Ang Agarang Pagtapos sa Pag-aayuno Kapag Lumubog na ang Araw (Sunnah sa pag-aayuno)

بسم الله الرحمن الرحيم

Inulat ni Sa’îd b. Al-Musayyib mula sa kanyang ama, “Minsan ay nakaupo ako kasama ni ‘Umar (radiyallahu anhu) ng mayroong isang lupon ng tao na dumating mula sa Al-Shâm. Kinumusta sila ni ‘Umar at pagkatapos ay tinanong sila , ‘Ang mga tao ba ng Al-Shâm ay nagmamadali sa pagtatapos ng kanilang pag-aayuno.’ Sumagot sila ng “Oo”, at sinabi niya [‘Umar], ‘Sila ay hindi mawawalay sa paggawa ng kabutihan hanggat ito ay kanilang ginagawa, at huwag nilang hintayin ang paglitaw ng bituwin katulad ng ginagawa ng mga tao sa Irâq .’”

‘Abd Al-Razzâq Al-San’ânî, Al-Musannaf 4:225.

Inulat ni ‘Amr b. Maymûn Al-Awdî , “Ang mga Sahabah ni Muhammad – salaAllâhu alayhi wa salam – ay ang pinakamabilis sa pagtatapos ng kanilang pag-aayuno at pinakamabagal naman sa pagkain ng sahur o pagkain sa madaling araw.”

Ibid. p226.

Inulat rin ni Ibn Al-Musayyib na ‘Sumulat si Umar sa lahat ng mga pinuno ng ibat-ibang rehiyon, ‘Huwag kayong mapabilang sa mga ibinabalam ang pagtatapos ng pag-aayuno, o iyong mga naghihintay pa sa paglitaw ng mga bituwin bago magsimula ng pagdarasal [al-maghrib].’

Ibid. p225.

Inulat ni Mûsâ b. Anas na si Anas [ibn Mâlik] ay nag-utos sa kanyang alipin na babae upang ito ay umakyat sa tuktok ng kaniyang bahay at kanyang ipinagbilin, ‘Kapag nakita mo na pantay na ang liwanag ng papawirin, (na nagpapahiwatig ng dapithapon), ay sabihin mo sa akin.’

Ibn Abî Shaybah, Al-Musannaf 2:430.

~

SayingsoftheSalafSayingsoftheSalaf

Ramadhan Mubarak at Hindi Ramadhan Kareem

بسم الله الرحمن الرحيم

Sinabi ni Shaykh Uthaymin (nawa’y kaawaan sya ng Allaah):

Ang hukum hinggil dito, Ang katagang Ramadaan Kareem ay hindi tama, ang tanging kataga na nararapat sabihin ay Ramadan Mubarak o di kaya anumang tulad nito dahil ang Ramadaan ay hindi sya ang nagbibigay upang tawaging masagana sa halip ay ang Allaah, ang Kataas-taasan ang naglagay ng kabutihan dito at ginawang banal na buwan upang maging ganap ang pagtupad sa pag-aayuno, isa sa haligi ng islaam.

~

 Sinipi mula sa : Saying Ramadan Kareem explained by Shaykh Uthamin (rahimahullaah)
Masjid Tawheed wa Sunnah

Ang Ibat-ibang Uri ng Paninirang Puri

بسم الله الرحمن الرحيم

Mayroon tayong matatagpuan mula sa mga tao na naninirang-puri depende sa umpukan na kanyang kinabibilangan at kung sino ang kanyang mga kasama at sino ang kanyang mga kausap. Gayong batid niya na ang taong pinag-uusapan ay malaya sa kanilang sinasabi – o sa ibang bagay na ipinupula nila sa kanya. Gayunpaman; batid niya na kung pagbabawalan niya sila sa kanilang ginagawa ay maaaring ikainis nila ito sa kanya at tuluyan na siyang layuan. Kung kaya, sinisiguro niya na siya ay nakikisama ng mabuti sa mga taong kanyang kaumpukan at kung sila ay magagalit, siya ay magagalit rin – ang anumang gawin nila ay kanya lamang ginagaya.

At mayroon rin naman na ang paninirang-puri ay sa pamamagitan ng maraming  pamamaraan.  Mayroong pagkakataon na ito ay sa pamamagitan ng Relihiyon and pagtutuwid, kaya’t sasabihin niya: ‘Hindi ko ugali ang bumanggit ng tao maliban sa mabuting paraan; at hindi ko rin gusto ang paninirang-puri o ang pagsisinungaling. Gayunpaman ay kailangan kong sabihin sa inyo ang kanyang mga ginagawa.’ Kaya’t sasabihin niya: ‘Sumpa man kay  Allaah – siya ay  Miskeen (mahina/nakakaawa) – o siya ay mabuting tao; subalit siya ay ganito at ganiyan.’ O maaari rin niyang sabihin na : ‘pabayaan na natin siya; patawarin siya at tayo  Allaah (subhanahu wa ta’ala).’ Gayong ang kaniyang layunin ay ang maliitin ang taong pinag-uusapan at ang makagawa ng kamalian sa taong ito.  Ganito ang paninirang puri na ginagamit nilang dahilan ay ang pagtutuwid at ang Relihiyon. Nais nilang linlangin si  Allaah (subhanahu wa ta’ala) kasabay ng panlilinlang nila sa mga nilikha. At ito ay ating nasaksihan kasama ng ibat-ibang anyo ng paninirang puri.

At mayroon rin namang walang ibang pupurihin kundi ang kanyang sarili bilang pagyayabang – at pagpapakitang-tao. Kaya’t sasabihin niya: ‘Kung ipinag-du’a ko si fulan o fulana sa aking panalangin kagabi; sana ay mayroon ganito at ganiyan mula sa kanya.’ Itinataas niya ang kanyang sarili habang ibinababa naman niya ang tao na naniniwala sa kanyang kakayahan. Maaari rin naman niyang sabihin na : ‘si fulan o fulana ay mahina ang pang-intindi at kakaunti ang pang-unawa.’ Na ang layunin niya rito ay purihin ang kanyang sarili at ipakita na alam niya kung ano ang katangian ng iba – na siya ay nakahihigit sa kanila.

At mayroon rin sa kanila na nadadala ng inggit kung kaya sila ay naninirang-puri; kaya’t dalawang hindi magandang bagay ang kanyang tinataglay: ang paninirang-puri at ang inggit. At kung mayroong tao na pinupuri, sinisubukan niyang alison ang papuri na ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga kahinaan ng taong ito na gamit ay ang Rellihiyon at ang pagtutuwid.– o sa anyo ng inggit at imoralidad at pagpula – upang maalis niya mula sa taong pinupuri ang mga papuri.
At mayroon rin namang ginagawa lamang laro ang paninirang-puri at panlalait; upang magdulot ito ng katatawananan sa iba sa pamamagitan ng pagbibiro at panggagaya at pagmamaliit sa tao.

Mayroon rin naman na ang paninirang-puri ay dinadaan sa pagkamangha; kaya’t sasabihin niya : ‘Namamangha ako kay fulan o fulana na nagawa niya ang ganito at ganiyan.’ Kaya nabanggit niya ang pangalan ng kanyang tinutukoy dala ng kanyang pagkamangha.

Mayroon rin sa kanila na nagpapakita ng kalungkutan; kaya’t sasabihin niya : ‘si fulan at fulana ay mahina/nakakaawa/miskeen, nalulungkot ako sa nangyari sa kanya at sa kanyang kinahantungan.’ Kaya ang makakarinig sa sinabi niyang ito ay mag-aakala na tunny nag na siya ay nalulungkot para sa taong nabanggit at ang kanyang puso ay nagnanais ng mabuti at ng paggaling ng taong ito; at kung maaari ay idadagdag niya ang kung among kabutihan ang mayroon siyang taglay. Maaari rin naman na banggitin niya ang mga kahinaan ng taong ito sa harapan ng mga kaaway niya upang mapakinabangan nila ang impormasyon na ito. Ito at ang iba pang malalaking karamdaman ng puso ang napapabilang sa ginagawa ng tao kabilang na ang panlilinlang kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang mga nilikha.

At kabilang rin sa kanila na harapan ang paninirang puri sa pamamagitan ng gal it at hindi pagsang-ayon sa hindi katanggap-tanggap. At isa sa palatandaan into  ay may kalakip na mabulaklak na mga salita na nagtataglay ng kasinungalingan. Gayong ang kanyang intensiyon ay taliwas sa kung ano ang kanyang ipinakikita.

At ang tulong ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay ang ating hinihiling.

~

Shaykh ul-Islaam Ibn Taymiyyah (rahimahullaah)
Majmoo’ al-fataawaa Shaikh ul Islaam Ibn Taymiyyah vol 28 pages 236-238
isinalin ni :  Aboo Haatim Muhammad Farooq

Ang Pag-aayuno sa Buwan ng Sha’aban

بسم الله الرحمن الرحيم

Si Abu Tharr Al-Ghefari ay nagsabi: “Ang Sugo ni  Allah, salla Allahu alaihi wa sallam, ay nagsabi “O Abu Tharr! kung ikaw ay mag-aayuno ng tatlong araw kada buwan, kung gayon ay mag ayuno ka sa ika- 13, ika- 14 at sa ika-15 [ito ay tinatawag na al-ayaam al-beedh, o ang mga puting araw]“. [Ahmad, an-Nasaa’i at at-Tirmithi; Sahih]


Ang Pag-aayuno Makalipas ang ika-15 ng Sha’aban

Tinanong si Shaykh Ibn Baaz (rahimahullaah) tungkol sa  hadeeth kung saan sinabi na ang pag-aayuno matapos ang kalagitnaan ng  Sha’baan ay hindi pinahihintulutan. Siya ay sumagot:

Ito ay  saheeh hadeeth gaya ng sinabi ni Shaykh Naasir al-Deen al-Albaani. Ang ibig ipakahulugan  nito ay hindi ipinahihintulot na magsimulang mag-ayuno kung natapos na ang kalagitnaan ng buwan. Ngunit kung ang isang tao ay nag-aayuno sa maraming araw sa loob ng isang buwan o kung ito ay palagian niyang ginagawa buwan-buwan, kung gayon ay sumusunod siya sa Sunnah.

Majmoo’ Fataawa al-Shaykh Ibn Baaz, 15/385).


 Si Shaykh Ibn ‘Uthaymeen (rahimahullaah) ay nagbigay ng komento sa  Riyaadh al-Saaliheen (3/394):

Kahit na ang hadeeth ay saheeh, ang pagbabawal na tinutukoy rito ay hindi nangangahulugan na ito ay  haraam, sa halip, ito ay  makrooh, katulad ng pagkakaunawa ng iba pang ulamaaa. Ngunit sinuman ang nakagawian  ang palagiang pag-aayuno ay maaaring gawin ito, kahit pa lumampas na ang kalagitnaan ng buwan ng  Sha’baan.

Ang ‘Masturbation’! – Imaam Muhammad Naasir-ud-Deen Al-Albaanee (rahimahullaah)

بسم الله الرحمن الرحيم

[56] Tanong: Ano po ang batas tungkol sa masturbation?

Sagot: Wala tayong pag-aalinlangan patungkol sa paging haram ng ganitong gawain. At ito ay sa dalawang kadahilanan, una ay ang sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) bilang paglalarawan sa mga mananampalataya:

“Katiyakan! nagtagumpay ang mga naniniwala sa Allaah (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang Sugo na sumunod sa Kanyang batas. Na ang kanilang katangian ay sila sa kanilang pagsasagawa ng ‘Salah’ ay punong-puno ng pagkatakot, na ganap na dalisay sa kanilang mga kalooban at ganap na kapanatagan sa kanilang pagkatao. At ang mga yaon na iniiwasan nila lahat ng mga walang kabuluhan na salita at gawa. At ang mga yaon na nililinis ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga kayamanan sa pagpapatupad ng pagbibigay ng ‘Zakah’ ( o obligadong kawanggawa ayon sa iba’t-ibang uri nito). At ang mga yaon na inaalagaan nila ang mga pribadong bahagi ng kanilang katawan mula sa anumang ipinagbabawal ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na katulad ng pangangalunya at iba pang mahahalay na gawain. Maliban sa kanilang mga asawa o di kaya ay sa kanilang mga alipin na kababaihan ; dahil hindi ipinagbabawal sa kanila ang makipagtalik sa kanila at pasayahin sila ; dahil ang Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay ipinahintulot ito sa kanila. Na kung kaya, sinuman ang maghahangad ng kaligayahan na hindi sa pamamagitan ng kaniyang asawa at alipin na babae ay kabilang siya sa mga lumampas sa ipinahintulot ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) tungo sa Kanyang  ipinagbawal at inilagay niya ang kanyang sarili sa kaparusahan ni Allaah at sa Kanyang Poot. At ang mga yaong inaalagaan nila ang anumang ipinagkatiwala sa kanila at tinutupad nila ang kanilang anumang  pangako. ” [Surah Al-Mu’minoon: 1-8]

Ang ayah na ito ay ginamit ni Imaam Ash-Shaafi’ee (rahimahullaah) bilang patunay sa pagiging haram ng masturbation. Ito ay dahil sa ayah na ito, si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay nagtakda ng dalawang paraan para sa mga tunay na mananampalataya kung paano nila matutugunan ang kanilang pagnanasa– ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagpapakasal sa malayang kababaihan o sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga alipin na kababaihan at mga babaeng bihag mula sa digmaan. At pagkatapos ay sinabi NiysaThen : ” sinuman ang maghahangad ng kaligayahan na hindi sa pamamagitan ng kaniyang asawa at alipin na babae ay kabilang siya sa mga lumampas sa ipinahintulot ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) tungo sa Kanyang ipinagbawal at inilagay niya ang kanyang sarili sa kaparusahan ni Allaah at sa Kanyang Poot” ibig sabihin: Sinuman ang maghanap ng paraan upang mairaos ang kanyang pagnanasa , na bukod sa dalawang paraan na ito; ang pagpapakasal at ang pagkuha ng aliping babae mula sa digmaan , kung gayon ay siya ang mapagmalabis at mapaggawa ng kamalian.

At tungkol naman sa pangalawang dahilan, napatunayan sa medisina na ang gawaing ito ay mayroong hindi magandang epekto sa kalusugan ng sinumang gumagawa nito, lalo na soon sa palagian itong ginagawa araw at gabi. Naiulat mula sa Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) na kanyang sinabi: ”Huwag kayong manakit at huwag kayong masaktan.” Kung kay, hindi ipinahihintulot sa isang Muslim ang mapasali sa anumang gawain na magdudulot ng hindi maganda sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.

Mayroon pang isang bagay na kailangan malaman ng mga tao , na ang mga taong gumagawa ng ganito ay napapabilang sa sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“Inaayawan ninyo ang biyaya ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na Kanyang pinili para sa inyo?” [Surah Al-Baqarah: 61]

At mayroon ring naiulat mula sa  Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) na siyang makapagpapatibay ng pagbabawal ng gawking ito ng kanyang sinabi:

“O kayong grupo ng kabataang kalalakihan! Sinuman sa inyo ang mayroong kakayahan na magpakasal ay hayaan siya na magpakasal, katotohanan na ito ang pinakamabisang paraan ng pagbababa ng paningin at ang pinakamabisang paraan ng pangangalaga sa inyong pribadong bahagi ng katawan. At sinuman ang walang kakayahan na magpakasal, siya ay mag ayuno, katotohanan na siya ay bibigyang proteksiyon nito .”

~

Al-Asaalah Magazine (Issue #3)|Al-Ibaanah.com

Ang Paglikas Patungo sa Lupain ng mga Muslim- Shaykh Fawzaan (hafidhahullaah)

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Ang isang Muslim po ba ay dapat na lumikas patungo sa isang bansa ng mga Muslim gayong ang ipinahihintulot sa bansang ito ay ang pamamalagi lamang ng may nakatakdang panahon ?

Sagot: Kung ang batas ay nakasasagabal upang makalikas ang isang Muslim, kung gayon ay wala siyang pananagutan sa bagay na ito at mananatili siyang walang pananagutan hanggang sa mawala na ang balakid. Kinakailangan na magpatuloy siya sa pagsubok na makapag-Hijrah hanggang sa ibigay sa kanya ang pahintulot. Patuloy siyang magsubok na makalikas patungo sa lupain ng mga Muslim. Hindi siya maaaring nakaupo lamang at tatahi-tahimik. Kailangan ay subukan niya.

 ~

 mula sa :

Karaniwang gawain na nagpapakita ng pagmamalabis sa relihiyon (Ghuluww) : SUJADA

بسم الله الرحمن الرحيم

Sa ngalan ni Allaah, Ang Mapagpala, Ang Maawain

Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na ang pinatutungkulan ay ang mga Hudyo at Kristiyano na mayroong matinding babala na kinakailangan ring sundin ng mga Muslim at mamuhay ng naaayon rito

يا أهل الكتاب لا تغلوا في دينكم

“O kayong mga pinagkaloobanng ‘Injeel at Torah!’ Huwag kayongmagmalabis sa inyong relihiyon,!” [Surah An-Nissa :171]

At ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi:

إياكم والغلو فإنما أهلك من كان قبلكم الغلو

“Mag-ingat kayo laban sa ghuluww (pagmamalabis sa relihiyon), sapagkat ang ghuluww ang siyang dahilan ng pagkapahamak ng mga nauna sa inyo” [Tinipon nina Ahmad (1/215), an-Nasaa’ee, Ibn Maajah, atbp. Si Al-Haakim (1/466) ay idineklara itong saheeh (authentic) ayon sa kondisyon nina al-Bukhaaree at Muslim. See: Silsilat al-Ahaadeeth as-Saheehah (#1283).]

Upang masunod ang utos na ito ng Propeta (salallahu alayhi wa salam), ang akda na ito ay isang naseeha tungkol sa pagmamalabis sa relihiyon na karaniwang nagagawa ng mga Muslim , upang maging maingat tayo at makapagbigay babala sa iba pa, inshallah!

ANG LABIS NA PAGKAGUSTO/PAGMAMAHAL SA CARPET NA DASALAN

Ang salaysay na matatagpuan sa Saheeh al-Bukhaaree at sa iba pa na naglalarawan sa Propeta (salallahu alayhi wa salam) na nagdasal sa khumrah [maliit na banig] at haseer [malaking banig] ay nagpapakita ng pagpapahintulot na magsalah/magdasal sa iba bukod pa sa lupa lamang. Ang ilan sa mga ulaama ay nagsasabi na ang salah ay sa lupa lamang maaaring isagawa (walang isasapin na kahit ano), kaya ang salaysay na ito ay taliwas sa kanilang opinyon. Wala silang naipakita na daleel/katibayan para doon sa mga tao na nagtuturing sa kanilang mga kilos o gawa bilang bahagi ng Relihiyon, dahil hindi naman ito itinuring ng mga Sahaba bilang usaping pangrelihiyon. Sa halip, ay nauunawaan nila na ito ay pinahihintulutan, kung kaya ang pagdarasal sa banig, sapin ng higaan, damit atbp. sa tuwing ito ay kinakailangan tulad ng kapag sobrang mainit ang sikat ng araw ay maaaring gumamit ng sapin upang maproteksiyunan ang sarili mula sa pagkapaso sa lupa na pagpapatirapaan.

Dagdag pa rito, sinabi ng mga ulaama na mas mainam sa isang tao ang magdasal na diretso ang pagpapatirapa sa lupa kung kaya rin lamang niya. Si Shaykul Islam ibn Taymiyyah (rahimahullah) ay nagsabi:

Ang mga ahaadeeth at aathaar (salaysay mula sa Propeta salallahu alayhi wa salam, at mga Sahaba) na mas ninanais nila na diretsong idikit ang kanilang mga noo sa lupa kung kaya rin lamang nila, at kung kinakailangan, tulad ng napakainit na panahon atbp, ay magsasalah sila na mayroong nakapagitan sa kanila at sa lupa, gamit ang kung anoman na mayroon sila: bahagi ng damit, turban, o sumbrero… [Majmoo’ al-Fataawee (22/172)]]

Gayunpaman, kung mayroon pa ring tao na magpupumilit na ang mga salaysay na ito ay nagpapatunay ng pagpapahintulot at pag-uutos na magsalah sa tinatawag natin ngayon na ‘sujada’ o banig dasalan, kung gayon ay tingnan uli natin ang sagot ni Shaykh al-Islaam (rahimahullaah) na sumagot sa ganitong argumento sa maraming punto :

[1] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay hindi palagiang nagsalah gamit ang sujada sa halip ay ginamit lamang niya ito sa piling pagkakataon, at may kadahilanan, katulad ng matinding init atbp. [Isang kabalintunaan doon sa mga ginagamit ito at itinuturing na na ‘dasalan’ sa lahat ng pagkakataon].

[2] Ang ginamit ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) na sapin ay maliit lamang, sapat lamang sa pagpapatirapa o malaki ng kaunti, hindi katulad ng sujada ngayon na buong katawan na ng tao ang kasya rito.

[3] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay hindi nagsalah gamit ang sujada na ang iniisip ay upang makaiwas sa najaasah (impurities), o upang makasiguro na malinis ang kanyang pagpapatirapaan, katulad ng mga gumagamit nito ngayon sa tuwina at hindi makapagsalah kung wala nito.

[4] Ito ay hindi ipinag-utos ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) sa kanyang mga Sahaba, kung kaya sila ay diretsong nagsasalah sa lupa. Kaya kung ang paggamit nito ay mustahabb o di kaya naman ay “Sunnah” , ay dapat na ang mga Sahaba ang naunang gumawa nito.

[5] Ang masjid ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay may bahaging lupa, at bagaman siya ay may kakayahan at pagkakataon na kumuha ng banig, sapin, atbp na nabanggit sa salaysay, ay hindi naman ito dinala ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) sa masjid upang gamitin sa pagsasalah. [Buod mula sa Majmoo’ al-Fataawee (22/175-179)]

Bilang karagdagan:

[6] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay hindi nagpatong-patong ng mga sapin na tulad ng ginagawa ng mga panatiko sa “prayer rug” ngayon, pinapatungan nila ng sujada ang carpet o kaya ay sapin sa ibabaw ng carpet.

[7] Ang ginamit niya ay walang larawan ng Ka’bah, ibang masjid, makulay na disenyo, Pangalan ni Allaah, atbp sa sapin o banig na kanyang ginamit minsan, kabaliktaran sa mga panatiko sa sujada na ang lahat ng ito ay mayroon sila. Sa halip, inaalis ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ang anomang makakatawag ng kanyang pansin na mayroon sa kanyang pagdarasalan, katulad ng pagsasauli niya ng damit na mayroong marka upang huwag makatawag pansin at makaagaw ng atensiyon sa kanyang pagsasalah, at naiuat rin na si Ibn ‘Umar (radiyallahu anhu) ay inalis ang anomang nakakatawag pansin tulad ng espada at mus-haf mula sa sa direksyon ng qiblah sa masjid.

[8] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay walang pagmamataas upang hindi siya magpatirapa at ilapat ang kanyang mukha sa lupa na walang sapin, dahil siya ay nagpapatirapa sa lupa kahit pa maiwan sa kanyang noo ang putik mula sa basang lupa na ito. Ang mga panatiko ng ‘sujada’ ay hindi maaatim na gumawa ng ganito.

Ang ibang Muslim sa ngayon ay maaaring ipagpaliban ang kanilang salah dahil maghahanap muna sila ng sujada, samantalang ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagdeklara na ang buong kalupaan, buong mundo ay lugar ng kalinisan at ng pagsasalah..

Magbabayad rin sila ng malaking halaga (ang mga panatiko) para lamang sa sujada na imported dahil iniisip nila na ito ay mayroong pakinabang at may kaugnayan sa eeman ng tao.

********
[Moosaa Richardson -ST Archives – Originally published: 06-26-2005]
%d bloggers like this: