JIHAD: Fardh ‘Ayn (obligasyon ba ng lahat)?

بسم الله الرحمن الرحيم

TANONG: Ano ang pagsasabatas ng JIHAD NGAYON? Ito ba ay obligasyon ng LAHAT ng Muslim o nang iilan lamang? Kailan ito magiging obligasyon ng buong Ummah at kailan ito magiging obligasyon ng iilan lamang?

Shaykh Ibn ‘Uthaymîn: Una sa lahat ay dapat ninyong malaman na ang Jihad ay HINDI obligasyon ng lahat ng Muslim. Ito ay imposible sapagkat sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala): [sa pagkakasalin]

At hindi karapat-dapat sa mga mananampalataya na lahat sila ay tutungo sa pakikipaglaban sa kanilang mga kalaban, at hindi rin maaari naman na silang lahat ay manatili lamang, na kung kaya, di ba nararapat na ang lalabas lamang mula sa bawa’t grupo ay ang ilang pinili mula sa kanila na nababatay lamang sa pangangailangan ng situwasyon; upang ang mga maiiwan ay makapag-aral ng ‘Deen’ ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa kung anuman ang ipinahayag sa Kanyang Sugo, upang sila ay makapagbigay ng babala sa kanilang sambayanan sa anuman na kanilang natutunan kapag sila ay nakabalik sa kanila, nang sa gayon ay makapag-ingat sila sa parusa sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal. [Suratul Tawbah :122]

Kung ang lahat ay tutungo sa pagsasagawa ng Jihad, ang iba pang gawaing pagsamba ay dito na magwawakas. Gayunpaman, ang Jihad ay maaaring maging Fardh Ayn sa mga sumusunod na sitwasyon:

1.KAPAG KAYO AY NILUSOB NG KALABAN! [sa pagkakasalin]:

15. O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sumunod sa Kanyang Sugo, kapag nakatagpo ninyo ang mga walang pananampalataya sa pakikipaglaban na sila ay lumulusob sa inyo ay huwag kayong tatalikod, dahil matatalo kayo sa kanila, subali’t magpakatatag kayo, dahil ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) ay kasama ninyo at tumutulong sa inyo.

16. At sinumang tumalikod mula sa inyo sa oras ng labanan ay katotohanang siya ay karapat-dapat sa sumpa ng Allâh (subhanahu wa ta’ala), at ang kanyang patutunguhan ay Impiyernong-Apoy na napakasamang huling hantungan, malibankung ito ay bilang isang uri ng ‘strategy’ o kaparaananlamang upang malupig ang mga walang pananampalataya, o di kaya ay lumipat lamang sa ibang grupo ng mga Muslim na nakikipaglaban at siya ay nakipaglaban na kasama nila. [Suratul Anfal : 15-16]

2. KAPAG ANG KALABAN AY UMATAKE SA ISANG BANSA.

Sa ganitong sitwasyon ay magiging obligasyon ng bawat isa ang lumaban upang ipagtanggol ang sarili at ang bansa na Islaam ang relihiyon.

3. Kapag ang PINUNO/AMIR ay nag-utos na makipaglaban ka at mag-Jihad. AMIR/PINUNO! Ang ibig sabihin ay isang tao na siyang namumuno sa hukbo ng mga Muslim. Kapag nag-utos ang AMIR na lumabas ka, kinakailangan na ikaw ay lumabas. Kapag iniutos niya sa lahat ng tao na makipaglaban at mag-Jihad,kailangan nila siyang sundin. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsuway sa utos ng PINUNO/AMIR. Ang anomang ipag-utos niya ay nagiging obligasyon para sa taong inutusan.

4. KAPAG TINATAWAG NG PANGANGAILANGAN.

Ang halimbawa nito ay ang isang tao na nag-iisa lamang siya at hindi niya alam kung paano ang paggamit nang sandata, sa sitwasyong ito ay kinakailangan niyang lumaban.

Maliban sa apat na sitwasyon na ito, ang mga Muslim ay HINDI OBLIGADO NA MAKIPAGLABAN.

Kung gayon, ang –JIHAD AY KINAKAILANGAN NA NASA ILALIM NG PAMUMUNO NG ISANG AMIR. KUNG HINDI AY ISANG PAG-AAKLAS LAMANG ANG MANGYAYARI. KINAKAILANGAN NA MAYROONG PINUNO NA MAMUMUNO SA UMMAH NG MUSLIM. kUNG GAYON, DITO AY MALINAW NATING MAKIKITA NA HINDI MAGANDA ANG KAHIHINATNAN NG MGA NAGSASAGAWA NG JIHAD NANG WALANG AMIR O PINUNO. Malaki ang panganib na lubusin nila at atakehin ang isa’t-isa. Kapag sila ay nagtagumpay, magsisimula na silang mag-away.

Hinihiling ko kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) na tulungan Niya tayo upang mapaglabanan natin ang ating mga sarili. Kinakailangan nating paglabanan ang ating mga sarili sa panahong ito. Ang puso ay may karamdaman. Ang katawan ay may kakulangan. Ang puso ay kumakalaban sa iba pang bahagi. Ito ang higit na nangangailangan ng JIHAD.

********

Scholar: Imâm Muhammad bin Sâlih bin ´Uthaymîn
Source: Liqâ’ al-Bâb al-Maftûh (212 B)
Date: 1420-03-24/1999-07-07
Reference: Darulhadith.com
Translation & video: http://aFatwa.com/
Advertisements

Tumugon Kayo, Barakallaahu feekum

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s