Jamaa`at ut-Tabligh

بسم الله الرحمن الرحيم

ANG KHURUJ NG SEKTANG TABLIGH

Tinanong si Shaykh Saalih Ibn Fowzaan al-Fowzaan [hafidhahullaah] tungkol sa paglalakbay upang magbigay ng dawah gayong hindi naman nakapag-aral o naghanap ng kaalaman ang mga taong ito. Inuudyukan nila ang mga tao at nagsasalita sila ng mga kakaiba tulad ng pagpapatibay na kung sinoman ang maglakbay para sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) upang mag dawah , kung gayon ay tutulungan sila ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ng “inspirasyon/rebelasyon” at naniniwala sila na ang pagkakaroon ng kaalaman ay hindi kabilang sa mga kondisyon ng pagda-dawah.

Hindi po ba ito sumasalungat sa dawah ni Shaykh Muhammed Ibn Abdul-Wahhaab?

SAGOT: Ang paglabas at pagtahak tungo sa Landas Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay hindi katulad ng kung ano ang isinasagawa ng mga tao sa ngayon. Ang paglabas upang tumahak sa Landas ni Allaah (subhanahuwa ta’ala) (sa tunay nitong kahulugan) ay ang paglabas upang makipaglaban. Tungkol naman sa ginagawa nilang paglabas ngayon/khuruj, ito ay isang imbentong gawain na HINDI NABANGGIT NG KAHIT SINONG SALAF.

At ang paglabas upang mag-anyaya para kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay WALANG PARTIKULAR NA BILANG NG ARAW sa halip ang pag-aanyaya tungo sa Landas ni Allaah ay dapat ibatay sa pagkakataon at kakayahan, na hindi tinutukoy kung sinong grupo ang dapat lumabas at kung 40 araw o higit o mas kaunting bilang ng araw..

At kinakailangan rin na ang mag-aanyaya ay MAYROONG KAALAMAN. Hindi pinahihintulutan na mag-anyaya ka tungo sa Landas ni Allah kung ikaw ay IGNORANTE/WALANG ALAM.

Sinabi ni Allaah (Subhaanahu wa-Ta’Aala) :

{Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam): “Ito ang aking pamamaraan, na ako ay nag-aanyaya tungo sa pagsamba sa Kaisahan ng Allâh (subhanahu wa ta’ala), na ako ay nakatitiyak at may matibay na kaalaman }, [Soorah Yoosuf, Aayah 108].

i.e. (matibay) kaalaman, sapagkat kinakailangan sa isang nag-aanyaya na alam niya ang kanyang ipinag-aanyaya at kung ito ba ay : waajib (sapilitan), mustahab (inirekomenda), muharram (hindi pinahihintulutan) and makrooh (inaayawan) at dapat rin na alam niya kung ano ang shirk, kasalanan, kufr (hindi paniniwala), fisq (pagsuway) at ang ibat-ibang antas at kaasalan kung kailan dapat ipagbawal at kailan dapat pigilan.

At ang paglabas habang abala sa paghahanap ng kaalaman ay hindi nababagay dahil ang paghahanap ng kaalaman ay isang obligasyon at hindi ito matatamo maliban na mag-aral/pag-aralan at ang paglabas na ito ay kabilang sa gawaing kamangmangan ng mga ligaw na Soofees dahil ang anomang kilos/paggawa na walang kasamang kaalaman ay sa pagkaligaw hahantong.

********

The Sayings of the Scholars on Jamaa’at ut-Tableegh
Author: Shaikh Rabee’ bin Haadee al-Madkhalee
Source: Trans. Abu Abdullaah
Article ID : GRV020003 [1]
Advertisements