Maaari bang matulog ang Dalawang Magkaibigan sa Iisang Kama?-Sagot ni Shaykh Uthaymeen

بسم الله الرحمن الرحيم

Ang sumusunod ay pagbubuod sa sagot ng Shaykh (rahimahullaah) sa tanong sa itaas

Nagtanong:

Ang pahayag ng Propeta صلى الله عليه وسلم:

وَفَرِّقُوا بَيْنَهُمْ فِي الْمَضَاجِعِ

At paghiwalayin sila ng higaan. O Shaykh , ang hadith po ba na ito ay pangkalahatan ?

Shaykh Uthaymeen: Anong ibig mong sabihin na pangkalahatanl?

Nagtanong: Ibig sabihin po ba ay sakop nito ang lahat ng tao, katulad ng kapatid sa pananampalataya na hindi kamag-anak, atb?

Shaykh Uthaymeen: Oo, ibig sabihin ay sa pagitan ng anak na lalaki at anak na babae, sa pagitan ng anak na babae at anak na babae , at sa pagitan ng anak na lalaki at anak na lalaki. Sila ay pinaghihiwalay sa higaan; dahil pinangangambahan ang kasamaan na maaaring mangyari kung sapitin na nila ang gulang na sampu ; ang kasamaan ay pinangangambahan.

Nagtanong: Pinahihintulutan po ba sa dalawang tao na lampas sa gulang na dalampu ang mahiga sa iisang kama at magsukob sa iisang kumot?

Shaykh Uthaymeen: Ang mga nasa edad na lampas na sa dalawampung taon ay hindi dapat matulog sa iisang kama na magkasama. Ang panganib dito ay lubhang napakalaki; dahil ang isang taong natutulog ay hindi nalalaman kung ano ang maaaring mangyari o maaari niyang gawin.

********

Isinalin sa wikang banyaga (Ingles) ni Rasheed ibn Estes Barbee
Kinuha mula sa : http://mtws.posthaven.com/