Karaniwang gawain na nagpapakita ng pagmamalabis sa relihiyon (Ghuluww) : SUJADA

بسم الله الرحمن الرحيم

Sa ngalan ni Allaah, Ang Mapagpala, Ang Maawain

Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na ang pinatutungkulan ay ang mga Hudyo at Kristiyano na mayroong matinding babala na kinakailangan ring sundin ng mga Muslim at mamuhay ng naaayon rito

يا أهل الكتاب لا تغلوا في دينكم

“O kayong mga pinagkaloobanng ‘Injeel at Torah!’ Huwag kayongmagmalabis sa inyong relihiyon,!” [Surah An-Nissa :171]

At ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi:

إياكم والغلو فإنما أهلك من كان قبلكم الغلو

“Mag-ingat kayo laban sa ghuluww (pagmamalabis sa relihiyon), sapagkat ang ghuluww ang siyang dahilan ng pagkapahamak ng mga nauna sa inyo” [Tinipon nina Ahmad (1/215), an-Nasaa’ee, Ibn Maajah, atbp. Si Al-Haakim (1/466) ay idineklara itong saheeh (authentic) ayon sa kondisyon nina al-Bukhaaree at Muslim. See: Silsilat al-Ahaadeeth as-Saheehah (#1283).]

Upang masunod ang utos na ito ng Propeta (salallahu alayhi wa salam), ang akda na ito ay isang naseeha tungkol sa pagmamalabis sa relihiyon na karaniwang nagagawa ng mga Muslim , upang maging maingat tayo at makapagbigay babala sa iba pa, inshallah!

ANG LABIS NA PAGKAGUSTO/PAGMAMAHAL SA CARPET NA DASALAN

Ang salaysay na matatagpuan sa Saheeh al-Bukhaaree at sa iba pa na naglalarawan sa Propeta (salallahu alayhi wa salam) na nagdasal sa khumrah [maliit na banig] at haseer [malaking banig] ay nagpapakita ng pagpapahintulot na magsalah/magdasal sa iba bukod pa sa lupa lamang. Ang ilan sa mga ulaama ay nagsasabi na ang salah ay sa lupa lamang maaaring isagawa (walang isasapin na kahit ano), kaya ang salaysay na ito ay taliwas sa kanilang opinyon. Wala silang naipakita na daleel/katibayan para doon sa mga tao na nagtuturing sa kanilang mga kilos o gawa bilang bahagi ng Relihiyon, dahil hindi naman ito itinuring ng mga Sahaba bilang usaping pangrelihiyon. Sa halip, ay nauunawaan nila na ito ay pinahihintulutan, kung kaya ang pagdarasal sa banig, sapin ng higaan, damit atbp. sa tuwing ito ay kinakailangan tulad ng kapag sobrang mainit ang sikat ng araw ay maaaring gumamit ng sapin upang maproteksiyunan ang sarili mula sa pagkapaso sa lupa na pagpapatirapaan.

Dagdag pa rito, sinabi ng mga ulaama na mas mainam sa isang tao ang magdasal na diretso ang pagpapatirapa sa lupa kung kaya rin lamang niya. Si Shaykul Islam ibn Taymiyyah (rahimahullah) ay nagsabi:

Ang mga ahaadeeth at aathaar (salaysay mula sa Propeta salallahu alayhi wa salam, at mga Sahaba) na mas ninanais nila na diretsong idikit ang kanilang mga noo sa lupa kung kaya rin lamang nila, at kung kinakailangan, tulad ng napakainit na panahon atbp, ay magsasalah sila na mayroong nakapagitan sa kanila at sa lupa, gamit ang kung anoman na mayroon sila: bahagi ng damit, turban, o sumbrero… [Majmoo’ al-Fataawee (22/172)]]

Gayunpaman, kung mayroon pa ring tao na magpupumilit na ang mga salaysay na ito ay nagpapatunay ng pagpapahintulot at pag-uutos na magsalah sa tinatawag natin ngayon na ‘sujada’ o banig dasalan, kung gayon ay tingnan uli natin ang sagot ni Shaykh al-Islaam (rahimahullaah) na sumagot sa ganitong argumento sa maraming punto :

[1] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay hindi palagiang nagsalah gamit ang sujada sa halip ay ginamit lamang niya ito sa piling pagkakataon, at may kadahilanan, katulad ng matinding init atbp. [Isang kabalintunaan doon sa mga ginagamit ito at itinuturing na na ‘dasalan’ sa lahat ng pagkakataon].

[2] Ang ginamit ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) na sapin ay maliit lamang, sapat lamang sa pagpapatirapa o malaki ng kaunti, hindi katulad ng sujada ngayon na buong katawan na ng tao ang kasya rito.

[3] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay hindi nagsalah gamit ang sujada na ang iniisip ay upang makaiwas sa najaasah (impurities), o upang makasiguro na malinis ang kanyang pagpapatirapaan, katulad ng mga gumagamit nito ngayon sa tuwina at hindi makapagsalah kung wala nito.

[4] Ito ay hindi ipinag-utos ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) sa kanyang mga Sahaba, kung kaya sila ay diretsong nagsasalah sa lupa. Kaya kung ang paggamit nito ay mustahabb o di kaya naman ay “Sunnah” , ay dapat na ang mga Sahaba ang naunang gumawa nito.

[5] Ang masjid ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay may bahaging lupa, at bagaman siya ay may kakayahan at pagkakataon na kumuha ng banig, sapin, atbp na nabanggit sa salaysay, ay hindi naman ito dinala ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) sa masjid upang gamitin sa pagsasalah. [Buod mula sa Majmoo’ al-Fataawee (22/175-179)]

Bilang karagdagan:

[6] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay hindi nagpatong-patong ng mga sapin na tulad ng ginagawa ng mga panatiko sa “prayer rug” ngayon, pinapatungan nila ng sujada ang carpet o kaya ay sapin sa ibabaw ng carpet.

[7] Ang ginamit niya ay walang larawan ng Ka’bah, ibang masjid, makulay na disenyo, Pangalan ni Allaah, atbp sa sapin o banig na kanyang ginamit minsan, kabaliktaran sa mga panatiko sa sujada na ang lahat ng ito ay mayroon sila. Sa halip, inaalis ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ang anomang makakatawag ng kanyang pansin na mayroon sa kanyang pagdarasalan, katulad ng pagsasauli niya ng damit na mayroong marka upang huwag makatawag pansin at makaagaw ng atensiyon sa kanyang pagsasalah, at naiuat rin na si Ibn ‘Umar (radiyallahu anhu) ay inalis ang anomang nakakatawag pansin tulad ng espada at mus-haf mula sa sa direksyon ng qiblah sa masjid.

[8] Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay walang pagmamataas upang hindi siya magpatirapa at ilapat ang kanyang mukha sa lupa na walang sapin, dahil siya ay nagpapatirapa sa lupa kahit pa maiwan sa kanyang noo ang putik mula sa basang lupa na ito. Ang mga panatiko ng ‘sujada’ ay hindi maaatim na gumawa ng ganito.

Ang ibang Muslim sa ngayon ay maaaring ipagpaliban ang kanilang salah dahil maghahanap muna sila ng sujada, samantalang ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagdeklara na ang buong kalupaan, buong mundo ay lugar ng kalinisan at ng pagsasalah..

Magbabayad rin sila ng malaking halaga (ang mga panatiko) para lamang sa sujada na imported dahil iniisip nila na ito ay mayroong pakinabang at may kaugnayan sa eeman ng tao.

********
[Moosaa Richardson -ST Archives – Originally published: 06-26-2005]
Advertisements

Karaniwang Gawain ng Pagmamalabis: Ang Grandeng Aqeeqah

Sa Ngalan ng Allaah, ang Pinaka Mahabagin…

Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) , na tumutukoy sa mga Hudyo at Kristyano na mayroong mahigpit na babala para sa mga Muslim upang ito ay kanilang sundin at isabuhay:

يا أهل الكتاب لا تغلوا في دينكم
“O kayong mga pinagkalooban ng ‘Injeel!’ Huwag kayong magmalabis sa inyong relihiyon!” [Soorah an-Nisaa’ (4:171)]

Ang Propeta (salallaahu alayhi wa salam) ay nagsabi:

إياكم والغلو فإنما أهلك من كان قبلكم الغلو
“Mag-ingat kayo laban sa ghuluww (pagmamalabis sa relihiyon), sapagkat ito ang naging dahilan ng pagkawasak ng mga nauna sa inyo!”
[Tinipon nina Ahmad (1/215), an-Nasaa’ee, Ibn Maajah, atbp. Si Al-Haakim (1/466) ay idineklara itong saheeh (mapananaligan) ayon sa mga kundisyon nina al-Bukhaaree at Muslim. Basahin sa : Silsilat al-Ahaadeeth as-Saheehah (#1283).

Upang maisakatuparan ang utos na ito ng Propeta (salallahu alayhi wa salam), ito ay ilan sa mga payo bilang kapatid sa Islaam na tumatalakay sa pang araw-araw na pagmamalabis sa relihiyon na nagagawa ng isang Muslim, upang mabantayan natin ang ating mga sarili at mabigyang babala na rin ang iba pa nating kapatid.

Ang Labis na Paghahanda Para sa ‘Aqeeqah

Ang ‘aqeeqah ay kapag ang isang Muslim na ama ay nagkatay ng dalawang tupa matapos na biyayaan siya ng sanggol na anak na lalaki, o isang tupa naman kung babae ang kanyang anak. Ito ay ipinapayong gawin , at para sa ibang Ulamaa, ito ay isang obligadong gawain . [basahin sa link na ito kung bakit karamihan ng mga Ulamaa ay nagsasabi na ito ay ipinapayong gawin
[http://www.bakkah.net/en/ruling-aqeeqah-obligation-recommended-sunnah.htm] Ito ay mainam na gawin sa ika-pitong araw matapos ang pagkasilang sa sanggol.

Ang Sunnah na ito ay naisasakatuparan kapag nakapagkatay na ng tupa. Ang mga karaniwang Muslim ay inihahanda bilang pagkain ang kinatay na tupa, na daragdagan pa nila ng salad, iba pang putahe, minatamis, atbp. na sa pagkakamli nila ay tinatawag nilang ‘aqeeqah. Tandaan– ang ‘aqeeqah ay ang pagkakatay at hindi ang mga pangyayari pagkatapos nito.

Dahil naging pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng maraming handa kasama ng karne na mula sa ‘aqeeqah na siyang ipapakain sa maraming bisita, iniisip ng ibang tao na ito ang tanging paraan kung paano isagawa ang ‘aqeeqah. At bilang resulta, makakakita ka ng tao na may kakayahan na maghandog ng kakatayin subalit ipinagpapaliban niya ito dahil wala pa siyang panggastos sa malaking handaan, o sa iba pang pagkakagastusan na may kinalaman sa maraming panauhin na iimbitahin.

Tunay na Makabagong Tanda ng Ghuluww

Hindi na nakapagtataka kung makakita ka ng lalaki na hindi nagsagawa ng ‘aqeeqah para sa ilan niyang anak, dahil hinihintay niya ang panahon na magkakaroon siya ng maraming pera at pinaplano niyang magkatay ng maraming tupa. Pinahihirapan niya ang kanyang sarili, pinipigilan niya ang kanyang sarili na isagawa ang isang simple ngunit importanteng gawain sa kanyang madali at praktikal na relihiyon.

Ang Solusyon

Kung ikaw ay sapat lamang ang pera na pambili mo ng tupa na kakatayin ( o dalawang tupa), ay isagawa mo na ang simpleng ‘aqeeqah (ang pagkakatay), at itabi mo ang karne upang makain ng iyong pamilya. Maaari mong itabi sa freezer ang karne, o di kaya ay ibigay mo sa iyong kapitbahay at kapamilya.

Maging makatotoo ka, mabuhay ka sa kung anong pinansyal na antas ka nabibilang, at huwag mong pahirapan ang iyong sarili o ang iyong pamilya sa pamamagitan ng hindi kinakailangang pagpapakahirap, maging pinansyal man ito o iba pang bagay.

At si Allaah ang Higit na Nakakaalam.

Isinulat ni: Moosaa Richardson

bakkah.net