Ang Paglikas Patungo sa Lupain ng mga Muslim- Shaykh Fawzaan (hafidhahullaah)

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Ang isang Muslim po ba ay dapat na lumikas patungo sa isang bansa ng mga Muslim gayong ang ipinahihintulot sa bansang ito ay ang pamamalagi lamang ng may nakatakdang panahon ?

Sagot: Kung ang batas ay nakasasagabal upang makalikas ang isang Muslim, kung gayon ay wala siyang pananagutan sa bagay na ito at mananatili siyang walang pananagutan hanggang sa mawala na ang balakid. Kinakailangan na magpatuloy siya sa pagsubok na makapag-Hijrah hanggang sa ibigay sa kanya ang pahintulot. Patuloy siyang magsubok na makalikas patungo sa lupain ng mga Muslim. Hindi siya maaaring nakaupo lamang at tatahi-tahimik. Kailangan ay subukan niya.

 ~

 mula sa :
Advertisements

Karaniwang gawain na nagpapakita ng pagmamalabis sa relihiyon (Ghuluww) : SUJADA

بسم الله الرحمن الرحيم

Sa ngalan ni Allaah, Ang Mapagpala, Ang Maawain

Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na ang pinatutungkulan ay ang mga Hudyo at Kristiyano na mayroong matinding babala na kinakailangan ring sundin ng mga Muslim at mamuhay ng naaayon rito

يا أهل الكتاب لا تغلوا في دينكم

“O kayong mga pinagkaloobanng ‘Injeel at Torah!’ Huwag kayongmagmalabis sa inyong relihiyon,!” [Surah An-Nissa :171]

At ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi:

إياكم والغلو فإنما أهلك من كان قبلكم الغلو

“Mag-ingat kayo laban sa ghuluww (pagmamalabis sa relihiyon), sapagkat ang ghuluww ang siyang dahilan ng pagkapahamak ng mga nauna sa inyo” [Tinipon nina Ahmad (1/215), an-Nasaa’ee, Ibn Maajah, atbp. Si Al-Haakim (1/466) ay idineklara itong saheeh (authentic) ayon sa kondisyon nina al-Bukhaaree at Muslim. See: Silsilat al-Ahaadeeth as-Saheehah (#1283).]

Upang masunod ang utos na ito ng Propeta (salallahu alayhi wa salam), ang akda na ito ay isang naseeha tungkol sa pagmamalabis sa relihiyon na karaniwang nagagawa ng mga Muslim , upang maging maingat tayo at makapagbigay babala sa iba pa, inshallah!

ANG LABIS NA PAGKAGUSTO/PAGMAMAHAL SA CARPET NA DASALAN

Ang salaysay na matatagpuan sa Saheeh al-Bukhaaree at sa iba pa na naglalarawan sa Propeta (salallahu alayhi wa salam) na nagdasal sa khumrah [maliit na banig] at haseer [malaking banig] ay nagpapakita ng pagpapahintulot na magsalah/magdasal sa iba bukod pa sa lupa lamang. Ang ilan sa mga ulaama ay nagsasabi na ang salah ay sa lupa lamang maaaring isagawa (walang isasapin na kahit ano), kaya ang salaysay na ito ay taliwas sa kanilang opinyon. Wala silang naipakita na daleel/katibayan para doon sa mga tao na nagtuturing sa kanilang mga kilos o gawa bilang bahagi ng Relihiyon, dahil hindi naman ito itinuring ng mga Sahaba bilang usaping pangrelihiyon. Sa halip, ay nauunawaan nila na ito ay pinahihintulutan, kung kaya ang pagdarasal sa banig, sapin ng higaan, damit atbp. sa tuwing ito ay kinakailangan tulad ng kapag sobrang mainit ang sikat ng araw ay maaaring gumamit ng sapin upang maproteksiyunan ang sarili mula sa pagkapaso sa lupa na pagpapatirapaan.

Dagdag pa rito, sinabi ng mga ulaama na mas mainam sa isang tao ang magdasal na diretso ang pagpapatirapa sa lupa kung kaya rin lamang niya. Si Shaykul Islam ibn Taymiyyah (rahimahullah) ay nagsabi:

Ang mga ahaadeeth at aathaar (salaysay mula sa Propeta salallahu alayhi wa salam, at mga Sahaba) na mas ninanais nila na diretsong idikit ang kanilang mga noo sa lupa kung kaya rin lamang nila, at kung kinakailangan, tulad ng napakainit na panahon atbp, ay magsasalah sila na mayroong nakapagitan sa kanila at sa lupa, gamit ang kung anoman na mayroon sila: bahagi ng damit, turban, o sumbrero… [Majmoo’ al-Fataawee (22/172)]]

Gayunpaman, kung mayroon pa ring tao na magpupumilit na ang mga salaysay na ito ay nagpapatunay ng pagpapahintulot at pag-uutos na magsalah sa tinatawag natin ngayon na ‘sujada’ o banig dasalan, kung gayon ay tingnan uli natin ang sagot ni Shaykh al-Islaam (rahimahullaah) na sumagot sa ganitong argumento sa maraming punto :

[1] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay hindi palagiang nagsalah gamit ang sujada sa halip ay ginamit lamang niya ito sa piling pagkakataon, at may kadahilanan, katulad ng matinding init atbp. [Isang kabalintunaan doon sa mga ginagamit ito at itinuturing na na ‘dasalan’ sa lahat ng pagkakataon].

[2] Ang ginamit ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) na sapin ay maliit lamang, sapat lamang sa pagpapatirapa o malaki ng kaunti, hindi katulad ng sujada ngayon na buong katawan na ng tao ang kasya rito.

[3] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay hindi nagsalah gamit ang sujada na ang iniisip ay upang makaiwas sa najaasah (impurities), o upang makasiguro na malinis ang kanyang pagpapatirapaan, katulad ng mga gumagamit nito ngayon sa tuwina at hindi makapagsalah kung wala nito.

[4] Ito ay hindi ipinag-utos ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) sa kanyang mga Sahaba, kung kaya sila ay diretsong nagsasalah sa lupa. Kaya kung ang paggamit nito ay mustahabb o di kaya naman ay “Sunnah” , ay dapat na ang mga Sahaba ang naunang gumawa nito.

[5] Ang masjid ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay may bahaging lupa, at bagaman siya ay may kakayahan at pagkakataon na kumuha ng banig, sapin, atbp na nabanggit sa salaysay, ay hindi naman ito dinala ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) sa masjid upang gamitin sa pagsasalah. [Buod mula sa Majmoo’ al-Fataawee (22/175-179)]

Bilang karagdagan:

[6] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay hindi nagpatong-patong ng mga sapin na tulad ng ginagawa ng mga panatiko sa “prayer rug” ngayon, pinapatungan nila ng sujada ang carpet o kaya ay sapin sa ibabaw ng carpet.

[7] Ang ginamit niya ay walang larawan ng Ka’bah, ibang masjid, makulay na disenyo, Pangalan ni Allaah, atbp sa sapin o banig na kanyang ginamit minsan, kabaliktaran sa mga panatiko sa sujada na ang lahat ng ito ay mayroon sila. Sa halip, inaalis ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ang anomang makakatawag ng kanyang pansin na mayroon sa kanyang pagdarasalan, katulad ng pagsasauli niya ng damit na mayroong marka upang huwag makatawag pansin at makaagaw ng atensiyon sa kanyang pagsasalah, at naiuat rin na si Ibn ‘Umar (radiyallahu anhu) ay inalis ang anomang nakakatawag pansin tulad ng espada at mus-haf mula sa sa direksyon ng qiblah sa masjid.

[8] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay walang pagmamataas upang hindi siya magpatirapa at ilapat ang kanyang mukha sa lupa na walang sapin, dahil siya ay nagpapatirapa sa lupa kahit pa maiwan sa kanyang noo ang putik mula sa basang lupa na ito. Ang mga panatiko ng ‘sujada’ ay hindi maaatim na gumawa ng ganito.

Ang ibang Muslim sa ngayon ay maaaring ipagpaliban ang kanilang salah dahil maghahanap muna sila ng sujada, samantalang ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagdeklara na ang buong kalupaan, buong mundo ay lugar ng kalinisan at ng pagsasalah..

Magbabayad rin sila ng malaking halaga (ang mga panatiko) para lamang sa sujada na imported dahil iniisip nila na ito ay mayroong pakinabang at may kaugnayan sa eeman ng tao.

********
[Moosaa Richardson -ST Archives – Originally published: 06-26-2005]

Sunnah O Kultura

بسم الله الرحمن الرحيم

Ang sumusunod ay maikling pagbubuod na kinuha mula sa alalbany.ws

Tanong: Barakallahu feek, ano po ang pamantayan ayon sa Islamikong pagsasabatas sa pagkilala kung ano ang Sunnah na maituturing na kultura, at ano ang Sunnah na itinuturing na ibadah o pagsamba?

Shaykh Albani: Ang pamantayan ay nangangailangan ng antas ng kaalaman sa isang tao na nagnanais na makilala kung ano ang ipinagkaiba ng Sunnah na pagsamba at Sunnah na kultura. At naisalaysay na mayroong mga gawain ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) na nagmula mismo sa kanya at ginawa niya ito sa pagnanais niya na mas mapalapit kay Allah (subhanahu wa ta’ala); ito ang tinatawag na Sunnah ibadah/ pagsamba.

Ang kabaliktaran nito ay ang kategorya na nagsalaysay rin ng gawain ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) at ang tanging masasabi natin ay ang mga gawain na ito ay walang batas sa pagsamba, sa halip, ang mga ito ay mayroong hukm na kultura o mga bagay na ginustong gawin ng tao ngunit walang kinalaman sa pagsamba/ibadah. Ang kategoryang ito ay malinaw na walang kinalaman sa pagsamba kaya’t ito ay papatak sa kategoryang kultura; at sa pagitan ng dalawang ito ay ang mga bagay na hindi malinaw at kaduda-duda.

Kung pagtutuunan natin ng pansin ang mga bagay na hindi malinaw mula sa partikular na anggulo , kung gayon ang tao ay maaaring kumiling sa mga bagay na may koneksyon sa ibadah, at kung titingnan uli natin ang mga bagay na ito na hindi malinaw ay maaaring maibilang natin ito sa Sunnah na kultura lamang; ayon sa mga talibul ilm (na nag-iimbestiga sa usapin na ito). At sapat na para sa isang naghahanap ng kaalaman na huminto sa ikalawang kategorya na kabaliktaran ng naunang kategorya.

HALIMBAWA:
Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagsuot ng sandals na mayroong dalawang straps, kaya ang unang maiisip rito ay kapag ang isang naghahanap ng kaalaman ay nagsuot ng sandals na isa lamang ang strap, kung gayon sila ay sumasalungat sa Sunnah!! Dahil ang Sunnah ay ang pagsusuot ng sandals na may dalawang straps!! At tila ba ito ay mayroong koneksiyon sa pagsamba, ngunit ito ay kultura lamang ng mga Arabo, ganito ang isinusuot nilang sandals. At hindi sila nagsusuot ng mga sapin sa paa na katulad ng ginagamit ngayon na kung tawagin ay ‘sapatos’ o anomang katulad nito na mayroong iba’t-ibang pangalan depende sa iba’t-ibang bansa.

At ang natira na lamang sa mga naghahanap ng kaalaman ay ang kategorya kung saan ito mapapabilang, sa una ba o sa pangalawang grupo, at ito ay nangangailangan ng kaalaman upang makilala o malaman kung ano ang napapabilang sa unang grupo at hindi sa ikalawang grupo o sa kabaliktaran, na ito ay sa ikalawang grupo at hindi sa una.

At dito ay makikita natin na nagkaisa ang mga Ulaama na ito ay nagmula sa Sunnah ng kultura ngunit nagkakaiba sila pagdating sa mga detalye nito, ito ba ay mula sa Sunnah ng kultura o Sunnah ng ibadah/pagsamba.

Ang isang halimbawa nito ay may kinalaman sa Hajj. Naisalaysay na ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagpahinga sa Al Batha kaya sabi ng ilang Sahaba (radiyallahu anhum), at alam ko ay si Aisha (radiyallahu anha) ang nagsabing, ‘Ang pananatili sa Al-Mahassab ay hindi nagmula sa Sunnah.’

Napagkaisahan lamang nila na siya (salallahu alayhi wa salam) ay nagtayo ng kubol doon at nagpahinga, ngunit mayroong ibang tao na naniniwala na ang pamamahinga sa Al Batha ay kabilang sa pagiging kumpleto ng Hajj. At dito ay mayroong pagkakaiba ng opinyon dahil ang pangyayari na ito ay nangangailangan ng paglilinaw upang mai-ugnay ito sa una o pangalawang kategorya.

Ngayon ay babanggit tayo ng mga halimbawa na napapanahon, dahil ang mga kabataan ngayon, Alhamdulillah , ay iniiksian nila ang kanilang mga pananamit at hindi nila hinahayaan na ito ay lumaylay at ito ay sa intensyon nila na sumunod sa Sunnah, ito ba ay Sunnah ng kultura o Sunnah ng ibadah?

Kung titingnan natin ang gawain na ito (ang pagpapaiksi ng pananamit) ng Propeta (salallahu alayhi wa salam), nang mag-isa lamang at hindi isasama sa iba pa niyang sinabi, kung gayon ay baka mag-alangan tayo kung ito ba ay Sunnah ng ibadah o Sunnahna kultura.
Ngunit kung ang hadith na nagtataglay ng sinabi ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) , katulad ng hadith na sinabi niya , ‘Ang izaar ng mananampalataya ay hanggang sa kalagitnaan ng kanyang shin (binti) at kung ito ay mas hahaba pa ay hanggang sa bukong-bukong lamang, at kung mas mababa pa rito, ito ay nasa apoy na.’

Ito (hadith) ay pumuputol sa pag-aalinlangan sa pagitan ng kung ang gawain ay mula sa Sunnah ng ibadah o Sunnah ng kultura at siguradong ito ay mula sa Sunnah ng ibadah dahil ng ilarawan niya ang paraan ng pananamit ng isang mananampalataya ay sinabi niya na ito ay hanggang sa gitna lamang ng binti at kung mas mahaba pa ay wala namang problema kung ito ay aabot ng hangang sa bukong-bukong, ngunit kung mas mahaba pa rito ay sa apoy na ang bagsak nito.

Kabalikaran nito ay ang Sunnah na napatunayan na mula sa Proheta (salallahu alayhi wa salam) , at ito ay ang pagkakaroon niya ng mahabang buhok.

Minsan ang kanyang buhok ay abot hanggang sa dulo ng kanyang tainga at kung mas mahaba pa, ito ay umaabot ng hanggang sa balikat niya. Sa halip, napatunayan na noong ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) , ay pumasok sa , Mecca, ang kanyang buhoy ay nakatirintas ng apat. Kung gayon, ang pagpapahaba ba ng buhok, at pagkatapos ay ititirintas ito, ito ba ay Sunnah ng ibadah Sunnah ng kultura.
Ang sagot, ayon sa aking nakita, wala sa hadith na ito ang pagtatawag o pagpapatunay o magpapabulaan na siyang magdudulot ng pag-aalinlangan Ang sagot ay oo, Sunnah na ito ay kultura.

Bakit? Dahil hindi naman ang Propeta (salallahu alayhi wa salam), ang nagpasimula ng Sunnah na ito. Sa halip, mayroon nang ganito bago pa man siya isilang, huwag nang sabihin na bago pa siya naging Sugo.!!!’

Ganito ang kultura ng mga Arabo; pinahahaba nila ang kanilang mga buhok. At ang ilan sa mga kabataan natin ngayon. At ang ilan sa mga kabataan ngayon, ay nakikita natin , ilan sa kanila ay iniipon ang kanilang buhok at itinitirintas ito.

Kaya ito ay isang kultura na hindi nagsimula sa Propeta (salallahu alayhi wa salam), sa halip ay ipinagpatuloy lamang niya ang kultura ng mga Arabo, at hinayaan niya ang kanyang buhok na humaba at nang pumasok siya sa Makkah ay itinirintas niya ito ng apat.

Walang kahit ano rito ang makasasama sa atin kung ituturing natin na Sunnah Ibadah o Sunnah ng kultura na sumasalungat sa Sunnah ng pagsamba/ibadah.

~

Mga Paraan Upang Magkaisa ang Ummah (Shaykh Saleh Fawzan bin al-Fawzaan)

بسم الله الرحمن الرحيم

Ito ay kasagutan ni Shaikh Saalih bin Fawzaan Al-Fawzaan at kinuha mula sa aklat na Beneficial Answers to Questions on Innovated Methodologies, tinipon ni Jamaal bin Furayhaan Al-Haarithee.

Tanong: Ano ang mga dahilan at pamamaraan upang makamit ang pagkakaisa ?

Sagot: Ang mga paraan upang magkaroon ng pagkakaisa ay:

Una: Itama ang Aqeeda, hanggang ito ay maging malinis mula sa Shirk. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“At walang pag-aalinlagan, ang inyong Relihiyon, O kayong mga Propeta ay iisang Relihiyon lamang, na Ako ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na kung kaya, matakot kayo sa Akin sa pagsunod sa Aking mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Aking mga ipinagbabawal..” [Surah Al-Mu’minoon (23):52]

Tanging ang tamang Aqeeda lamang ang magbubuklod sa mga puso at makadaraig sa masamang hangarin, na sumasalungat sa pagkakaroon nila ng iba’t-ibang paniniwala at maraming sinasamba, sapagkat ang bawat pagsunod sa kanya-kanyang aqeeda ay nangangahulugan na ito ang kanyang paniniwalaan at panghahawakan, samantalang ang aqeeda ng iba ay ituturing niyang mali at nasa kamalian. Kaya nga sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“At sinabi ni Yûsuf sa dalawang kabataan na kasama niya sa kulungan:“ Ang pagsamba ba sa maraming diyus-diyosan na gawa lamang na tao ay mas nakabubuti kaysa sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) na Al-Wâhid’– Bukod-Tangi at Nag-iisa na Al-Qahhâr– ang Tagapagkuntrol (Tagapagpigil o Tagapagpuwersa) at Makapangyarihan? [Surah Yoosuf (12):39]

Ito ang dahilan kung bakit ang mga paganong Arabo noong Panahon ng Kamangmangan ay nagkahati-hati at nalipol sa mundo. Gayunpaman, nang yakapin nila ang  Islaam at ang kanilang pinanghahawakana at paniniwala ay kanilang naisaayos, napagkaisa nila ang kanilang hanay at ganoon rin ang kanilang pamamahala.

Pangalawa: Ang pakikinig at pagsunod sa Muslim na namumuno, kung kaya sinabi ng Propeta Muhammad  (صلى الله عليه وسلم) :

“Ipinapayo ko sa inyo na magkaroon kayo ng  Taqwaa (pagkatakot /pagsunod) kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), at pakinggan ninyo at sundin (ang mga namumuno) kahit pa ito ay isang alipin na nagmula sa Abyssinian, sapagkat katotohanan na sinoman sa inyo ang mabuhay ng mahaba ay makakasaksi ng maraming hindi pagkakaunawaan…”

[Saheeh: Inulat ni Abu Dawood (4607), At-Tirmidhee (2776) at al-Haakim (1/96), at ang mga salita ay nagmula sa kanyang ulat]

Ang pagsuway sa  Muslim na pinuno ay nagbubunga ng hindi pagkakaunawaan.

Pangatlo: Ang pagbalik sa Qur’aan at Sunnah upang maresolbahan ang hindi pagkakaunawaan at pagtatalu-talo. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“O kayong mga matatapat sa inyong paniniwala! Sundin ninyo ang utos ngAllâh (subhanahu wa ta’ala) at huwag ninyo itong labagin, at sundin din ninyo ang Sugong si PropetaMuhammad (salallahu alayi wa salam) sa kanyang dala-dalang katotohanan; at sundin din ang inyong mga pinuno sa kanilang mga ipinag-uutos na hindi labag sa kagustuhan ng Allâh (subhaahu wa ta’ala), at kapag kayo ay mayroong bagay na di-napagkasunduan sa pagitan ninyo ay  isangguni ninyo ang hatol hinggil dito sa Aklat ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa ‘Sunnah’ ng Kanyang Sugo na si Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam), kung kayo nga ay naniniwala na ang tunay na paniniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa Araw ng Paghuhukom

Ang pagsangguning ito sa Aklat ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa ‘Sunnah ay higit namakabubuti sa inyo kaysa sa hindi ninyo pagkakasundu-sundo sa isa’t isa at sa pagbibigay lamang ninyo ng sariling pananaw; at ang pagsasangguni ding ito ayhigit na makapagdudulot ng mabuting kahihinatnan. (Surah an-Nissa :59)

Ang tao ay hindi dap at bumatay sa opinion at tradition lamang ng iba.

Pang apat: Ang pagsasaayos at pagkakasundo, kung magkaroon ng hidwaan, sa pagitan ng dalawang tao o dalawang nasyon. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“na kung kaya,katakutan ninyo ang parusa ngAllâh (subhanahu wa ta’ala), huwag kayong gumawa ng kasalanan saKanya, at iwasan ninyo angpagtatalu-talo at pagkaka-salungatan dahil sa kayamanan na ito, at ayusin ninyo ang hidwaan sa mga pagitan ninyo,at ipatupad ninyo ang pagsunod sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at saKanyang Sugo, kung kayo ay tunay na nananampalataya sa Kanya; dahil angt unay na paniniwala ay nag-aakay sa inyo tungo sa pagsunod sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at .” [Surah Al-Anfaal (8):1]

Panglima: Ang paglaban sa mga mapabmalabis at mga rebelde na ang ninanais ay ang paghiwa-hiwalayin ang ummah ng mga Muslim. Kung sila ay malaks at may kapangyarihan, makakaya nilang lipulin ang sambayanang  Muslim at makapagdudult ng korupsiyon sa ummah. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala:

“at kapag ang isa sa dalawang grupo ay gumanti at hindi tumugon sa pagpasiya na ito, ay makipaglaban kayo sa grupong yaon hanggang sa ito ay bumalik sa Batas ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at ng Kanyang Sugo” [Surah Al-Hujuraat (49):9]

Kung kaya, ang Pinuno ng mga MananampalatayaThis na si  ‘Alee bin Abee Taalib (رضي الله عنه), ay nakipaglaban sa mga nagmalabis at Khawaarij. At ito ay itinuturing na isa sa magaganda niyang katangian.

Ang Paghahanda ng Pagkain Para sa Pamilyang Namatayan

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Tama po ba na makiramay sa pamilya ng namatayan sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain para sa kanila sa oras ng kanilang pamimighati—tinatawag po namin itong bayanihan—katulad ng mga kapit-bahay, tiyuhin, o mga kamag-anak?

Shaykh bin Baz: Ang Sunnah ay ang padalhan sila ng pagkain na luto na ; katulad ng ginawa ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ng makarating sa kanya ang balita na namatay si Jafar ibn Abu Taalib . Si Jafar ay napatay sa Digmaan ng Mu’tah sa Sham. Nang makarating ang balitang ito sa Propeta (salallahu alayhi wa salam), inutusan niya ang kanyang pamilya na magpadala ng pagkain sa pamilya ni Jafar. At kanyang sinabi:
َ
“At mayroong dumating sa kanila na magiging dahilan upang sila ay maging abala”!

Kung ganoon, kung ang mga kapitbahay o kamag-anak ay magbibigay ng mga lutong pagkain sa pamilya ng namatay habang sila ay namimighati dahil abala sila at hindi nila makakaya ang maghanda pa ng pagkain; ito ay nagmula sa Sunnah. Tungkol naman sa pagtulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera, walang magiging suliranin dito kung sila ay mahirap lamang. Kung ang pamilya ng namatay ay mahirap lamang at ang kanilang mga kamag-anak ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera dahil namatay na ang naghahanapbuhay para sa kanila; ito ay mabuti; ang pagtulong ay mabuti dahil sila ay nangangailangan. Ngunit kung ang pamilyang namatayan ang maghahanda ng pagkain para sa mga tao , ito ay isang gawain na nagmula pa noong bago dumating ang Islaam at hindi ito pinahihintulutan. Ang pamilya ay hindi dapat maghanda ng pagkain para sa mga tao, maliban kung mayroon slang bisita at nais nilang sila ay asikasuhin, kung gayon ay walang mali dito, dahil naghanda sila ng pagkain para sa bisita at hindi para sa kamatayan ng namatay. Kaya walang suliranin sa bagay na ito.

~

Ni: Shaykh Abdul Aziz ibn Baz (rahimahullaah)||Masjid Tawheed wa Sunnah

Awrah

بسم الله الرحمن الرحيم

Marahil Kapatid kong Muslimah ay alam mo na ang ibig sabihin ng AWRAH=ito ay ang bahagi ng katawan na dapat takpan lalo na ng kababaihan at huwag ilalantad maliban sa kanilang Mahram at sa kapwa nila babae.
Ang sumusunod ay nilikom na Fatwa mula kay Shaykh Saleh bin Fawzaan bin Al-Fawzaan (hafidhahullaah);

Sinabi ng Allaah (subhanahu wa ta’ala): [sa pagkakasalin]

…..at huwag nilang ilantad ang kanilang kagandahan sa mga kalalakihan, kundi pagsumikapan nila na ito ay maitago maliban sa mga nakalantad na pananamit na nakasanayan na ito ay nakalantad na kasuotan, kung ito ay hindi nagdudulot ng anumang ‘fitnah’ (o panghahalina na makagawa ng kasamaan), at ibababa nila ang panakip ng kanilang ulo hanggang sa matakpan ang kanilang mga dibdib na natatakpan nito ang kanilang mga mukha; upang mabuo ang kanilang panakip, at huwag nilang ilantad ang anumang kagandahan na nakatago maliban lamang sa kanilang mga asawa na mga kalalakihan; dahil maaari nilang makita mula sa kanila na mga asawa ang hindi maaaring makita ng iba. At kabilang dito ay ang mukha, leeg, dalawang kamay, dalawang braso at ito ay ipinahintulot na makita rin ng kanilang mga ama o di kaya ay ama ng kanilang mga asawa o di kaya ay kanilang anak na mga kalalakihan, o di kaya ay anak na mga kalalakihan ng kanilang mga asawa, o di kaya ay kanilang mga kapatid na mga kalalakihan, o di kaya ay mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na kalalakihan, o di kaya ay mga anak na kalalakihan ng kanilang mga kapatid na mga kababaihan, o di kaya ay kanilang mga alipin na kababaihan, o di kaya ay mga kapatid na kababaihan sa pananampalataya, o di kaya ay ang anumang pagmamay-ari nila na mga alipin na mga kalalakihan, o di kaya ay mga matatanda na kalalakihan na wala nang pagnanasa sa mga kababaihan na katulad ng ulyanin na sunud-sunuran na lamang sa iba para makakain o makainom, o di kaya ay mga bata na kalalakihan na wala silang kamuwang-muwang sa mga pribadong bahagi ng mga kababaihan, at wala pa silang pagnanasa,…. [Surah An-Nur : 24]

Malinaw sa Ayah na nabanggit na maaaring ipakita ng mga Muslimah ang kanilang Awrah sa kapwa nila Muslimah, sa mga babaeng alipin o mga bata na wala pang muwang pagdating sa kahalayan /sex.

Gayunpaman, ang tanong dito ay kung ano ang klase o uri ng pananamit ba ang suot ng babae na maaari niyang ipakita sa mga nabanggit? Ang mga tanong na ito ang sinagot ni Shaykh Saleh bin Fawzaan bin Al-Fawzaan sa kanyang mga Fatwa na sumusunod;

1. Maraming babae ang nagsasabi na ang Awrah daw ng kababaihan sa kapwa niya babae ay iyong nasa pagitan ng kanyang pusod at tuhod. Kaya naman, ang iba sa kanila ay walang pakialam na magsuot ng mga damit na masisikip o di kaya ay nakabukas, na naglalantad ng malaking bahagi ng kanilang dibdib at braso. Ano po ang masasabi ninyo tungkol dito?

SAGOT: Ang inaasahan mula sa isang Muslimah ay ang kanyang pagiging marangal at mahiyain, na siya ay magsisilbing mabuting halimbawa sa kanyang mga kapatid na Muslimah sa kanilang relihiyon, at hindi niya dapat ilantad ang higit sa kung ano ang normal na makita mula isang babaeng mananampalataya. Ito ang pangunahin nilang tungkulin sapagkat ang pagiging pabaya sa paglalantad sa mga bahaging ito na hindi naman hinihingi o dala ng pangangailangan ay maaaring humantong sa pagiging pabaya at mas walang pakialam na pagpapakita ng ipinagbabawal. Wa Allaahu ‘alam!. [Al-Muntaqaa min Fatawaa vol.3 p307 #453]

2. Ang mga babae po ba na may suot na masikip na damit sa harap ng kapwa nila babae ay napapabilang sa hadith na […mga babae na nakasuot ng damit ngunit mistulang nakahubad….]

SAGOT: Walang pag-aalinlangan na ang pagsusuot ng masikip na damit na naglalantad sa kaakit-akit na hubog ng katawan ng babae ay hindi pinahihintulutan, hindi pinahihintulutan maliban sa piling ng iyong asawa.

Ngunit kung ito ay gagawin niya sa piling ng ibang tao na hindi naman niya asawa, ito ay ipinagbabawal. Kahit pa mga kababaihan lamang ang nakakakita, sapagkat ito ay magsisilbing isang maling halimbawa na maaaring gayahin ng kanyang mga kasama. At siya ay pinag-utusan na takpan ang kanyang awrah ng panakip na maluwag at huwag itong aalisin maliban sa piling ng kanyang asawa. Kung gayon ay tatakpan niya ang kanyang sarili sa harap ng kababaihan katulad rin ng pagtatakip niya kung mga kalalakihan naman ang nakakakita. Maliban na lamang sa piling ng kababaihan na siya ay pinahihintulutan na ipakita ang kanyang mukha, kamay, paa at kung anoman na hindi na niya kailangan na takpan. [Al-Muntaqaa min Fatawaa vol.3 p307 #454]

3. Ano ang pagsasabatas sa pagsusuot ng maninipis o di kaya ay masisikip na damit na naglalantad na sa katawan ng isang babae?

SAGOT: Obligasyon ng babae na ang damit nilang isusuot ay hindi manipis at ang kulay ng kanilang balat ay maaaninag mula rito, at hindi rin masikip na nalalantad na ang hubog ng kanilang katawan sapagkat sinabi ni Propeta Muhammad (salallaahu alayhi wa salam):

….Dalawang klase ng tao na mananahan sa Apoy ang hindi ko pa nakikita, Mga babaeng nakadamit ngunit tila nakahubad , kapag sila ay naglalakad ay humahampas ang kanilang balakang (kumekembot) , at sa tuktok ng kanilang ulo ay ang kanilang buhok na parang ang bukol ng kamelyo sa kaniyang likod , sila ay hindi makakapasok sa Jannah o kahit ang amoy nito ay hindi nila malalanghap, at mga lalaki na mayroong latigo na kahalintulad ng buntot ng baka na ginagamit nila upang ipanghampas sa mga alipin ni Allaah (subhanahu wa ta’ala). [Sahih Muslim]

Si Shaykul Islam ibn Taymiyyah (rahimahullaah) ay nagpahayag sa Majmoo Fatawaa na ang kahulugan ng [nakadamit ngunit tila nakahubad] ay iyong nakasuot ng damit na hindi naman natatakpan ang lahat ng dapat takpan kung kaya siya ay tila ba nakahubad rin, katulad ng babae na nagsusuot ng manipis na damit na naaaninag na ang kulay ng kanyang balat, o nagsusuot ng damit na masikip na ang hubog ng kanyang katawan ay nakakorte na. Katotohanan na ang pananamit ng kababaihan ay nararapat na tumatakip sa kanyang katawan at hindi nagpapakita kung ano ang hubog nito dahil ito ay maluwag at hindi manipis. [Al-fatawaa al-jaamatu li Imra’atul Muslimah vol.3 p845 #763]

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa Fatwaa na ibinigay ni Shaykh Fawzaan tungkol sa Awrah ng kababaihan sa piling ng kanyang kapwa Muslimah. Nawa ay nagbigay ito ng kaliwanagan.

At para naman doon sa mga nagsasabi na ang Awrah nila ay nasa pagitan ng pusod at tuhod, ito ang narraapat nilang malaman;

1. Una, ay magpakita kayo ng katibayan/dalil na siyang babali sa sinabi ng Ulaama.
2. Pangalawa, kung ang tatanggapin ay ang batayan ninyo sa kung ano ang Awrah ninyo sa piling ng inyong kapwa Muslimah, ay nangangahulugan ito na hindi bawal ang pagsusuot ng mga ‘hipsters’, leggings’, stretch jeans’, at iba pang kasuotan na naglalantad na sa hubog ng katawan at kulay ng balat, katulad ng paliwanag ni Shaykh Fawzaan (hafidhahullaah).

********

[sinipi ni Abu Aqeelah]

Inggit

بسم الله الرحمن الرحيم

Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa Qur’an; [sa pagkakasalin]

O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang Sugo at sumunod ng Kanyang gabay! Iwasan ninyo ang karamihan sa mga haka-haka na masasama laban sa mga mananampalataya; dahil ang ibang haka-haka ay kasalanan. At huwag magmanman, at huwag ninyong matahin ang dangal ng mga Muslim o magsiraan sa isa’t-isa, at huwag banggitin ng iba sa inyo sa iba nang palihim ang anuman na hindi niya nagugustuhan. Dahil nais ba ng isa sa inyo na pakainin siya ng kanyang kapatid ng patay na laman ng kanyang kapatid? At kayo mismo ay kinamumuhian ninyo ito, na kung kaya, kamuhian ninyo ang paninirang-puri sa kanya at matakot kayo sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal. Katiyakan, ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) ay ‘Tawwâb’ – Tagapagtanggap at Tagapagpatawad sa sinumang nagsisisi at nagbabalik-loob mula sa Kanyang mga alipin na mga mananampalataya, na ‘Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa kanila. [Suratul Hujurat :12]

Ang inggit ay kakabit ng haka-haka, pagmamanman, paninira, at pagyurak sa dangal ng taong kinaiinggitan. Kaya nga mahigpit ang pagbabawal sa masamang gawain na ito. Ito ay isa sa mga malalaking kasalanan na posibleng gawin ng tao.

وعن أبي هريرة رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه و سلم قال : [ إياكم والحسد فإن الحسد يأكل الحسنات كما تأكل النار الحطب أو قال العشب ] رواه أبو داود
Iniulat ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam): “Iwasan ninyo ang inggit sapagkat ito sumisira sa kabutihan katulad ng apoy na tumutupok sa kahoy na panggatong”. [Abu Dawud]

Ang inggit na tinutukoy dito ay ang inggit kung saan ninanais ng isang tao na mawala ang mabuting bagay o katangian na biyaya ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa taong kanyang kinaiinggitan. At dahil dito ay itinuro ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) kay Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) kung paano magpapakupkop sa Kanya laban sa mga naiinggit at sa mismong pagka-inggit.

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sabihin mo, O Muhammad: “Nagpapakupkop ako at hinihingi ko ang kalinga ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng ‘Falaq,’ na ito ay pagbubukang-liwayway.
2. “Mula sa kasamaan ng lahat ng nilikha at sa mga kapinsalaan na maidudulot nito.
3. “At mula sa kasamaan ng matinding kadiliman kapag kumalat na ang gabi nito at sa anumang kasamaan at mga nakapipinsala na nangyayari rito.
4. “Mula sa mga nagsasagawa ng karunungang itim na mga kababaihan na hinihipan nila ang kanilang mga ibinuhol na tali, na ito ay kanilang pinagbubuhul-buhol bilang pangkukulam. [Surah Al-Falaq]

Ang ibig sabihin ay kapag nararamdaman ng tao na mayroong namumuong inggit sa kaniyang puso at ito ay binigyan niya ng pagkakataon na maisagawa niya, ang inggit na ito ay magtutulak sa kanya na gumawa ng hindi kanais-nais sa taong kanyang kinaiinggitan.

Ang Inggit/Hasad ay may iba’t-ibang antas:

1 – Kapag ang tao ay nagnanais na mawala ang biyaya na natanggap ng kapwa niya Muslim, kahit ito ay hindi naman sa taong inggit nanggaling; ngunit dahil sa kanyang inggit ay ayaw niya na may mabiyayaan na iba, sapagkat ang biyayang ito ay nagiging sanhi ng kanyang pagkadismaya.

2 – Kapag ninais ng taong inggit na mawala ang biyaya sa taong kanyang kinaiinggitan dahil hangad niya na ito ay mapasakanya.

3 – Kapag ninanais niya na magkamit ng kung ano ang mayroon ang kanyang kapwa, ngunit hindi naman niya ninanais na mawala ito sa taong nagtataglay nito. Ang ganitong uri ng inggit ay pinahihintulutan at hindi hasad ang tawag dito kundi…ghibtah.

Ang taong naiinggit ay sinasaktan lamang ang kanyang sarili sa pamamagitan ng:

1 – Nagkakamit siya ng kasalanan dahil ang hasad ay haraam.

2 – Ang inggit ay isang masamang pag-uugali , dahil nangangahulugan ito na kinamumuhian mo ang biyaya na ibinigay ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa Kanyang alipin, at tinututulan mo ang pagbibigay na ito.

3 – Naghihirap ang taong naiinggit dahil palagi siyang nag-iisip at nag-aalala.

********
Majmoo’ Fataawa al-Lajnah al-Daa’imah li’l-Buhooth al-‘Ilmiyyah wa’l-Ifta’ (26/29).