawan ng babae na nakalugay ang buhok at nakalitaw ang mga braso at leeg, at iba pang bahagi ng katawan, at tayo ay nakaharap sa larawang ito habang tayo ay nagsa-salah.

Ang mga kakaibang gawi ng katigasan ng ulo ng mga Muslim ay talagang nakamamangha, sa palagay ko ang siyang nakakatulong sa paglaganap ng nakahihiyang bagay na ito at pagsuway sa batas Islamiko ay ang kasabihan na -katotohanan! ang ipinagbabawal na larawan ay iyon lamang may tatlong dimensyon at may anino. At para doon sa hindi tatlong dimensyonal, para sa kanila ito ay pinahihintulutan lalo na kung hindi naman ginawa ng kamay at sa halip ay ginawa ng camera o printer. Ang mga ganitong isipin ay nagmula sa bulong ni shaytaan na ibinato niya sa sangkatauhan sa ating panahon at pinaganda niya ito para doon sa mga naniniwala sa kanya upang sabihin nila na wala namang mali sa kanilang paniniwala.

Kaya marapat sa mga Muslim na iwasan ang pagbili ng kahit anong uri ng tela/damit na mayroong larawan dahil nga sa nabanggit na namin kanina.

At bilang pangwakas, ang sagot ko sa nagtanong ay ito: Kung ang sitwasyon ay iikot sa kailangan bang tuklapin ang larawan sa tela at alisin ang disenyo upang mapakinabangan ito kahit na magkakaroon ito ng diprensya…Ang sagot ko kung…., kung gayon ay maaari itong gamitin. Subalit, naniniwala ako na ang isang mananampalataya na babae, ang Muslimah na siyang namamahala sa kanyang tahanan , ay kinakailangan na alisin niya ang bakas ng larawan sa pamamagitan ng pagkuskos dito o kaya ay paglalagay ng embroidery hanggang maalis ang ulo ng larawan dahil ang sitwasyon na ito ay katulad ng sinabi ng Propeta (‘alaihi as salaam) :

‘Katotohanan, ang larawan ay iyon lamang ‘ulo’/nasa itaas’.

Kaya kung ang ulo ay maalis, ay wala na ang larawan, kahit pa mayroong matirang ibang bahagi nito. At dito nakukumpleto ang sagot sa tanong inshaa’Allah.

********
Mula sa cassette na may pamagat na: Tawjeehaat Lil-Mar’atil- Muslimah (guidelines for the Muslim woman) ni Sheikh Muhammad Naasir-ud-Deen Al-Albaanee (rahimahullaah).
Isinalin ni sa wikang banyaga (Ingles): Abu Yusuf, Sagheer Ibn ‘Abdir-Rasheed Al-Kashmeeree

Hukom sa pagbanggit ng Adhaan at Iqaamah sa bagong silang na sanggol- Shaikh Rabee’ (hafidhahullaah)

Bismillaahi walhamdulillaah was salaatu was salaamu ‘alaa rasuwlillaah

Tanong: Ano ang Hukom sa pagbanggit ng Adhaan at Iqaamah sa bagong silang na sanggol?

Sagot: Ito ay mahina (i.e mahinang hadeeth). Ang hadeeth tungkol dito ay mahina, at hangga’t ito ay mahina hindi natin maaaring sabihin na ito ay isang bagay na itinagubilin o kinakailangan, dahil sa katunayan na ang isang bagay na itinatagubilin ay isang islaamikong hukom at ang katungkulan ay mas mataas kung ihahambing sa itatagubilin.

Oo, ang Aqeeqah, ay pagbibigay ng pangalan (sa bata), at ang pagpapahid ng tamr (dates) sa ngalangala ng bagong silang na sanggol, ang lahat ng ito ay napatotohanan mula sa sunnah. At para naman sa Adhaan, hindi ito matatag. Ito ay iniulat mula sa mahinang hadeeth.

********

Shaykh Rabee` bin Haadee al-Madhkalee (hafidhahullaah)
Translated by: Abu Zainab (Muhammad Al-Hindee)
http://salaficentre.com/