Ramadhan Mubarak at Hindi Ramadhan Kareem

بسم الله الرحمن الرحيم

Sinabi ni Shaykh Uthaymin (nawa’y kaawaan sya ng Allaah):

Ang hukum hinggil dito, Ang katagang Ramadaan Kareem ay hindi tama, ang tanging kataga na nararapat sabihin ay Ramadan Mubarak o di kaya anumang tulad nito dahil ang Ramadaan ay hindi sya ang nagbibigay upang tawaging masagana sa halip ay ang Allaah, ang Kataas-taasan ang naglagay ng kabutihan dito at ginawang banal na buwan upang maging ganap ang pagtupad sa pag-aayuno, isa sa haligi ng islaam.

~

 Sinipi mula sa : Saying Ramadan Kareem explained by Shaykh Uthamin (rahimahullaah)
Masjid Tawheed wa Sunnah
Advertisements

Ang Ibat-ibang Uri ng Paninirang Puri

بسم الله الرحمن الرحيم

Mayroon tayong matatagpuan mula sa mga tao na naninirang-puri depende sa umpukan na kanyang kinabibilangan at kung sino ang kanyang mga kasama at sino ang kanyang mga kausap. Gayong batid niya na ang taong pinag-uusapan ay malaya sa kanilang sinasabi – o sa ibang bagay na ipinupula nila sa kanya. Gayunpaman; batid niya na kung pagbabawalan niya sila sa kanilang ginagawa ay maaaring ikainis nila ito sa kanya at tuluyan na siyang layuan. Kung kaya, sinisiguro niya na siya ay nakikisama ng mabuti sa mga taong kanyang kaumpukan at kung sila ay magagalit, siya ay magagalit rin – ang anumang gawin nila ay kanya lamang ginagaya.

At mayroon rin naman na ang paninirang-puri ay sa pamamagitan ng maraming  pamamaraan.  Mayroong pagkakataon na ito ay sa pamamagitan ng Relihiyon and pagtutuwid, kaya’t sasabihin niya: ‘Hindi ko ugali ang bumanggit ng tao maliban sa mabuting paraan; at hindi ko rin gusto ang paninirang-puri o ang pagsisinungaling. Gayunpaman ay kailangan kong sabihin sa inyo ang kanyang mga ginagawa.’ Kaya’t sasabihin niya: ‘Sumpa man kay  Allaah – siya ay  Miskeen (mahina/nakakaawa) – o siya ay mabuting tao; subalit siya ay ganito at ganiyan.’ O maaari rin niyang sabihin na : ‘pabayaan na natin siya; patawarin siya at tayo  Allaah (subhanahu wa ta’ala).’ Gayong ang kaniyang layunin ay ang maliitin ang taong pinag-uusapan at ang makagawa ng kamalian sa taong ito.  Ganito ang paninirang puri na ginagamit nilang dahilan ay ang pagtutuwid at ang Relihiyon. Nais nilang linlangin si  Allaah (subhanahu wa ta’ala) kasabay ng panlilinlang nila sa mga nilikha. At ito ay ating nasaksihan kasama ng ibat-ibang anyo ng paninirang puri.

At mayroon rin namang walang ibang pupurihin kundi ang kanyang sarili bilang pagyayabang – at pagpapakitang-tao. Kaya’t sasabihin niya: ‘Kung ipinag-du’a ko si fulan o fulana sa aking panalangin kagabi; sana ay mayroon ganito at ganiyan mula sa kanya.’ Itinataas niya ang kanyang sarili habang ibinababa naman niya ang tao na naniniwala sa kanyang kakayahan. Maaari rin naman niyang sabihin na : ‘si fulan o fulana ay mahina ang pang-intindi at kakaunti ang pang-unawa.’ Na ang layunin niya rito ay purihin ang kanyang sarili at ipakita na alam niya kung ano ang katangian ng iba – na siya ay nakahihigit sa kanila.

At mayroon rin sa kanila na nadadala ng inggit kung kaya sila ay naninirang-puri; kaya’t dalawang hindi magandang bagay ang kanyang tinataglay: ang paninirang-puri at ang inggit. At kung mayroong tao na pinupuri, sinisubukan niyang alison ang papuri na ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga kahinaan ng taong ito na gamit ay ang Rellihiyon at ang pagtutuwid.– o sa anyo ng inggit at imoralidad at pagpula – upang maalis niya mula sa taong pinupuri ang mga papuri.
At mayroon rin namang ginagawa lamang laro ang paninirang-puri at panlalait; upang magdulot ito ng katatawananan sa iba sa pamamagitan ng pagbibiro at panggagaya at pagmamaliit sa tao.

Mayroon rin naman na ang paninirang-puri ay dinadaan sa pagkamangha; kaya’t sasabihin niya : ‘Namamangha ako kay fulan o fulana na nagawa niya ang ganito at ganiyan.’ Kaya nabanggit niya ang pangalan ng kanyang tinutukoy dala ng kanyang pagkamangha.

Mayroon rin sa kanila na nagpapakita ng kalungkutan; kaya’t sasabihin niya : ‘si fulan at fulana ay mahina/nakakaawa/miskeen, nalulungkot ako sa nangyari sa kanya at sa kanyang kinahantungan.’ Kaya ang makakarinig sa sinabi niyang ito ay mag-aakala na tunny nag na siya ay nalulungkot para sa taong nabanggit at ang kanyang puso ay nagnanais ng mabuti at ng paggaling ng taong ito; at kung maaari ay idadagdag niya ang kung among kabutihan ang mayroon siyang taglay. Maaari rin naman na banggitin niya ang mga kahinaan ng taong ito sa harapan ng mga kaaway niya upang mapakinabangan nila ang impormasyon na ito. Ito at ang iba pang malalaking karamdaman ng puso ang napapabilang sa ginagawa ng tao kabilang na ang panlilinlang kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang mga nilikha.

At kabilang rin sa kanila na harapan ang paninirang puri sa pamamagitan ng gal it at hindi pagsang-ayon sa hindi katanggap-tanggap. At isa sa palatandaan into  ay may kalakip na mabulaklak na mga salita na nagtataglay ng kasinungalingan. Gayong ang kanyang intensiyon ay taliwas sa kung ano ang kanyang ipinakikita.

At ang tulong ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay ang ating hinihiling.

~

Shaykh ul-Islaam Ibn Taymiyyah (rahimahullaah)
Majmoo’ al-fataawaa Shaikh ul Islaam Ibn Taymiyyah vol 28 pages 236-238
isinalin ni :  Aboo Haatim Muhammad Farooq

Ang ‘Masturbation’! – Imaam Muhammad Naasir-ud-Deen Al-Albaanee (rahimahullaah)

بسم الله الرحمن الرحيم

[56] Tanong: Ano po ang batas tungkol sa masturbation?

Sagot: Wala tayong pag-aalinlangan patungkol sa paging haram ng ganitong gawain. At ito ay sa dalawang kadahilanan, una ay ang sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) bilang paglalarawan sa mga mananampalataya:

“Katiyakan! nagtagumpay ang mga naniniwala sa Allaah (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang Sugo na sumunod sa Kanyang batas. Na ang kanilang katangian ay sila sa kanilang pagsasagawa ng ‘Salah’ ay punong-puno ng pagkatakot, na ganap na dalisay sa kanilang mga kalooban at ganap na kapanatagan sa kanilang pagkatao. At ang mga yaon na iniiwasan nila lahat ng mga walang kabuluhan na salita at gawa. At ang mga yaon na nililinis ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga kayamanan sa pagpapatupad ng pagbibigay ng ‘Zakah’ ( o obligadong kawanggawa ayon sa iba’t-ibang uri nito). At ang mga yaon na inaalagaan nila ang mga pribadong bahagi ng kanilang katawan mula sa anumang ipinagbabawal ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na katulad ng pangangalunya at iba pang mahahalay na gawain. Maliban sa kanilang mga asawa o di kaya ay sa kanilang mga alipin na kababaihan ; dahil hindi ipinagbabawal sa kanila ang makipagtalik sa kanila at pasayahin sila ; dahil ang Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay ipinahintulot ito sa kanila. Na kung kaya, sinuman ang maghahangad ng kaligayahan na hindi sa pamamagitan ng kaniyang asawa at alipin na babae ay kabilang siya sa mga lumampas sa ipinahintulot ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) tungo sa Kanyang  ipinagbawal at inilagay niya ang kanyang sarili sa kaparusahan ni Allaah at sa Kanyang Poot. At ang mga yaong inaalagaan nila ang anumang ipinagkatiwala sa kanila at tinutupad nila ang kanilang anumang  pangako. ” [Surah Al-Mu’minoon: 1-8]

Ang ayah na ito ay ginamit ni Imaam Ash-Shaafi’ee (rahimahullaah) bilang patunay sa pagiging haram ng masturbation. Ito ay dahil sa ayah na ito, si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ay nagtakda ng dalawang paraan para sa mga tunay na mananampalataya kung paano nila matutugunan ang kanilang pagnanasa– ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagpapakasal sa malayang kababaihan o sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga alipin na kababaihan at mga babaeng bihag mula sa digmaan. At pagkatapos ay sinabi NiysaThen : ” sinuman ang maghahangad ng kaligayahan na hindi sa pamamagitan ng kaniyang asawa at alipin na babae ay kabilang siya sa mga lumampas sa ipinahintulot ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) tungo sa Kanyang ipinagbawal at inilagay niya ang kanyang sarili sa kaparusahan ni Allaah at sa Kanyang Poot” ibig sabihin: Sinuman ang maghanap ng paraan upang mairaos ang kanyang pagnanasa , na bukod sa dalawang paraan na ito; ang pagpapakasal at ang pagkuha ng aliping babae mula sa digmaan , kung gayon ay siya ang mapagmalabis at mapaggawa ng kamalian.

At tungkol naman sa pangalawang dahilan, napatunayan sa medisina na ang gawaing ito ay mayroong hindi magandang epekto sa kalusugan ng sinumang gumagawa nito, lalo na soon sa palagian itong ginagawa araw at gabi. Naiulat mula sa Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) na kanyang sinabi: ”Huwag kayong manakit at huwag kayong masaktan.” Kung kay, hindi ipinahihintulot sa isang Muslim ang mapasali sa anumang gawain na magdudulot ng hindi maganda sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.

Mayroon pang isang bagay na kailangan malaman ng mga tao , na ang mga taong gumagawa ng ganito ay napapabilang sa sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“Inaayawan ninyo ang biyaya ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) na Kanyang pinili para sa inyo?” [Surah Al-Baqarah: 61]

At mayroon ring naiulat mula sa  Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) na siyang makapagpapatibay ng pagbabawal ng gawking ito ng kanyang sinabi:

“O kayong grupo ng kabataang kalalakihan! Sinuman sa inyo ang mayroong kakayahan na magpakasal ay hayaan siya na magpakasal, katotohanan na ito ang pinakamabisang paraan ng pagbababa ng paningin at ang pinakamabisang paraan ng pangangalaga sa inyong pribadong bahagi ng katawan. At sinuman ang walang kakayahan na magpakasal, siya ay mag ayuno, katotohanan na siya ay bibigyang proteksiyon nito .”

~

Al-Asaalah Magazine (Issue #3)|Al-Ibaanah.com

Ang Paglikas Patungo sa Lupain ng mga Muslim- Shaykh Fawzaan (hafidhahullaah)

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Ang isang Muslim po ba ay dapat na lumikas patungo sa isang bansa ng mga Muslim gayong ang ipinahihintulot sa bansang ito ay ang pamamalagi lamang ng may nakatakdang panahon ?

Sagot: Kung ang batas ay nakasasagabal upang makalikas ang isang Muslim, kung gayon ay wala siyang pananagutan sa bagay na ito at mananatili siyang walang pananagutan hanggang sa mawala na ang balakid. Kinakailangan na magpatuloy siya sa pagsubok na makapag-Hijrah hanggang sa ibigay sa kanya ang pahintulot. Patuloy siyang magsubok na makalikas patungo sa lupain ng mga Muslim. Hindi siya maaaring nakaupo lamang at tatahi-tahimik. Kailangan ay subukan niya.

 ~

 mula sa :

Sunnah O Kultura

بسم الله الرحمن الرحيم

Ang sumusunod ay maikling pagbubuod na kinuha mula sa alalbany.ws

Tanong: Barakallahu feek, ano po ang pamantayan ayon sa Islamikong pagsasabatas sa pagkilala kung ano ang Sunnah na maituturing na kultura, at ano ang Sunnah na itinuturing na ibadah o pagsamba?

Shaykh Albani: Ang pamantayan ay nangangailangan ng antas ng kaalaman sa isang tao na nagnanais na makilala kung ano ang ipinagkaiba ng Sunnah na pagsamba at Sunnah na kultura. At naisalaysay na mayroong mga gawain ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) na nagmula mismo sa kanya at ginawa niya ito sa pagnanais niya na mas mapalapit kay Allah (subhanahu wa ta’ala); ito ang tinatawag na Sunnah ibadah/ pagsamba.

Ang kabaliktaran nito ay ang kategorya na nagsalaysay rin ng gawain ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) at ang tanging masasabi natin ay ang mga gawain na ito ay walang batas sa pagsamba, sa halip, ang mga ito ay mayroong hukm na kultura o mga bagay na ginustong gawin ng tao ngunit walang kinalaman sa pagsamba/ibadah. Ang kategoryang ito ay malinaw na walang kinalaman sa pagsamba kaya’t ito ay papatak sa kategoryang kultura; at sa pagitan ng dalawang ito ay ang mga bagay na hindi malinaw at kaduda-duda.

Kung pagtutuunan natin ng pansin ang mga bagay na hindi malinaw mula sa partikular na anggulo , kung gayon ang tao ay maaaring kumiling sa mga bagay na may koneksyon sa ibadah, at kung titingnan uli natin ang mga bagay na ito na hindi malinaw ay maaaring maibilang natin ito sa Sunnah na kultura lamang; ayon sa mga talibul ilm (na nag-iimbestiga sa usapin na ito). At sapat na para sa isang naghahanap ng kaalaman na huminto sa ikalawang kategorya na kabaliktaran ng naunang kategorya.

HALIMBAWA:
Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagsuot ng sandals na mayroong dalawang straps, kaya ang unang maiisip rito ay kapag ang isang naghahanap ng kaalaman ay nagsuot ng sandals na isa lamang ang strap, kung gayon sila ay sumasalungat sa Sunnah!! Dahil ang Sunnah ay ang pagsusuot ng sandals na may dalawang straps!! At tila ba ito ay mayroong koneksiyon sa pagsamba, ngunit ito ay kultura lamang ng mga Arabo, ganito ang isinusuot nilang sandals. At hindi sila nagsusuot ng mga sapin sa paa na katulad ng ginagamit ngayon na kung tawagin ay ‘sapatos’ o anomang katulad nito na mayroong iba’t-ibang pangalan depende sa iba’t-ibang bansa.

At ang natira na lamang sa mga naghahanap ng kaalaman ay ang kategorya kung saan ito mapapabilang, sa una ba o sa pangalawang grupo, at ito ay nangangailangan ng kaalaman upang makilala o malaman kung ano ang napapabilang sa unang grupo at hindi sa ikalawang grupo o sa kabaliktaran, na ito ay sa ikalawang grupo at hindi sa una.

At dito ay makikita natin na nagkaisa ang mga Ulaama na ito ay nagmula sa Sunnah ng kultura ngunit nagkakaiba sila pagdating sa mga detalye nito, ito ba ay mula sa Sunnah ng kultura o Sunnah ng ibadah/pagsamba.

Ang isang halimbawa nito ay may kinalaman sa Hajj. Naisalaysay na ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagpahinga sa Al Batha kaya sabi ng ilang Sahaba (radiyallahu anhum), at alam ko ay si Aisha (radiyallahu anha) ang nagsabing, ‘Ang pananatili sa Al-Mahassab ay hindi nagmula sa Sunnah.’

Napagkaisahan lamang nila na siya (salallahu alayhi wa salam) ay nagtayo ng kubol doon at nagpahinga, ngunit mayroong ibang tao na naniniwala na ang pamamahinga sa Al Batha ay kabilang sa pagiging kumpleto ng Hajj. At dito ay mayroong pagkakaiba ng opinyon dahil ang pangyayari na ito ay nangangailangan ng paglilinaw upang mai-ugnay ito sa una o pangalawang kategorya.

Ngayon ay babanggit tayo ng mga halimbawa na napapanahon, dahil ang mga kabataan ngayon, Alhamdulillah , ay iniiksian nila ang kanilang mga pananamit at hindi nila hinahayaan na ito ay lumaylay at ito ay sa intensyon nila na sumunod sa Sunnah, ito ba ay Sunnah ng kultura o Sunnah ng ibadah?

Kung titingnan natin ang gawain na ito (ang pagpapaiksi ng pananamit) ng Propeta (salallahu alayhi wa salam), nang mag-isa lamang at hindi isasama sa iba pa niyang sinabi, kung gayon ay baka mag-alangan tayo kung ito ba ay Sunnah ng ibadah o Sunnahna kultura.
Ngunit kung ang hadith na nagtataglay ng sinabi ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) , katulad ng hadith na sinabi niya , ‘Ang izaar ng mananampalataya ay hanggang sa kalagitnaan ng kanyang shin (binti) at kung ito ay mas hahaba pa ay hanggang sa bukong-bukong lamang, at kung mas mababa pa rito, ito ay nasa apoy na.’

Ito (hadith) ay pumuputol sa pag-aalinlangan sa pagitan ng kung ang gawain ay mula sa Sunnah ng ibadah o Sunnah ng kultura at siguradong ito ay mula sa Sunnah ng ibadah dahil ng ilarawan niya ang paraan ng pananamit ng isang mananampalataya ay sinabi niya na ito ay hanggang sa gitna lamang ng binti at kung mas mahaba pa ay wala namang problema kung ito ay aabot ng hangang sa bukong-bukong, ngunit kung mas mahaba pa rito ay sa apoy na ang bagsak nito.

Kabalikaran nito ay ang Sunnah na napatunayan na mula sa Proheta (salallahu alayhi wa salam) , at ito ay ang pagkakaroon niya ng mahabang buhok.

Minsan ang kanyang buhok ay abot hanggang sa dulo ng kanyang tainga at kung mas mahaba pa, ito ay umaabot ng hanggang sa balikat niya. Sa halip, napatunayan na noong ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) , ay pumasok sa , Mecca, ang kanyang buhoy ay nakatirintas ng apat. Kung gayon, ang pagpapahaba ba ng buhok, at pagkatapos ay ititirintas ito, ito ba ay Sunnah ng ibadah Sunnah ng kultura.
Ang sagot, ayon sa aking nakita, wala sa hadith na ito ang pagtatawag o pagpapatunay o magpapabulaan na siyang magdudulot ng pag-aalinlangan Ang sagot ay oo, Sunnah na ito ay kultura.

Bakit? Dahil hindi naman ang Propeta (salallahu alayhi wa salam), ang nagpasimula ng Sunnah na ito. Sa halip, mayroon nang ganito bago pa man siya isilang, huwag nang sabihin na bago pa siya naging Sugo.!!!’

Ganito ang kultura ng mga Arabo; pinahahaba nila ang kanilang mga buhok. At ang ilan sa mga kabataan natin ngayon. At ang ilan sa mga kabataan ngayon, ay nakikita natin , ilan sa kanila ay iniipon ang kanilang buhok at itinitirintas ito.

Kaya ito ay isang kultura na hindi nagsimula sa Propeta (salallahu alayhi wa salam), sa halip ay ipinagpatuloy lamang niya ang kultura ng mga Arabo, at hinayaan niya ang kanyang buhok na humaba at nang pumasok siya sa Makkah ay itinirintas niya ito ng apat.

Walang kahit ano rito ang makasasama sa atin kung ituturing natin na Sunnah Ibadah o Sunnah ng kultura na sumasalungat sa Sunnah ng pagsamba/ibadah.

~

Mga Paraan Upang Magkaisa ang Ummah (Shaykh Saleh Fawzan bin al-Fawzaan)

بسم الله الرحمن الرحيم

Ito ay kasagutan ni Shaikh Saalih bin Fawzaan Al-Fawzaan at kinuha mula sa aklat na Beneficial Answers to Questions on Innovated Methodologies, tinipon ni Jamaal bin Furayhaan Al-Haarithee.

Tanong: Ano ang mga dahilan at pamamaraan upang makamit ang pagkakaisa ?

Sagot: Ang mga paraan upang magkaroon ng pagkakaisa ay:

Una: Itama ang Aqeeda, hanggang ito ay maging malinis mula sa Shirk. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“At walang pag-aalinlagan, ang inyong Relihiyon, O kayong mga Propeta ay iisang Relihiyon lamang, na Ako ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na kung kaya, matakot kayo sa Akin sa pagsunod sa Aking mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Aking mga ipinagbabawal..” [Surah Al-Mu’minoon (23):52]

Tanging ang tamang Aqeeda lamang ang magbubuklod sa mga puso at makadaraig sa masamang hangarin, na sumasalungat sa pagkakaroon nila ng iba’t-ibang paniniwala at maraming sinasamba, sapagkat ang bawat pagsunod sa kanya-kanyang aqeeda ay nangangahulugan na ito ang kanyang paniniwalaan at panghahawakan, samantalang ang aqeeda ng iba ay ituturing niyang mali at nasa kamalian. Kaya nga sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“At sinabi ni Yûsuf sa dalawang kabataan na kasama niya sa kulungan:“ Ang pagsamba ba sa maraming diyus-diyosan na gawa lamang na tao ay mas nakabubuti kaysa sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) na Al-Wâhid’– Bukod-Tangi at Nag-iisa na Al-Qahhâr– ang Tagapagkuntrol (Tagapagpigil o Tagapagpuwersa) at Makapangyarihan? [Surah Yoosuf (12):39]

Ito ang dahilan kung bakit ang mga paganong Arabo noong Panahon ng Kamangmangan ay nagkahati-hati at nalipol sa mundo. Gayunpaman, nang yakapin nila ang  Islaam at ang kanilang pinanghahawakana at paniniwala ay kanilang naisaayos, napagkaisa nila ang kanilang hanay at ganoon rin ang kanilang pamamahala.

Pangalawa: Ang pakikinig at pagsunod sa Muslim na namumuno, kung kaya sinabi ng Propeta Muhammad  (صلى الله عليه وسلم) :

“Ipinapayo ko sa inyo na magkaroon kayo ng  Taqwaa (pagkatakot /pagsunod) kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), at pakinggan ninyo at sundin (ang mga namumuno) kahit pa ito ay isang alipin na nagmula sa Abyssinian, sapagkat katotohanan na sinoman sa inyo ang mabuhay ng mahaba ay makakasaksi ng maraming hindi pagkakaunawaan…”

[Saheeh: Inulat ni Abu Dawood (4607), At-Tirmidhee (2776) at al-Haakim (1/96), at ang mga salita ay nagmula sa kanyang ulat]

Ang pagsuway sa  Muslim na pinuno ay nagbubunga ng hindi pagkakaunawaan.

Pangatlo: Ang pagbalik sa Qur’aan at Sunnah upang maresolbahan ang hindi pagkakaunawaan at pagtatalu-talo. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“O kayong mga matatapat sa inyong paniniwala! Sundin ninyo ang utos ngAllâh (subhanahu wa ta’ala) at huwag ninyo itong labagin, at sundin din ninyo ang Sugong si PropetaMuhammad (salallahu alayi wa salam) sa kanyang dala-dalang katotohanan; at sundin din ang inyong mga pinuno sa kanilang mga ipinag-uutos na hindi labag sa kagustuhan ng Allâh (subhaahu wa ta’ala), at kapag kayo ay mayroong bagay na di-napagkasunduan sa pagitan ninyo ay  isangguni ninyo ang hatol hinggil dito sa Aklat ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa ‘Sunnah’ ng Kanyang Sugo na si Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam), kung kayo nga ay naniniwala na ang tunay na paniniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa Araw ng Paghuhukom

Ang pagsangguning ito sa Aklat ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa ‘Sunnah ay higit namakabubuti sa inyo kaysa sa hindi ninyo pagkakasundu-sundo sa isa’t isa at sa pagbibigay lamang ninyo ng sariling pananaw; at ang pagsasangguni ding ito ayhigit na makapagdudulot ng mabuting kahihinatnan. (Surah an-Nissa :59)

Ang tao ay hindi dap at bumatay sa opinion at tradition lamang ng iba.

Pang apat: Ang pagsasaayos at pagkakasundo, kung magkaroon ng hidwaan, sa pagitan ng dalawang tao o dalawang nasyon. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“na kung kaya,katakutan ninyo ang parusa ngAllâh (subhanahu wa ta’ala), huwag kayong gumawa ng kasalanan saKanya, at iwasan ninyo angpagtatalu-talo at pagkaka-salungatan dahil sa kayamanan na ito, at ayusin ninyo ang hidwaan sa mga pagitan ninyo,at ipatupad ninyo ang pagsunod sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at saKanyang Sugo, kung kayo ay tunay na nananampalataya sa Kanya; dahil angt unay na paniniwala ay nag-aakay sa inyo tungo sa pagsunod sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at .” [Surah Al-Anfaal (8):1]

Panglima: Ang paglaban sa mga mapabmalabis at mga rebelde na ang ninanais ay ang paghiwa-hiwalayin ang ummah ng mga Muslim. Kung sila ay malaks at may kapangyarihan, makakaya nilang lipulin ang sambayanang  Muslim at makapagdudult ng korupsiyon sa ummah. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala:

“at kapag ang isa sa dalawang grupo ay gumanti at hindi tumugon sa pagpasiya na ito, ay makipaglaban kayo sa grupong yaon hanggang sa ito ay bumalik sa Batas ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at ng Kanyang Sugo” [Surah Al-Hujuraat (49):9]

Kung kaya, ang Pinuno ng mga MananampalatayaThis na si  ‘Alee bin Abee Taalib (رضي الله عنه), ay nakipaglaban sa mga nagmalabis at Khawaarij. At ito ay itinuturing na isa sa magaganda niyang katangian.

Ang Paghahanda ng Pagkain Para sa Pamilyang Namatayan

بسم الله الرحمن الرحيم

Tanong: Tama po ba na makiramay sa pamilya ng namatayan sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain para sa kanila sa oras ng kanilang pamimighati—tinatawag po namin itong bayanihan—katulad ng mga kapit-bahay, tiyuhin, o mga kamag-anak?

Shaykh bin Baz: Ang Sunnah ay ang padalhan sila ng pagkain na luto na ; katulad ng ginawa ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ng makarating sa kanya ang balita na namatay si Jafar ibn Abu Taalib . Si Jafar ay napatay sa Digmaan ng Mu’tah sa Sham. Nang makarating ang balitang ito sa Propeta (salallahu alayhi wa salam), inutusan niya ang kanyang pamilya na magpadala ng pagkain sa pamilya ni Jafar. At kanyang sinabi:
َ
“At mayroong dumating sa kanila na magiging dahilan upang sila ay maging abala”!

Kung ganoon, kung ang mga kapitbahay o kamag-anak ay magbibigay ng mga lutong pagkain sa pamilya ng namatay habang sila ay namimighati dahil abala sila at hindi nila makakaya ang maghanda pa ng pagkain; ito ay nagmula sa Sunnah. Tungkol naman sa pagtulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera, walang magiging suliranin dito kung sila ay mahirap lamang. Kung ang pamilya ng namatay ay mahirap lamang at ang kanilang mga kamag-anak ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera dahil namatay na ang naghahanapbuhay para sa kanila; ito ay mabuti; ang pagtulong ay mabuti dahil sila ay nangangailangan. Ngunit kung ang pamilyang namatayan ang maghahanda ng pagkain para sa mga tao , ito ay isang gawain na nagmula pa noong bago dumating ang Islaam at hindi ito pinahihintulutan. Ang pamilya ay hindi dapat maghanda ng pagkain para sa mga tao, maliban kung mayroon slang bisita at nais nilang sila ay asikasuhin, kung gayon ay walang mali dito, dahil naghanda sila ng pagkain para sa bisita at hindi para sa kamatayan ng namatay. Kaya walang suliranin sa bagay na ito.

~

Ni: Shaykh Abdul Aziz ibn Baz (rahimahullaah)||Masjid Tawheed wa Sunnah

%d bloggers like this: