Ang Ibat-ibang Uri ng Paninirang Puri

بسم الله الرحمن الرحيم

Mayroon tayong matatagpuan mula sa mga tao na naninirang-puri depende sa umpukan na kanyang kinabibilangan at kung sino ang kanyang mga kasama at sino ang kanyang mga kausap. Gayong batid niya na ang taong pinag-uusapan ay malaya sa kanilang sinasabi – o sa ibang bagay na ipinupula nila sa kanya. Gayunpaman; batid niya na kung pagbabawalan niya sila sa kanilang ginagawa ay maaaring ikainis nila ito sa kanya at tuluyan na siyang layuan. Kung kaya, sinisiguro niya na siya ay nakikisama ng mabuti sa mga taong kanyang kaumpukan at kung sila ay magagalit, siya ay magagalit rin – ang anumang gawin nila ay kanya lamang ginagaya.

At mayroon rin naman na ang paninirang-puri ay sa pamamagitan ng maraming  pamamaraan.  Mayroong pagkakataon na ito ay sa pamamagitan ng Relihiyon and pagtutuwid, kaya’t sasabihin niya: ‘Hindi ko ugali ang bumanggit ng tao maliban sa mabuting paraan; at hindi ko rin gusto ang paninirang-puri o ang pagsisinungaling. Gayunpaman ay kailangan kong sabihin sa inyo ang kanyang mga ginagawa.’ Kaya’t sasabihin niya: ‘Sumpa man kay  Allaah – siya ay  Miskeen (mahina/nakakaawa) – o siya ay mabuting tao; subalit siya ay ganito at ganiyan.’ O maaari rin niyang sabihin na : ‘pabayaan na natin siya; patawarin siya at tayo  Allaah (subhanahu wa ta’ala).’ Gayong ang kaniyang layunin ay ang maliitin ang taong pinag-uusapan at ang makagawa ng kamalian sa taong ito.  Ganito ang paninirang puri na ginagamit nilang dahilan ay ang pagtutuwid at ang Relihiyon. Nais nilang linlangin si  Allaah (subhanahu wa ta’ala) kasabay ng panlilinlang nila sa mga nilikha. At ito ay ating nasaksihan kasama ng ibat-ibang anyo ng paninirang puri.

At mayroon rin namang walang ibang pupurihin kundi ang kanyang sarili bilang pagyayabang – at pagpapakitang-tao. Kaya’t sasabihin niya: ‘Kung ipinag-du’a ko si fulan o fulana sa aking panalangin kagabi; sana ay mayroon ganito at ganiyan mula sa kanya.’ Itinataas niya ang kanyang sarili habang ibinababa naman niya ang tao na naniniwala sa kanyang kakayahan. Maaari rin naman niyang sabihin na : ‘si fulan o fulana ay mahina ang pang-intindi at kakaunti ang pang-unawa.’ Na ang layunin niya rito ay purihin ang kanyang sarili at ipakita na alam niya kung ano ang katangian ng iba – na siya ay nakahihigit sa kanila.

At mayroon rin sa kanila na nadadala ng inggit kung kaya sila ay naninirang-puri; kaya’t dalawang hindi magandang bagay ang kanyang tinataglay: ang paninirang-puri at ang inggit. At kung mayroong tao na pinupuri, sinisubukan niyang alison ang papuri na ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga kahinaan ng taong ito na gamit ay ang Rellihiyon at ang pagtutuwid.– o sa anyo ng inggit at imoralidad at pagpula – upang maalis niya mula sa taong pinupuri ang mga papuri.
At mayroon rin namang ginagawa lamang laro ang paninirang-puri at panlalait; upang magdulot ito ng katatawananan sa iba sa pamamagitan ng pagbibiro at panggagaya at pagmamaliit sa tao.

Mayroon rin naman na ang paninirang-puri ay dinadaan sa pagkamangha; kaya’t sasabihin niya : ‘Namamangha ako kay fulan o fulana na nagawa niya ang ganito at ganiyan.’ Kaya nabanggit niya ang pangalan ng kanyang tinutukoy dala ng kanyang pagkamangha.

Mayroon rin sa kanila na nagpapakita ng kalungkutan; kaya’t sasabihin niya : ‘si fulan at fulana ay mahina/nakakaawa/miskeen, nalulungkot ako sa nangyari sa kanya at sa kanyang kinahantungan.’ Kaya ang makakarinig sa sinabi niyang ito ay mag-aakala na tunny nag na siya ay nalulungkot para sa taong nabanggit at ang kanyang puso ay nagnanais ng mabuti at ng paggaling ng taong ito; at kung maaari ay idadagdag niya ang kung among kabutihan ang mayroon siyang taglay. Maaari rin naman na banggitin niya ang mga kahinaan ng taong ito sa harapan ng mga kaaway niya upang mapakinabangan nila ang impormasyon na ito. Ito at ang iba pang malalaking karamdaman ng puso ang napapabilang sa ginagawa ng tao kabilang na ang panlilinlang kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang mga nilikha.

At kabilang rin sa kanila na harapan ang paninirang puri sa pamamagitan ng gal it at hindi pagsang-ayon sa hindi katanggap-tanggap. At isa sa palatandaan into  ay may kalakip na mabulaklak na mga salita na nagtataglay ng kasinungalingan. Gayong ang kanyang intensiyon ay taliwas sa kung ano ang kanyang ipinakikita.

At ang tulong ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay ang ating hinihiling.

~

Shaykh ul-Islaam Ibn Taymiyyah (rahimahullaah)
Majmoo’ al-fataawaa Shaikh ul Islaam Ibn Taymiyyah vol 28 pages 236-238
isinalin ni :  Aboo Haatim Muhammad Farooq

Ang Paghahanda ng Pagkain Para sa Pamilyang Namatayan

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Tama po ba na makiramay sa pamilya ng namatayan sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain para sa kanila sa oras ng kanilang pamimighati—tinatawag po namin itong bayanihan—katulad ng mga kapit-bahay, tiyuhin, o mga kamag-anak?

Shaykh bin Baz: Ang Sunnah ay ang padalhan sila ng pagkain na luto na ; katulad ng ginawa ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ng makarating sa kanya ang balita na namatay si Jafar ibn Abu Taalib . Si Jafar ay napatay sa Digmaan ng Mu’tah sa Sham. Nang makarating ang balitang ito sa Propeta (salallahu alayhi wa salam), inutusan niya ang kanyang pamilya na magpadala ng pagkain sa pamilya ni Jafar. At kanyang sinabi:
َ
“At mayroong dumating sa kanila na magiging dahilan upang sila ay maging abala”!

Kung ganoon, kung ang mga kapitbahay o kamag-anak ay magbibigay ng mga lutong pagkain sa pamilya ng namatay habang sila ay namimighati dahil abala sila at hindi nila makakaya ang maghanda pa ng pagkain; ito ay nagmula sa Sunnah. Tungkol naman sa pagtulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera, walang magiging suliranin dito kung sila ay mahirap lamang. Kung ang pamilya ng namatay ay mahirap lamang at ang kanilang mga kamag-anak ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera dahil namatay na ang naghahanapbuhay para sa kanila; ito ay mabuti; ang pagtulong ay mabuti dahil sila ay nangangailangan. Ngunit kung ang pamilyang namatayan ang maghahanda ng pagkain para sa mga tao , ito ay isang gawain na nagmula pa noong bago dumating ang Islaam at hindi ito pinahihintulutan. Ang pamilya ay hindi dapat maghanda ng pagkain para sa mga tao, maliban kung mayroon slang bisita at nais nilang sila ay asikasuhin, kung gayon ay walang mali dito, dahil naghanda sila ng pagkain para sa bisita at hindi para sa kamatayan ng namatay. Kaya walang suliranin sa bagay na ito.

~

Ni: Shaykh Abdul Aziz ibn Baz (rahimahullaah)||Masjid Tawheed wa Sunnah

Ang Dawah na Kagandahang Asal ang Unang Panawagan

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: [فضيلة الشيخ] Gantimpalaan kayo ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ng tagumpay; ang paraan po ba ng dawah na ito ay tama- na ang unang ipananawagan sa tao ay ang kabutihang asal?

Shaykh Sālih bin Fawzān Al-Fawzān (hafidhahullaah):

Mali. Ito ay pagkaligaw-ito ay salungat sa ipinanawagan ng mga Propeta . Ito ay ang paraan ng pag-aanyaya ng mga hizbiyyeen sa sting kasalukuyang panahon. Ito ay huwad na pag-aanyaya, oo ito ay huwad dahil ito ay salungat sa pamamaraan ng mga Propeta. Sila (i.e. hizbiyyeen) ay nagnanais na mamulat ang mga tao sa kanilang paniniwala- maging ito ay ang pagsamba sa libingan, o ang mga gawaing pagsamba sa iba, o kaya ay Soofiyyah. (Ang mahalaga lamang sa kanila ay ang magkatipon-tipon- upang mayroong sumunod sa kanila.

~
http://www.salaficentre.com

Mag-ingat sa…TAONG may dalawang Mukha

بسم الله الرحمن الرحيم

حَدَّثَنَا مُحَمَّدٌ، قَالَ: حَدَّثَنَا عُمَرُ بْنُ حَفْصٍ، قَالَ: حَدَّثَنَا أَبِي، قَالَ: حَدَّثَنَا الأَعْمَشُ، قَالَ: حَدَّثَنَا أَبُو صَالِحٍ، عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ، عَنِ النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم قَالَ: تَجِدُ مِنْ شَرِّ النَّاسِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عِنْدَ اللهِ ذَا الْوَجْهَيْنِ، الَّذِي يَأْتِي هَؤُلاَءِ بِوَجْهٍ، وَهَؤُلاَءِ بِوَجْهٍ.
صـحـيـح (الألباني)

Isinalaysay ni Abū Hurayrah (radiallaahu `anhu) na ang Sugo ni Allāh (sallallaahu `alayhi wa sallaam) ay nagsabi,

“Katotohanan, ang pinakamasamang tao ay iyong mayroong dalawang mukha, na kapag naroon siya sa piling ng isang grupo ng tao ay iba ang kanyang ipinapakita and iba rin naman pagdating sa kabilang grupo” [al-Bukhārī in his al-Ṣaḥiḥ (no. 3232, 5719 and 6765) and Muslim in his al-Ṣaḥiḥ (no. 4566, 4693 and 4694)

Sa kanyang pagpapaliwanag tungkol sa hadith na ito, si al-Hāfiz Ibn Ḥajr ay nagwika, na sinabi ni “al-Qurtubī ,

Katotohanan na ang taong mayroong dalawang mukha ay ang pinakamasama sa lahat dahil ang kahalintulad niya ay ang isang munafiq/ mapagkunwari, gumagamit siya ng labis na papuri at pagsisinungaling upang makalikha ng fasād (hidwaan) sa pagitan ng mga tao.’

Si Al-Nawawī ay nagsabi, ‘Siya iyong tao na nakikisama sa lahat ng grupo sa paraan na matutuwa sila, kaya iisipin ng grupong ito na siya ay kakampi nila at ang taong ito ay laban sa kabilang grupo, at ang kanyang mga ikinikilos ay mula sa pagiging munafiq, pagsisinungaling, panloloko at paggamit ng paraan upang maisiwalat niya ang sikreto ng bawat grupo, at ito ay kabilang sa mga ipinagbabawal dahil ito ay pambobola lamang. [Fatḥ al-Bārī (10/475)]

Ganoon din, sa kanyang aklat na al-Zawājir, si Al-Haythamī ay nagturing sa taong may dalawang mukha na ito ay mula sa mga taong may malalaking kasalanan. Sinabi niya “Ang 253 na Malaking Kasalanan : ang salita ng taong may sanga ang dila, i.e ang taong may dalawang mukha, at siya ay walang kinalaman kay Allāh (subhanahu wa ta’ala).” [al-Zawājir (2/574-576)]

Sa ibang salaysay ng hadith na ito, si ‘Ammār ibn Yāsir ay nagsabi na sinabi ni Propeta Muhammad (sallallaahu `alayhi wa sallaam),

“Sinoman ang mayroong dalawang mukha habang siya ay nabubuhay ay magkakaroon ng dalawang dila na apoy sa Araw ng Pagbabangong muli..” [Tinipon ni: Abū Dāwud in his Sunan (no. 4212). Sinuri ni: al-Albānī in al-Silsilah al-Ṣaḥiḥah (no. 992)]

Sinabi ni Aẓīm Ābadī : si “Al-‘Alqamī ay nagwika: ‘Ito ay nangangahulugan na dahil ang taong ito ay nakikisama sa bawat grupo gamit ang iba’t-ibang mukha upang makagawa ng kaguluhan, siya ay bibigyan ng dalawang dila na apoy katulad ng dalawang dila na ginamit niya sa bawat grupo noong siya ay nabubuhay pa dito sa mundo.’” [Awn al-Ma’būd Sharḥ Sunan Abū Dāwud(13/150)

Kung gayon, marapat sa isang mananampalataya na maging maingat sa mga tao na naghahatid sa kanila ng salita ng ibang tao, “Si ganoon at ganito ay ganito at ganyan ang sinabi tungkol sa iyo”, upang bumaliktad lamang sa kabilang grupo at ibalik ang una nilang sinabi. Dahil ilan na ba ang malapit na magkaibigan na naging mortal na magkaaway , pagmamahalan na nauwi sa pagkamuhi dahil sa mga ganitong paraan na ginamit ng taong may dalawang mukha ? At kung nababatid lamang ng mga taong sulsol na ito kung ano ang naghihintay sa kanila na kaparusahan at pagkapahiya, siguro ay magbabalik-loob sila at matatakot kay Allāh (subhanahu wa ta’ala) at aayusin ang tali na siyang nagdudugtong sa relasyon na kanilang sinira.

Humihiling tayo kay Allāh (subhanahu wa ta’ala) na pangalagaan tayo mula sa taong may dalawang mukha at pag-isahin ang ating mga damdamin sa Islām at Sunnah.

********

Ni: Abū al-Ḥasan Mālik Ādam al-Akhḍar
Al-Raḥmāniyyah Publishing

Kagandahang Asal

بسم الله الرحمن الرحيم

[Ang Kabanatang ito ay nagmula sa aklat na “Makaarim-ul-Akhlaaq” (pg. 32-35) [Dar-ul-Watan Lin-Nashr] By Shaikh Muhammad bin Saalih Al-‘Uthaimeen, ihinanda at inayos ni Khaalid Abu Saalih.]

Ang kagandahang asal ay maaaring likas na sa isang tao, at maaari rin naman na ito ay makami niya (i.e sa pamamagitan ng pag-aaral). Dito ay masasabi natin na mas mainam ang likas na kagandahang asal kumpara sa natutunan lamang. At ang patunay rito ay ang sinabi ni Propeta Muhammad (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) kay Al-Ashaj bin ‘Abdil-Qais (radyAllaahu ‘anhu): “Sa halip, si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay hinubog (i.e. nilikha) ka mula sa dalawang marangal na katangian na ito.” [1]

At dahil rin sa ang likas na kagandahang asal ay hindi mawawala sa isang tao samantalang ang kagandahang asal na natutuhan lamang niya ay maaaring maglaho sa maraming pagkakataon sapagkat nangangailangan ito ng tuloy tuloy na pagsasabuhay at pagsusumikap upang maisagawa ito. Kinakailangan rin na ipaalala sa kanya ito kapag mayroong pangyayari na nakaapekto sa kanya.

Ito ang dahilan kung bakit nang may lumapit na isang lalaki kay Propeta Muhammad (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) at sinabi niya: “O Sugo ni Allaah, payuhan mo ako”, siya (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) ay nagsabi: “Huwag kang magalit.” At inulit ng lalaki ang kanyang pakiusap ng ilang beses , na sinagot naman ng Propeta nang paulit-ulit rin: “Huwag kang magalit.” [2]

Sinabi rin ng Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) : “Ang tunay na malakas na tao ay hindi iyong nakikipagpambuno at tinatalo niya ang kanyang kalaban. Sa halip, ang taong tunay na malakas ay iyong kaya niyang pigilan ang kanyang sarili sa oras na siya ay nagagalit.” [3]

Kung gayon, ang taong malakas ay hindi iyong nakikipagpambuno sa tao at tinatalo niya sila,Siya iyong kaya nyang pigilan ang kanyang sarili kapag siya ay galit”.Pinipigilan niya ang kanyang sarili kapag nararamdaman niyang nagagalit na siya.”

Ang taong marunong pumigil sa kanyang sarili sa oras na siya ay galit ay itinuturing na may taglay na mabuting pag-uugali. Kung gayon kapag ikaw ay nag-umpisa nang magalit, huwag kang magpadala sa iyong nararamdaman, sa halip ay humingi ka ng kaligtasan mula kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) laban sa isinumpang Shaytan. Kung ikaw ay nakaupo, mahiga ka. At kung lalong sumidhi ang iyong galit ay mag (wudoo) ka hanggang mawala ang galit mo.

Ang tao ay maaaring magkamit ng mabuting pag-uugali sa pamamagitan ng pagsasanay (sa kanyang sarili), pagsisikap at patuloy na pagsasanay.

Maaari niyang makamit ang mabuting asal sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:

UNA: Sa pamamagitan ng paglilimi sa Qur’an at Sunnah ng Sugo ni Allaah: Kinakailangan na tingnan niya ang kahalagahan ng isang partikular na kaaya-ayang ugali na gusto niyang magkaroon sa kanyang sarili. Ito ay sapagkat ang isang mananampalataya ay iyong kapag nakakita / nakabasa siya ng papuri sa isang ugali o kilos, ito ay kanyang isinasagawa. [4]

Ipinakita ito ng Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) ng sabihin niya: “Ang kahalintulad ng isang mabuting kasama at ng masamang kasama ay katulad ng nagtitinda ng pabango at ng isang panday. Ang tindero ng pabango ay maaari ka niyang pagbilhan ng kanyang ibinebenta, bigayn ka ng libreng sampol o mahawahan ka ng mabango niyang amoy. Samantalang ang masamang kasama naman –katulad ng isang oanday–maaaring mapaso kaniya/ masunog niya ang iyong damit o mahawa ka sa mabaho niyang amoy..” [5]

PANGALAWA: Kailangan ay iyong kilala sa pagkakaroon ng mabuting pag-uugali ang kanyang samahan at sikapping lumayo sa mga nagtataglay ng masamang ugali at pangit na kilos. Na ang kanyang kasama ya magsisilbing kadluan niya ng kaalaman na tutulungan siya upang makamit niya ang mabuting pag-uugali na kanyang ninanais.

Sinabi ng Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) : “Ang tao ay nasa relihiyon ng kanyang matalik na kaibigan, kaya ang bawat isa sa inyo ay kinakailangang piliin mabuti kung sino ang kukunin na malapit na kaibigan” [6]

PANGATLO: Kailangan na pagmunian niya ang masamang naidudulot ng pagkakaroon ng masamang pag-uugali. Ito ay sapagkat ang taong may masamang ugali ay kinamumuhian ng lahat, siya ay iniiwanan na mag-isa at parating sa masamang paraan kung siya ay pag-usapan. Kaya kapag nalimi niya na ang masamang ugali ay ito ang magiging dulot sa kanya, sisikapin niya na lumayo sa pagkakaroon nito.

PANG-APAT: Dapat ay palagi niyang aalalahanin si Propeta Muhammad (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) , ang kanyang ugali at kung paano siya (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) ay nagpapakumbaba sa mga nilikha, mabait sa kanila, mapagpatawad at may pagtitiis sa kanilang mga ginawang hindi maganda sa kanya. Kapag ang lahat ng ugaling ito ay napaglimi at naiisp ng isang tao, mga ugali ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) na siyang pinakamainam na nilkha, at siyang pinakadakila sa lahat ng sumasamba kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), ang taong ito ay matututong magpakumbaba at ibaba ang kanyang sarili mula sa pagiging arogante , at ang pagmamataas na ito ay madudurog at magiging dahilan upang siya ay magkaroon ng mabuting asal.

********
AUTHOR: Shaikh Muhammad bin Saalih Al-‘Uthaimeen
SOURCE: Makaarim-ul-Akhlaaq (pg. 32-35)
PRODUCED BY: Al-Ibaanah.com
Footnotes:
[1] Iniulat ni Abu Dawood (no. 5335), Ahmad in al-Musnad (4/206), Muslim na tanging ang umpisa lamang nito (no. 25 & 26), at At-Tirmidhee (no. 2011)
[2] Al-Bukhaaree (no. 6116) at At-Tirmidhee (no. 2020)
[3] Al-Bukhaaree (no. 6114) at Muslim (no. 107)
[4] Ang paglilinis ng kaluluwa ay hindi makakamit maliban sa pamamagitan ng paraan na ginawa ng mga Propeta.
Ayon kay Ibn Al-Qayyim : “Ang pagpapadalisay ng kaluluwa ay mas mahirap pa sa paggamot sa katawan ng tao. Kaya kung sinoman ang nagpadaliasy ng kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsasagawa, pagsisikap na mabuti, pagpapakahirap habang siya ay nag-iisa–na lahat ay hindi ginawa ng mga propeta–siya ay katulad ng isang taong may sakit na ginagamot ang kanyang sarili ayon lamang sa sarili niyang pagkakaunawa.
At nasaan na ang kasabihan na kailangan ang opinyon ng mga eksperto sa panggagamot?! Ang mga propeta ang isyang mga manggagamot ng puso–walang ibang paraan upang malinis at maituwid ang puso maliban sa kanilang pamamaraan, sa kanilang mga kamay at sa pamamagitan ng lubos na pagsuko at pagsunod sa kanila. At ang Tulong ni Allaah ang ating hiling!”[Madaarij-us-Saalikeen (2/300)]
[5] Al-Bukhaaree (no. 2101 & 5534) at Muslim (no. 146); sinabi ni An-Nawawee : “Ito ay nagpapakita ng kabutihang dulot ng pagkakaroon ng matutuwid at mabubuting kasama/kaibigan–na nagtatagalay ng ugaling mapagbigay, may mabuting asal, magalang, may kaalaman, at may mabuting ugali. Ipinapakita rin ang pagbabawal na makisama sa mga masasamang tao, mubtadi, at iyong mga naninirang puri o iyong lubhang napakasama ng ugali at iba pa, i.e may taglay na kahiya-hiya at kasuklam-suklam na pag-uugali” [ Sharh Saheeh Muslim: (16/394)]
[6] At-Tirmidhee (no. 2378) na nagsabi na ito ay hasan saheeh, Abu Dawood (no. 4833), Ahmad in al-Musnad (2/303, 334) at ipinalagay na hasan (sound) ni Al-Albaanee sa Saheeh-ul-Jaami’ as-Sagheer (no. 3545) at Silsilat-ul-Ahaadeeth as-Saheehah (no. 927).

Hawakan ang Inyong Dila!

بسم الله الرحمن الرحيم

Ang sumusunod ay mga paalala (ang ilan ay alam na natin, at ang iba naman ay hindi) tungkol sa kahalagahan ng pagpigil sa dila (upang hindi makasakit sa kapwa) at kung paano ito babantayan. Isang napaka marangal na ugali na malapit nang makalimutan sa ating panahon, bagaman mayroon pa ring pag-asa na ito ay maisagawa ng ilan…

 Mula sa salaysay ni Abu Huraira – Radhiyallahu Anhu – na nagsabi na ang Sugo ni Allah – Sallallahu Alaihi was Salam ay nagsabi:

 “Sinoman ang naniniwala kay Allah at sa huling araw ay magsalita siya ng kabutihan o kung hindi ay manahimik na lamang!” (Napagkasunduan nina al- Bukhaari (5785) at Muslim (47))

Mula sa salaysay ni Al Hasan al Basri na nagsabi na sinabi ng Sugo ni Allah – Sallallahu alaihi Was Salam :

 “Kaawaan ni Allah ang Kanyang alipin na nagsalita, at nagkamit ng kapakinabangan (ie may sinabi siya na naging dahilan upang siya ay gantimpalaan) o manahimik na lamang at manatiling ligtas “ (tinipon sa musnad As Shihaab (581) at bagaman ito ay ‘Mursal’ (na nangangahulugan na isang taabi’ee ang nagsalaysay mula sa Propeta – Sallallahu alaihi was Salam) ito ay idineklarang ‘Hasan’ ni Shaikh Al albaani sa ‘Saheehul Jaami’ (3497) at‘Saheehah’ (855) (dahil sa sumusuportang ahadeeth))

Ang susunod na bersyon ng hadeeth brings ay magbibigay linaw sa naunang hadeeth: Mula kay Ubaadah bin Saamit – Radhiyallahu Anhu na nagsabi na ang Propeta ni Allah – Sallallahu alaihi was Salam ay nagsabi:

 “Magsalita kayo ng kabutihan at magkakamit kayo ng gantimpala at iwasan ninyo ang masasamang salita at kayo ay maliligtas“ (Musnad As Shihaab (666) at idineklarang Saheeh’ ni Shaikh Al Albaani sa Saheehul Jaami’ (4419)

 Mula kay Abdullah Ibn Amr – Radhiyallahu Anhumaa na nagsabi na sinabi ng Sugo ni Allah :

 “Ang sinoman na manatiling tahimik ay magtatagumpay“ (Tinipon ni At Tirmidhi (2501) at idineklarang ‘Saheeh’ ni shaikh Al Albaani)

 Mula kay Simaak na nagsabing:

 “Tinanong ko si Jaabir Ibn Samurah ‘Ikaw ba ay nakaupo na sa umpukan na kasama ang Sugo ni Allah – Sallallahu alaihi Was Salam? Sumagot siya: “Oo! Katotohanan na mahaba ang oras ng kanyang pananahimik at bihira siyang tumawa. Ang kanyang mga Sahaba ay bibigkas ng tula at pag-uusapan nila ito habang siya ay nakikinig at sila ay tatawa ngunit ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay ngingiti lamang“ (Tinipon ni Ahmad sa kanyang Musnad (20829) at idineklarang ‘Hasan’ sa saheehul Jaami’ (4822))

Ang sumusunod ay mga pahayag ng Salaf tungkol sa paksa

Si Talha Ibn Ubaidillah ay nagsabi: ”Ako ay nakasakay sa isang bangka kasama ni Imaam Ahmad at napansin ko na mahaba ang oras ng kanyang pananahimik ngunit ng siya ay nagsalita ay sinabi niya: “Oh Allah itulot mo na mamatay akong sumusunod sa Islaam at Sunnah!” (tinipon ni Khateebul Baghdaadi sa Taareekhul Baghdaad (9/349))

 Mula kay Imaam Al Awzaa’ee na nagsabing: si Sulaimaan Ibn Daawood alaihis Salaam ay nagsabi:

 “Kung ang salita at gawa sa pilak, kung gayon ang katahimikan ay ginto!” (tinipon ni Ibn Abi dunya sa ‘As Samt’ (47))

 Si Muwwarraq Al Ijli – Rahimahullah ay nagsabi:

“Mayroong pangyayari na matagal ko nang inaasam-asam sa loob ng sampung taon at hanggang ngayon ay hindi ko pa naisasakatuparan at hindi ako titigil hanggat hindi ko ito nagagawa!” nagtanong sila: “at ano ang pangyayaring iyon Oh Abu Mu’tamir? Sumagot siya “Ang manahimik sa mga bagay na walang kinalaman sa akin!” (Tinipon ni Ibn Abi Shaiba (35144))

 Mula kay Wuhaib Ibnil Warad – Rahimahullah – na nagsabi:

“May kasabihan na ang kaalaman ay mayroong sampung parte ng pagkakabaha-bahagi, ang siyam dito ay konektado sa katahimikan at ang ika-sampu ay ang paglayo mula sa mga tao“ (tinipon ni Ibn Abi Dunya in ‘As Samt (36))

 Mula kay Ali – Radhiyallahu Anhu na nagsabing:

 “Ang dila ng tao ay kahalintulad ng panulat ng hari at ang kanyang laway ay ang tinta nito“ (tinipon ni Ibn Abi Dunya ‘As Samt’ (79))

 Mula kay Abdullah ibn Amr – Radhiyallahu anhumaa na nagsabing:

“Iwanan ninyo ang anomang bagay na walang kinalaman sa inyo, at huwag kayong magsalita tungkol sa mga bagay na na hindi kayo kasangkot, bantayan ninyo ang inyong dila na tila ba ito ay isang pilak!” (tinipon ni ibn Abi Dunya sa ‘As Samt’ (24))

 Mula kay Al Hasan al Basri – Rahimahullah na nagsabing:

 “Siya na maraming kayamanan ay maraming kasalanan (ie karaniwan ay ganito), at siya na maraming sinasabi ay maraming kasinungalingan na nabibigkas at ang taong may masamang ugali ay pinarurusahan lamang niya ang kanyang sarili!“ (tinipon ni Ibn Abi Dunya sa ‘As Samt’ (9)

 Mula kay Ibn Mas’ood – Radhiyallahu anhu na nagsabing:

 “Sa Kanya na wala nang iba pang panginoon maliban sa Kanya! Walang ibang bagay sa mundo na higit na nangangailangan na ikulong kundi ang dila!” (tinipon ni Ibn Abi Dunya sa ‘As Samt’ (16))

 Wallahu A’lam

Was Sallallahu ‘alaa nabiyyinaa Muhammad

********

[www.twitter.com/abuhakeembilal