Iblis…Jinn o Anghel na Nahulog Mula sa Langit?

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong bilang 3: Si Iblis (Satan) ba ay isang jinn o isang anghel na nahulog mula sa langit? Kung siya ay isang jinn, bakit siya ay ibinukod sa ayah ng Qur’a na ganito ang sinasabi: Nagpatirapa ang lahat ng mga anghel bilang pagsunod at pagpapatupad sa kagustuhan ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) maliban kay Iblees, dahil walang pag-aalinlangan, hindi siya nagpatirapa bilang pagmamataas at siya ay kabilang sa mga walang pananampalataya na nauna na sa kaalaman ng Allâh (subhanahu wa ta’ala). [Surah as-Sad 38:74]

Sagot: Alam natin na ang mga angel ay kabilang sa mga nilikha ni Allah (subhanahu wa ta’ala) mula sa liwanag. Sinusunod nila ang lahat ng utos na nagmula kay  Allah (subhanahu wa ta’ala). Bukod pa rito, binanggit ni Allah (subhanahu wa ta’ala) sa Qur’an ang paging kabilang ni Iblis sa mga  jinn. Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta’ala) : At ipaalaala mo, noong inutusan Namin ang mga anghel na magpatirapa kay Âdam (alayhis salam) bilang paggalang at parangal at hindi pagsamba, at inutusan (din) Namin si Iblees na katulad ng pagkakautos Namin sa kanila, at nagpatirapa ang lahat ng mga anghel subali’t si Iblees na kabilang sa mga ‘Jinn’ ay hindi sumunod sa kanyang ‘ Rabb’ na Tagapaglikha, at hindi nagpatirapa bilang pagmamataas at panibugho .[ Surah Al-Khaf 18:50] At upang bigyang katwiran ang pagtanggi niya na magpatirapa kay Adam, ayon sa  Qur’an, si Iblis ay sumagot kay Allah (subhanahu wa ta’ala) ng siya ay tannin kung bakit hindi nina ito ginawa:“Nakahihigit ang paglikha sa akin kaysa sa kanya, dahil sa ako ay nilikha mula sa apoy samantalang siya naman ay nilikha mula sa alabok.” Na sa kanyang paningin ay nakahihigit ang apoy kaysa sa alabok. [Surah Al-‘A’raf 7:12].

At tungkol naman sa pagtanggap kay Iblis mula sa pangkalahatang uri ng mga anghel sa  Ayah na nagsasabing: At ipaalaala mo, noong inutusan Namin ang mga anghel na magpatirapa kay Âdam (alayhis salam) bilang paggalang at parangal at hindi pagsamba, at inutusan (din) Namin si Iblees na katulad ng pagkakautos Namin sa kanila, at nagpatirapa ang lahat ng mga anghel subali’t si Iblees na kabilang sa mga ‘Jinn’ ay hindi sumunod sa kanyang‘ Rabb’ na Tagapaglikha, at hindi nagpatirapa bilang pagmamataas at panibugho ” [Surah Al-Khaf 18:50] . Ang salitang Arabic na  illa (i.e. maliban), na karaniwang nangangahulugan ng ‘maliban’ at ginamit upang magpabatid ng Istithna’( hindi pagiging kasali o kabilang ), ay ginagamit rin minsan upang tumukoy sa  Istithna’ Munqati` (paghihiwalay kung saan ang bagay na tinutukoy ay hindi kahalintulad at naiiba sa bagay na binanggit bago ginamit ang salitang  illa). Sa panitikan ng Arabic ay tamang sabihin ang :” ja’ al-qawmu illa himaran”, na ang kahulugan ay “ang lahat ng tao ay dumating maliban sa buriko”; ang tao at ang buriko ay napapabilang sa dalawang magkaibang uri. Sa ganitong eksaktong pakahulugan ginamit ang salitang  illa (maliban) sa ayah na nabanggit; ang mga anghel at si Iblis ay napapabilang sa dawalang magkaibang uri. Gayunpaman, mayroong ilan sa mga  scholar ang nagsasabi na si Iblis ay orihinal na kabilang sa mga anghel, ngunit inani niya ang walang hanggang sumpa ni Allah (subhanahu wa ta’ala) nang siya ay sumuway sa utos ni Allaah at nagmatigas sa pagrerebelyon.

Ang tagumpay ay igawad nawa sa atin ni  Allah . Ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa ating Propeta Muhammad, sa kanyang pamilya at mga kasamahan.

~

The Permanent Committee for Scholarly Research and Ifta’
Member Member Deputy Chairman
`Abdullah ibn Mani` `Abdullah ibn Ghudayyan `Abdul-Razzaq `Afify
Advertisements

Ang Pagkain sa Karne ng Kabayo

بسم الله الرحمن الرحيم

Fatwa bilang 927

Tanong: Sa isang lugar kung saan sinasanay ang mga kabayo ay mayroong ilan sa mga kabayong ito ang kinakailangan ng alisin sanhi ng katandaan o kaya naman ay ng depekto sa katawan na siyang nagiging dahilan upang ito ay hindi na maging angkop pa sa pagsasanay. Ang mga kabayong ito ay karaniwan nang pinapatay sa pamamagitan ng pagbaril. Ipinahihintulot po ba ang ganitong gawain o hindi?

Sagot: Ang pagkain sa karne ng kabayo ay pinahihintulutan ayon sa mas kanais-nais na pagkukuro mula kay Imam Ahmad, sa kanyang mga kasamahan, at ng iba pang pantas na sumang-ayon sa kanila. Ito ay naisalaysay sa Dalawang Sahih (mapananaligan) Aklat ng Hadith (i.e. Al-Bukhari at Muslim) mula sa salaysay ni Jabir ibn `Abdullah (radiyallaahu anhu) na nagsabing: Ipinagbawal ng Sugo ni Allaah (salallahu alayhi wa salam) ang pagkain sa karne ng mga inalagaang asno na nagamit sa labanan ng Khaybar at ipinahintulot naman niya ang pagkain sa karne ng kabayo. Naisalaysay rin sa Dalawang Sahih mula kay Asma’ na nagsabing: “Noong nabubuhay pa ang Propeta (salallahu alayhi wa salam), habang kami ay nasa Madinah ay nagkatay kami ng kabayo at ito ay aming kinain. Ayon rin sa isa pang salaysay na mula kay Al-Daraqutny: May isang kabayo na malapit nang mamatay, kaya kinatay namin ito at kinain.

Naiulat sa mapananaligang salaysay na ang karne ng kabayo ay maaaring kainin at ito ay pinahihintulutan. Kung gayon, hindi ipinahihintulot na sila ay barilin maliban na lamang kung hindi sila mapigil habang sila ay kinakatay. Kung wala namang dahilan upang pigilan ang pagkatay , ang kabayo ay kinakailangan katayin sa tamang paraang islamiko at kabilang rito ay ang paghihiga sa hayop sa pinakamadaling paraan at ang pagkatay rito sa hindi marahas na pamamaraan. Kung ang karneng ito ng kinatay na kabayo ay napatunayang ligtas kainin, ito ay maaaring ihain na pagkain sa mga Muslim. Kung tanggihan ito ng tao at ayaw kainin, ito ay maaaring ipakain sa liyon o iba pang hayop sa ilang. Subalit, kung mapatunayan na ang karneng ito ay hindi ligtas kanin, ito ay dapat itapon sa isang lugar na walang makakakuha rito.

Gantimpalaan nawa tayo ni Allah ng tagumpay. Ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa ating Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam), sa kanyang pamilya, at sa kanyang mga Sahabah (radiyallaahu ajmaeen).

********

The Permanent Committee for Scholarly Research and Ifta’
Member Member Deputy Chairman
`Abdullah ibn Mani` `Abdullah ibn Ghudayyan `Abdul-Razzaq `Afif

Pyramid at Networking na Negosyo

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong Bilang: 42579

Ang Standing Committee for Academic Research and Issuing Fatwas ay nakatanggap ng maraming katanungan tungkol sa pyramid marketing companies tulad ng “Business” at “Hibbat al-Jazeerah” na kumpanya, na ang uri ng trabaho ay ang pag-eengganyo sa tao na bumili ng produkto at ang usapan ay manghihikayat rin siya ng ibang tao upang bumili; at bilang kapalit ay gagawin rin nila ito, ang mangumbinse ng iba, at magpapatuloy ang ganitong gawain. Habang dumarami ang bilang ng mga nakikisali sa ganitong gawain, ay mas lalong lalaki ang komisyon na matatanggap ng tao na naunang naengganyo, na umaabot pa sa libong riyal. Ang bawat kasapi ay nangungumbinse ng iba na sumali rito kapalit ng malaking komisyon, kung siya ay magtatagumpay na makahikayat ng bagong kostumer na mapapabilang sa listahan ng mga miyembro. Ito ang tinatawag na pyramid marketing o network marketing.

Sagot: Ang Papuri ay kay Allaah.

Ang Komite ay sumagot:

Ang ganitong uri ng transaksiyon ay haraam, sapagkat ang layunin ng ganitong pakikitungo ay ang makakuha ng komisyon at hindi ang makabili ng produkto. Ang komisyon ay maaaring umabot ng libo-libo, gayong ang produkto ay wala pang ilang daan ang halaga . Ang sinomang matalinong tao na papipiliin sa dalawa ay siguradong ang komisyon ang pipiliin niya. Kung kaya, ang ganitong kumpanya ay umaasa sa pagbibili at pagpapakilala ng kanilang produkto na ang binibigyan ng diin ay ang malaking komisyon na matatanggap ng sinomang sasali, at nag-aalok rin ng malaking kita kapalit ng maliit na halaga, na siyang presyo ng produkto. Ang produkto na ipinagbibili ng ganitong kumpanya ay pantakip lamang nilao paraan lamang nila upang makakuha ng komisyon at kumita. At dahil ang transaksiyon ay nakatuon sa komisyon, ito ay haraam ayon sa sharee’ah batay sa sumusunod na kadahilanan:

1 – Ito ay nagtataglay ng dalawang uri ng riba, riba al-fadl (palitan ng parehong uri ng produkto ngunit magkaiba ng dami) at riba al-nasi’ah (mas malaki ang ibabayad kung ihahambing sa halaga ng dapat ibayad kung ito ay agarang babayaran). Ang kasapi ay magbabayad ng maliit na halaga upang kumita ng malaking halaga ng pera, sa madaling sabi, magbabayad siya upang makakuha ng mas malaking halaga ng pera na ipinagpaliban muna ang pagbabayad. Ito ang uri ng riba na ipinagbabawal ayon sa Qur’an at Sunnah at sa napagkaisahan ng mga Ulamaa. Ang produkto na ipinagbibili ng kumpanya ay pantakip lamang sa ganitong transaksiyon ; hindi ito ang hinahabol ng mga lumalahok at hindi ito nakaaapekto sa patakaran.

2 – Ito ay isang uri ng gharar (hindi malinaw na transaksiyon) na ipinagbabawal sa sharee’ah, dahil hindi alam ng kalahok dito kung siya ba ay magtatagumpay sa paghanap ng itinakdang bilang ng mamimili o hindi. Gaano man kahaba o katagal bago matapos ang pyramid o network marketing , ang katotohanan ay magwawakas rin ito, at kapag ang isang tao ay sumali sa pyramid, hindi niya alam kung siya ba ay mapupunta sa tuktok at kikita ng pera o siya ay sa ibaba ang punta at malulugi. Ang katotohanan rito ay karamihan sa mga miyembro ng pyramid ay nalulugi, maliban doon sa iilan na nasa itaas. Kaya ang karaniwang nangyayari ay ang pagkalugi, na siyang hantungan ng mga transaksiyon na hindi malinaw. Isa sa dalawang bagay ang posibleng mangyari, at kalimitan ay iyong kinatatakutan ang siyang kinahahantungan. Ang Propeta (salallaahu alayhi wa salam) ay ipinagbawal ang mga transaksiyon na hindi maliwanag at ito ay matatagpuan sa salaysay ni Muslim sa kanyang Saheeh.

3 – Ang ganitong transaksiyon ay naglalaman ng walang katarungang pagkamkam sa kayamanan ng tao, dahil ang kontratang ito ay nagbibigay pakinabang doon lamang sa kumpanya at sa iilang kasapi na hinimok ng kumpanya upang lokohin ang iba. Ito ang ipinagbawal sa Qur’aan, kung saan sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala): “O kayong mga matatapat sa inyong paniniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at sa inyong pagsunod sa KanyangSugo na si Muhammad (salallahu alayhi wa salam)! Hindi ipinahintulot sa inyo na lustayin ang yaman ng iba na wala kayong karapatan, maliban na lamang sa kung ito ay nababatay sa batas at legal na pakikipagkalakalan, na may kasunduan sa isa’t isa” [an-Nissa’ 4:29]

4 – Ang ganitong transaksiyon ay may kalakip na panlilinlang, panloloko, at pang-uuto sa tao, sa pamamagitan ng pagpapakita ng produkto na kunwari ay siyang layunin ng transaksiyon, gayong hindi ito ang katotohanan, at sa pamamagitan ng pang-aakit sa kanila sa pagkakaroon ng malaking komisyon na hindi karaniwang kinikita ng tao. Ganito ang uri ng panloloko na ipinagbawal ng sharee’ah. Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi: “Sinoman ang manloko sa amin ay hindi kabilang sa amin.” Isinalaysay ni Muslim sa kanyang Saheeh. At siya (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi: “Ang dalawang mangangalakal ay mayroong mapagpipilian hanggat hindi pa sila naghihiwalay. Kung sila ay tapat at bukas sa kanilang pakikipagkalakalan, ang transaksiyon ay bibiyayaan para sa kanila, ngunit kung sila ay nagsinungaling at may itinago, ang biyaya ng kanilang transaksiyon ay mabubura.” [napagkasunduang hadeeth]. At tungkol naman sa sinasabi na ang ganitong transaksiyon ay katulad lamang ng brokerage, ito ay walang katotohanan. Ang Brokerage ay transaksiyon kung saan ang broker ay tumatanggap ng kabayaran sa pagbibili niya ng produkto, samantalang sa network marketing, ang mga kalahok ay nagbabayad upang maipagbili ang produkto. Ang Brokerage ay nangangahulugan ng pagbebenta ng produkto sa tunay nitong kahulugan, hindi katulad ng network marketing na ang tunay na layunin ay ang maipagbili ang transaksiyon , at hindi ang produkto, kaya ang mga kalahok ay ipagbibili ito sa iba, na ipagbibili naman sa iba, na ipagbibili naman sa iba, hanggang sa magpatuloy-tuloy na, hindi katulad sa brokerage na ang ipinagbibili ng broker ay ang produkto doon sa mga taong may gusto nito. Maliwanag ang pagkakaiba ng dalawa. At tungkol naman sa nagsasabi na ang transaksiyon na ito ay kahalintulad ng isang regalo, ito ay walang katotohanan. Kahit pa tanggapin natin ito, ayon sa sharee’ah, ‘hindi lahat ng regalo ay pinahihintulutan’. Ang regalo na kapalit ng utang ay riba. Kaya si ‘Abd-Allaah ibn Salaam ay nagsabi kay Abu Burdah (radiyallahu anhuma): “Ikaw ay nasa lupain kung saan laganap ang riba sa mga tao. Kung ikaw ay mayroong karapatan sa isang tao at binigyan ka niya ng bunton ng dayami , o bunton ng trigo, o bunton ng kumpayan, ito ay riba.” Isinalaysay ni al-Bukhaari sa kanyang Saheeh. Ang regalo ay napapaloob sa batas ayon sa dahilan kung bakit ito ibinigay. Ang Propeta (salallaahu alayhi wa salam) ay nagsabi, tungkol sa tagakolekta ng zakaat-na lumapit sa kanya at nagsabi: “Ito ay para sa iyo at ito naman ang ibinigay sa akin bilang regalo”: “Bakit hindi ka pumirmi sa bahay ng iyong ama at ina at tingnan mo kung may matatanggap kang regalo o wala?” Napagkasunduang hadeeth. Ang mga komisyon na ito ay ibinibigay lamang upang sumali sa network marketing scheme, kahit ano pang pangalan ang ibigay dito, kahit tawagin pa itong regalo o ano pa man. Hindi nito mababago ang batas tungkol dito.

Mabuti rin na banggitin natin na mayroong mga kumpanya na ngayon ay nasa merkado na sumusunod sa paraan ng network marketing o pyramid marketing, tulad ng “Smartest Way”, “Gold Quest” at “Seven Diamonds”. Ang batas para sa mga kumpanyang ito ay walang ipinagkaiba sa batas na nabanggit sa itaas, kahit pa ang produkto nila ay nagkakaiba-iba.

At si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang Pinanggagalingan ng lakas. Ang salam at salawat ni Allaah ay mapasa kay Propeta Muhammad at sa kanyang pamilya at mga Sahabah.

********

[Standing Committee for Academic Research and Issuing Fatwas. Fatwa no. 22935, dated 14/3/1425 AH]

Da’wah O Pulitika

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Ano ba ang mainam na gawin : ang mag-anyaya patungo sa landas ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ng paglahok sa pulitika o ang pag-aanyaya gamit ang paraan ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam)?

Sagot mula sa Permanent Committee for Scholarly Research and ‘Ifta:

Tungkulin mo na mag-anyaya tungo sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) gamit ang Qur’an, Sunnah at pamamaraan na mismong si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang nagturo sa Kanyang Propeta nang Kanyang sinabi:

Hikayatin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), ikaw at ang sinumang sumunod sa iyo, ang mga tao tungo sa Relihiyon ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at Matuwid Niyang Landas, sa pinakamagandang pamamaraan na ipinahayag ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa iyo sa Aklat at sa ‘Sunnah,’at makipag-usap ka sa mga tao sa pinakawastong pamamahayag, at payuhan mo sila ng pinakamagandang pagpapayo,  [Suran an-Nahl :125]

at:

Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam): “Ito ang aking pamamaraan, na ako ay nag-aanyaya tungo sa pagsamba sa Kaisahan ng Allâh (subhanahu wa ta’ala), na ako ay nakatitiyak sa katibayan mula sa Allâh (Ι), ako at ang sinumang susunod sa akin, at Luwalhati sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) na Napakadakila na malayung-malayo mula sa anumang kanilang sinasamba na itinatambal sa Kanya, at ako ay hindi kabilang sa mga naglalagay ng katambal sa pagsamba sa Kanya.” [Surah Yusuf : 108]

At ipinaliwanag ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ang tamang pagbibigay ng da’wah ng sabihin niya:

– فالأول: عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: “من رأى منكم منكرًا فليغيره بيده ، فإن لم يستطع فبلسانه، فإن لم يستطع فبقلبه وذلك أضعف الإيمان” ((رواه مسلم)).

“Sinoman, mula sa inyo, ang nakakita ng munkar ay pigilan niya ito ng kanyang kamay, at kung hindi niya kaya ay pigilan niya ito gamit ang kanyang bibig, at kung hindi niya kaya ay pigilan niya ito gamit ang kanyang puso, at ito ang pinakamababang antas ng eeman”. [Rawahu Muslim]

Gayon rin naman bago niya ipinadala sa Yemen si Mu’adh ibn Jabal (radiyallahu anhu) ay sinabi niya :

حَدَّثَنَا أَبُو بَكْرِ بْنُ أَبِي شَيْبَةَ، وَأَبُو كُرَيْبٍ وَإِسْحَاقُ بْنُ إِبْرَاهِيمَ جَمِيعًا عَنْ وَكِيعٍ، – قَالَ أَبُو بَكْرٍ حَدَّثَنَا وَكِيعٌ، – عَنْ زَكَرِيَّاءَ بْنِ إِسْحَاقَ، قَالَ حَدَّثَنِي يَحْيَى بْنُ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ صَيْفِيٍّ، عَنْ أَبِي مَعْبَدٍ، عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ، عَنْ مُعَاذِ بْنِ جَبَلٍ، – قَالَ أَبُو بَكْرٍ رُبَّمَا قَالَ وَكِيعٌ عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ، أَنَّ مُعَاذًا، – قَالَ بَعَثَنِي رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ ” إِنَّكَ تَأْتِي قَوْمًا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ . فَادْعُهُمْ إِلَى شَهَادَةِ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ وَأَنِّي رَسُولُ اللَّهِ فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لِذَلِكَ فَأَعْلِمْهُمْ أَنَّ اللَّهَ افْتَرَضَ عَلَيْهِمْ خَمْسَ صَلَوَاتٍ فِي كُلِّ يَوْمٍ وَلَيْلَةٍ فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لِذَلِكَ فَأَعْلِمْهُمْ أَنَّ اللَّهَ افْتَرَضَ عَلَيْهِمْ صَدَقَةً تُؤْخَذُ مِنْ أَغْنِيَائِهِمْ فَتُرَدُّ فِي فُقَرَائِهِمْ فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لِذَلِكَ فَإِيَّاكَ وَكَرَائِمَ أَمْوَالِهِمْ وَاتَّقِ دَعْوَةَ الْمَظْلُومِ فَإِنَّهُ لَيْسَ بَيْنَهَا وَبَيْنَ اللَّهِ حِجَابٌ ” .

Matatagpuan mo ang iyong sarili sa piling ng mga hindi mananampalataya (Ahlul Kitab), una ay anyayahan mo sila sa Kaisahan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) Tawheed, at pagsaksi na ako (Muhammad salallahu alayhi wa salam) ay Sugo ni Allaah ; at kapag tinanggap nila ito, sabihin mo na nagtakda si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ng limang beses na pagdarasal sa araw at gabi; at kapag tinanggap nila ito, sabihin mo na ang Zakat ay ginawang obligado para sa mayayaman upang maipamahagi sa mga mahihirap; at kapag sumang-ayon sila, huwag kang mamili ng pinakamainam mula sa kanilang kayamanan. Mag-ingat kayo mula sa panalangin ng isang naaapi sapagkat walang lambong/harang sa pagitan niya at ng kanyang Tagapaglikha/Allaah (subhanahu wa ta’ala).
[Al-Bukhari at Muslim]

Sa Hadith na isinalaysay ni Sahl ibn Sa’d (radiyallahu anhu) , sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) kay Ali (radiyallahu anhu) nang ibigay niya ang utos sa Labanan sa Khaybar:

حَدَّثَنَا قُتَيْبَةُ بْنُ سَعِيدٍ، حَدَّثَنَا عَبْدُ الْعَزِيزِ، – يَعْنِي ابْنَ أَبِي حَازِمٍ – عَنْ أَبِي، حَازِمٍ عَنْ سَهْلٍ، ح وَحَدَّثَنَا قُتَيْبَةُ بْنُ سَعِيدٍ، – وَاللَّفْظُ هَذَا – حَدَّثَنَا يَعْقُوبُ، – يَعْنِي ابْنَ عَبْدِ الرَّحْمَنِ – عَنْ أَبِي حَازِمٍ، أَخْبَرَنِي سَهْلُ بْنُ سَعْدٍ، أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ يَوْمَ خَيْبَرَ ” لأُعْطِيَنَّ هَذِهِ الرَّايَةَ رَجُلاً يَفْتَحُ اللَّهُ عَلَى يَدَيْهِ يُحِبُّ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيُحِبُّهُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ ” . قَالَ فَبَاتَ النَّاسُ يَدُوكُونَ لَيْلَتَهُمْ أَيُّهُمْ يُعْطَاهَا – قَالَ – فَلَمَّا أَصْبَحَ النَّاسُ غَدَوْا عَلَى رَسُولِ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم كُلُّهُمْ يَرْجُونَ أَنْ يُعْطَاهَا فَقَالَ ” أَيْنَ عَلِيُّ بْنُ أَبِي طَالِبٍ ” . فَقَالُوا هُوَ يَا رَسُولَ اللَّهِ يَشْتَكِي عَيْنَيْهِ – قَالَ – فَأَرْسَلُوا إِلَيْهِ فَأُتِيَ بِهِ فَبَصَقَ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم فِي عَيْنَيْهِ وَدَعَا لَهُ فَبَرَأَ حَتَّى كَأَنْ لَمْ يَكُنْ بِهِ وَجَعٌ فَأَعْطَاهُ الرَّايَةَ فَقَالَ عَلِيٌّ يَا رَسُولَ اللَّهِ أُقَاتِلُهُمْ حَتَّى يَكُونُوا مِثْلَنَا . فَقَالَ ” انْفُذْ عَلَى رِسْلِكَ حَتَّى تَنْزِلَ بِسَاحَتِهِمْ ثُمَّ ادْعُهُمْ إِلَى الإِسْلاَمِ وَأَخْبِرْهُمْ بِمَا يَجِبُ عَلَيْهِمْ مِنْ حَقِّ اللَّهِ فِيهِ فَوَاللَّهِ لأَنْ يَهْدِيَ اللَّهُ بِكَ رَجُلاً وَاحِدًا خَيْرٌ لَكَ مِنْ أَنْ يَكُونَ لَكَ حُمْرُ …

Sumulong kayo hanggang marating ninyo ang kanilang teritoryo ; pagkatapos, anyayahan ninyo sila sa Islam at ipaalam ninyo sa kanila kung ano ang obligasyon nila mula sa mga Karapatan ni Allah (subhanahu wa ta’ala) , sapagka’t sumpa man kay Allaah! Kapag mayroong isang tao na ginabayan si Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ninyo, ito ay higit na mas mainam kumpara sa pagmamay-ari ninyo ng pulang kamelyo. [Al-Bukhari at Muslim]

Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagpadala ng sugo sa mga Hari sa kalapit na kaharian upang imbitahan sila na yumakap sa Islaam at utusan na si Allaah (subhanahu wa ta’ala) lamang ang nararapat sambahin. Binanggit niya sa mga tao /Ahlul Kitab:

“Halina sa makatarungan at makatotohanang salita, at tayong lahat ay sumunod at manatili rito (sa makatarungan at makatotohanang salita na ito): ito ay ang pagturing natin sa pagiging bukod-tangi ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa pagsamba sa Kanya, na hindi tayo gagawa ng anumang pagtatambal sa Kanya, na tulad ng mga imahen, rebulto o di kaya ay krusipiho o anumang uri ng sinasamba bukod sa Kanya; at hindi tayo susunod sa ibang batas o kagustuhan ng sinuman sa atin maliban sa kautusan ng Allâh (subhanahu wa ta’ala).” [Surah Al-Imran :64]

Pinangakuan niya sila ng dalawang ulit na gantimpala kung sila ay tutugon sa kanyang panawagan at nagbanta siya ng hindi magandang wakas ng kanilang mga kasalanan at nang kasalanan ng kanilang lipunan kung sila ay tatangggi sa kanyang ipinag-aanyaya. Karagdagan pa, siya (Propeta salallahu alayhi wa salam) ay nag-anyaya sa Islam sa pamamagitan ng kanyang kilos at pag-uugali. Siya ang pinakaperpektong halimbawa ng Tawheed at ng pagsamba. Siya ang may pinakamataas na moral ayon sa kanyang talambuhay pagdating sa pakikisalamuha sa tao, kung saan hindi siya nabagot o naghiganti kailanman kung ang sala ay sa kanyang sarili, ngunit siya ay nagagalit kapag ang Karapatan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang nilabag. Siya ay katulad ng pagkakalarawan sa kanya ni Allaah(subhanahu wa ta’ala) sa Qur’an:

…at siya ay maawain, ubod ng buti at mapagmahal sa mga mananampalataya. [Surah at-Tawbah :128]

at:

At katiyakang ikaw, O Muhammad, ay nasa pinakadakilang pag-uugali [Surah al-Qalam : 4]

Kalakip ng kanyang mga paliwanag sa paraan ng pagbibigay ng Da’wah, ito ang pamamaraan ng isang nagabayan , matalino at may awa na nagmula mismo kay Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam). Ang mga Du’at ng bawat grupo sa Islam ay ito ang nararapat na gayahin at sundin; ang pamamaraan na may karunungan at pantay na pangangaral at mahusay na pakikipagtalastasan , ang kausapin ang bawat isa ayon sa kayang estado at sa paraan na mauunawaan niya, marahil ay igagawad ni Allaah (subahanhu wa ta’ala) ang tagumpay sa pamamagitan ng Du’at na ito. Maaaring ituon Niya ang palaso sa puso ng mga kaaway .Sapagkat Siya ang tanging Nag-iisang tumutugon sa ating mga Panalangin.

********
Permanent Committee for Scholarly Research and ‘Ifta