Ang Ibat-ibang Uri ng Paninirang Puri

بسم الله الرحمن الرحيم

Mayroon tayong matatagpuan mula sa mga tao na naninirang-puri depende sa umpukan na kanyang kinabibilangan at kung sino ang kanyang mga kasama at sino ang kanyang mga kausap. Gayong batid niya na ang taong pinag-uusapan ay malaya sa kanilang sinasabi – o sa ibang bagay na ipinupula nila sa kanya. Gayunpaman; batid niya na kung pagbabawalan niya sila sa kanilang ginagawa ay maaaring ikainis nila ito sa kanya at tuluyan na siyang layuan. Kung kaya, sinisiguro niya na siya ay nakikisama ng mabuti sa mga taong kanyang kaumpukan at kung sila ay magagalit, siya ay magagalit rin – ang anumang gawin nila ay kanya lamang ginagaya.

At mayroon rin naman na ang paninirang-puri ay sa pamamagitan ng maraming  pamamaraan.  Mayroong pagkakataon na ito ay sa pamamagitan ng Relihiyon and pagtutuwid, kaya’t sasabihin niya: ‘Hindi ko ugali ang bumanggit ng tao maliban sa mabuting paraan; at hindi ko rin gusto ang paninirang-puri o ang pagsisinungaling. Gayunpaman ay kailangan kong sabihin sa inyo ang kanyang mga ginagawa.’ Kaya’t sasabihin niya: ‘Sumpa man kay  Allaah – siya ay  Miskeen (mahina/nakakaawa) – o siya ay mabuting tao; subalit siya ay ganito at ganiyan.’ O maaari rin niyang sabihin na : ‘pabayaan na natin siya; patawarin siya at tayo  Allaah (subhanahu wa ta’ala).’ Gayong ang kaniyang layunin ay ang maliitin ang taong pinag-uusapan at ang makagawa ng kamalian sa taong ito.  Ganito ang paninirang puri na ginagamit nilang dahilan ay ang pagtutuwid at ang Relihiyon. Nais nilang linlangin si  Allaah (subhanahu wa ta’ala) kasabay ng panlilinlang nila sa mga nilikha. At ito ay ating nasaksihan kasama ng ibat-ibang anyo ng paninirang puri.

At mayroon rin namang walang ibang pupurihin kundi ang kanyang sarili bilang pagyayabang – at pagpapakitang-tao. Kaya’t sasabihin niya: ‘Kung ipinag-du’a ko si fulan o fulana sa aking panalangin kagabi; sana ay mayroon ganito at ganiyan mula sa kanya.’ Itinataas niya ang kanyang sarili habang ibinababa naman niya ang tao na naniniwala sa kanyang kakayahan. Maaari rin naman niyang sabihin na : ‘si fulan o fulana ay mahina ang pang-intindi at kakaunti ang pang-unawa.’ Na ang layunin niya rito ay purihin ang kanyang sarili at ipakita na alam niya kung ano ang katangian ng iba – na siya ay nakahihigit sa kanila.

At mayroon rin sa kanila na nadadala ng inggit kung kaya sila ay naninirang-puri; kaya’t dalawang hindi magandang bagay ang kanyang tinataglay: ang paninirang-puri at ang inggit. At kung mayroong tao na pinupuri, sinisubukan niyang alison ang papuri na ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga kahinaan ng taong ito na gamit ay ang Rellihiyon at ang pagtutuwid.– o sa anyo ng inggit at imoralidad at pagpula – upang maalis niya mula sa taong pinupuri ang mga papuri.
At mayroon rin namang ginagawa lamang laro ang paninirang-puri at panlalait; upang magdulot ito ng katatawananan sa iba sa pamamagitan ng pagbibiro at panggagaya at pagmamaliit sa tao.

Mayroon rin naman na ang paninirang-puri ay dinadaan sa pagkamangha; kaya’t sasabihin niya : ‘Namamangha ako kay fulan o fulana na nagawa niya ang ganito at ganiyan.’ Kaya nabanggit niya ang pangalan ng kanyang tinutukoy dala ng kanyang pagkamangha.

Mayroon rin sa kanila na nagpapakita ng kalungkutan; kaya’t sasabihin niya : ‘si fulan at fulana ay mahina/nakakaawa/miskeen, nalulungkot ako sa nangyari sa kanya at sa kanyang kinahantungan.’ Kaya ang makakarinig sa sinabi niyang ito ay mag-aakala na tunny nag na siya ay nalulungkot para sa taong nabanggit at ang kanyang puso ay nagnanais ng mabuti at ng paggaling ng taong ito; at kung maaari ay idadagdag niya ang kung among kabutihan ang mayroon siyang taglay. Maaari rin naman na banggitin niya ang mga kahinaan ng taong ito sa harapan ng mga kaaway niya upang mapakinabangan nila ang impormasyon na ito. Ito at ang iba pang malalaking karamdaman ng puso ang napapabilang sa ginagawa ng tao kabilang na ang panlilinlang kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang mga nilikha.

At kabilang rin sa kanila na harapan ang paninirang puri sa pamamagitan ng gal it at hindi pagsang-ayon sa hindi katanggap-tanggap. At isa sa palatandaan into  ay may kalakip na mabulaklak na mga salita na nagtataglay ng kasinungalingan. Gayong ang kanyang intensiyon ay taliwas sa kung ano ang kanyang ipinakikita.

At ang tulong ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay ang ating hinihiling.

~

Shaykh ul-Islaam Ibn Taymiyyah (rahimahullaah)
Majmoo’ al-fataawaa Shaikh ul Islaam Ibn Taymiyyah vol 28 pages 236-238
isinalin ni :  Aboo Haatim Muhammad Farooq
Advertisements

Tumugon Kayo, Barakallaahu feekum

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s