‘Nagkataon..nagkatagpo’ Ito ba ay ipinahihintulot na sabihin?

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Ano ang hukom sa tao na nagsasabi na “Ito ay nangyari dala ng pagkakataon”?

Shaykh Bin Baz (rahimahullaah): Walang mali dito; dahil ang intensyon sa pagsasabi ng ganito ay; ito ay nangyari na walang naunang pagtatakda, pagpaplano o pakikipagkasundo. Halimbawa, nakatagpo ng isang tao ang isa pa sa daan, at binati niya ito, na wala silang kasunduan na sila ay magkikita. Ang isang tao ay binisita ng kanyang kaibigan, at ito ay nakapagpasaya sa kanya at wala silang takdang usapan para sa pagkikitang ito . Ito ay pagkakataon na walang itinakdang panahon. Ang ibig sabihin ay pangyayari na nangyayari na walang pinagkasunduan sa pagitan ni fulan at fulan. Kung kaya ang ibig sabihin ng ‘nagkataon’ ay ang isang pangyayari na hindi pinaghandaan at hindi planado.

~

Isinalin sa wikang banyaga ni: Rasheed ibn Estes Barbee (http://mtws.posthaven.com/)