Mga Paraan Upang Magkaisa ang Ummah (Shaykh Saleh Fawzan bin al-Fawzaan)

بسم الله الرحمن الرحيم

Ito ay kasagutan ni Shaikh Saalih bin Fawzaan Al-Fawzaan at kinuha mula sa aklat na Beneficial Answers to Questions on Innovated Methodologies, tinipon ni Jamaal bin Furayhaan Al-Haarithee.

Tanong: Ano ang mga dahilan at pamamaraan upang makamit ang pagkakaisa ?

Sagot: Ang mga paraan upang magkaroon ng pagkakaisa ay:

Una: Itama ang Aqeeda, hanggang ito ay maging malinis mula sa Shirk. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“At walang pag-aalinlagan, ang inyong Relihiyon, O kayong mga Propeta ay iisang Relihiyon lamang, na Ako ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na kung kaya, matakot kayo sa Akin sa pagsunod sa Aking mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Aking mga ipinagbabawal..” [Surah Al-Mu’minoon (23):52]

Tanging ang tamang Aqeeda lamang ang magbubuklod sa mga puso at makadaraig sa masamang hangarin, na sumasalungat sa pagkakaroon nila ng iba’t-ibang paniniwala at maraming sinasamba, sapagkat ang bawat pagsunod sa kanya-kanyang aqeeda ay nangangahulugan na ito ang kanyang paniniwalaan at panghahawakan, samantalang ang aqeeda ng iba ay ituturing niyang mali at nasa kamalian. Kaya nga sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“At sinabi ni Yûsuf sa dalawang kabataan na kasama niya sa kulungan:“ Ang pagsamba ba sa maraming diyus-diyosan na gawa lamang na tao ay mas nakabubuti kaysa sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) na Al-Wâhid’– Bukod-Tangi at Nag-iisa na Al-Qahhâr– ang Tagapagkuntrol (Tagapagpigil o Tagapagpuwersa) at Makapangyarihan? [Surah Yoosuf (12):39]

Ito ang dahilan kung bakit ang mga paganong Arabo noong Panahon ng Kamangmangan ay nagkahati-hati at nalipol sa mundo. Gayunpaman, nang yakapin nila ang  Islaam at ang kanilang pinanghahawakana at paniniwala ay kanilang naisaayos, napagkaisa nila ang kanilang hanay at ganoon rin ang kanilang pamamahala.

Pangalawa: Ang pakikinig at pagsunod sa Muslim na namumuno, kung kaya sinabi ng Propeta Muhammad  (صلى الله عليه وسلم) :

“Ipinapayo ko sa inyo na magkaroon kayo ng  Taqwaa (pagkatakot /pagsunod) kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), at pakinggan ninyo at sundin (ang mga namumuno) kahit pa ito ay isang alipin na nagmula sa Abyssinian, sapagkat katotohanan na sinoman sa inyo ang mabuhay ng mahaba ay makakasaksi ng maraming hindi pagkakaunawaan…”

[Saheeh: Inulat ni Abu Dawood (4607), At-Tirmidhee (2776) at al-Haakim (1/96), at ang mga salita ay nagmula sa kanyang ulat]

Ang pagsuway sa  Muslim na pinuno ay nagbubunga ng hindi pagkakaunawaan.

Pangatlo: Ang pagbalik sa Qur’aan at Sunnah upang maresolbahan ang hindi pagkakaunawaan at pagtatalu-talo. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“O kayong mga matatapat sa inyong paniniwala! Sundin ninyo ang utos ngAllâh (subhanahu wa ta’ala) at huwag ninyo itong labagin, at sundin din ninyo ang Sugong si PropetaMuhammad (salallahu alayi wa salam) sa kanyang dala-dalang katotohanan; at sundin din ang inyong mga pinuno sa kanilang mga ipinag-uutos na hindi labag sa kagustuhan ng Allâh (subhaahu wa ta’ala), at kapag kayo ay mayroong bagay na di-napagkasunduan sa pagitan ninyo ay  isangguni ninyo ang hatol hinggil dito sa Aklat ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa ‘Sunnah’ ng Kanyang Sugo na si Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam), kung kayo nga ay naniniwala na ang tunay na paniniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa Araw ng Paghuhukom

Ang pagsangguning ito sa Aklat ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa ‘Sunnah ay higit namakabubuti sa inyo kaysa sa hindi ninyo pagkakasundu-sundo sa isa’t isa at sa pagbibigay lamang ninyo ng sariling pananaw; at ang pagsasangguni ding ito ayhigit na makapagdudulot ng mabuting kahihinatnan. (Surah an-Nissa :59)

Ang tao ay hindi dap at bumatay sa opinion at tradition lamang ng iba.

Pang apat: Ang pagsasaayos at pagkakasundo, kung magkaroon ng hidwaan, sa pagitan ng dalawang tao o dalawang nasyon. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):

“na kung kaya,katakutan ninyo ang parusa ngAllâh (subhanahu wa ta’ala), huwag kayong gumawa ng kasalanan saKanya, at iwasan ninyo angpagtatalu-talo at pagkaka-salungatan dahil sa kayamanan na ito, at ayusin ninyo ang hidwaan sa mga pagitan ninyo,at ipatupad ninyo ang pagsunod sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at saKanyang Sugo, kung kayo ay tunay na nananampalataya sa Kanya; dahil angt unay na paniniwala ay nag-aakay sa inyo tungo sa pagsunod sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at .” [Surah Al-Anfaal (8):1]

Panglima: Ang paglaban sa mga mapabmalabis at mga rebelde na ang ninanais ay ang paghiwa-hiwalayin ang ummah ng mga Muslim. Kung sila ay malaks at may kapangyarihan, makakaya nilang lipulin ang sambayanang  Muslim at makapagdudult ng korupsiyon sa ummah. Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala:

“at kapag ang isa sa dalawang grupo ay gumanti at hindi tumugon sa pagpasiya na ito, ay makipaglaban kayo sa grupong yaon hanggang sa ito ay bumalik sa Batas ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at ng Kanyang Sugo” [Surah Al-Hujuraat (49):9]

Kung kaya, ang Pinuno ng mga MananampalatayaThis na si  ‘Alee bin Abee Taalib (رضي الله عنه), ay nakipaglaban sa mga nagmalabis at Khawaarij. At ito ay itinuturing na isa sa magaganda niyang katangian.

Ang Mga Dapat Iwanan ng Isang Bagong Muslim

بسم الله الرحمن الرحيم

1. Iwanan niya ang Shirk (ang pagtatambal sa pagsamba kay Allaah subhanahu wa ta’ala) sa lahat ng uri nito. Kabilang rito ang pagdarasal sa libingan, pag-aalay at panunumpa sa mga patay.

2. Iwanan niya ang mga bid’a (mga inimbento at pagbabago sa relihiyon). Ito ay mga gawaing pagsamba na hindi isinagawa at ipinag-utos ng Propeta (salallaahu alayhi wa salam) at ito ay dahil sa sinabi niya (salallaahu alayhi wa salam) :“Sinoman ang magsagawa ng isang bagay na hindi nagmula sa atin, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya”![Muslim 1718] Ibig sabihin ay hindi ito tanggap ng relihiyon.

3. Iwanan niya ang pagpapatubo (riba), pagsusugal, panloloko, pagsisinungaling sa pakikipagkalakal at ang pagbili at pagbebenta ng mga bagay na hindi pinahihintulutan (haram).

4. Iwanan niya ang Zina (pakikiapid, pakikipagtalik sa hindi asawa). At ang pakikipagtalik ay para lamang doon sa kanyang pinakasalan. At iwanan niya ang kabaklaan .

5. Iwanan niya ang pag-inom ng mga nakalalasing, ang paninigarilyo, ang pagkain ng karne ng baboy, ang pagkain ng anomang inialay sa iba maliban kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) at ang pagkain ng mga binitay o dati nang patay na hayop.

6. Iwanan niya ang pagpapakasal sa babae na hindi mananampalataya o kaya naman ay hindi nagmula sa mga Ahlul Kitab o Kristyano at Hudyo.

7. Hiwalayan niya ang kanyang asawa na hindi nagmula sa Ahlul Kitab , maliban kung ang babaeng ito ay tumanggap sa Islam kasabay niya o sa panahon ng kanyang iddah. (Ang iddah ay ang itinakdang panahon kung kailan ang babae ay hindi maaaring mag-asawa muli matapos mamatay ang kanyang asawa o matapos na siya ay idiborsyo.)

8. Kung ang pagtutuli ay hindi makasasama sa kanya, kung ganon ay dapat siyang magpatuli sa isang Muslim na Surgeon.

9. Kung may kakayahan siya upang lumikas mula sa lupain ng mga hindi mananampalataya patungo sa bansang Islamiko ay gawin niya. Kung wala naman siyang kakayahan , ay manatili siya sa kanyang bansa at maging matatag sa kanyang relihiyon.

********
Shaykh Salih ibn Fawzaan bin al-Fawzaan (hafidhahullaah)- Member of the Committee of Major Scholars 19/03/ 1433H
Sunnah Publishing

‘Eid Milad An-Nabi’y Series: Unang Bahagi

بسم الله الرحمن الرحيم

ANG HUKOM SA PAGDIRIWANG NG KAARAWAN NI PROPETA MUHAMMAD (salallahu alayhi wa salam)

Bismillaah Al-Hamdulillaah wa salatu wa salaamu ‘ala rasulullaah Amma ba’d

Ang pag-uutos na nabanggit sa Qur`aan at Sunnah tungkol sa pagsunod sa mga Batas ni Allaah (subhanahu wa ta’aala) at ng Kanyang Sugo (salallaahu ‘alaihi wa sallam), at ang mga pagbabawal sa pagpapakilala o paggawa ng mga bagay na walang batayan sa relihiyong Islaam ay pawang malinaw at walang pag-aalinlangan. Sinabi ni Allaah (sa pinakamalapit na kahulugan):

“Sabihin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam):’Kung kayo ay tunay na nagmamahal kay Allâh (subhanahu wa ta’ala), ako ang dapat ninyong sundin, maniwala kayo sa akin, lantad man ito o lihim, upang mahalin kayo ng Allâh (subhanahu wa ta’ala); at patatawarin Niya ang inyong mga kasalanan.’ “ [Aal ‘Imraan, ayah 31]

“Sundin ninyo, O kayong mga tao! Ang anumang ibinaba sa inyo mula sainyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na Qur’ân at ‘Sunnah,’  sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga ipinagbabawal; at huwag kayong sumunod sa mga ‘Awliyâ’ bukod sa Allâh (subhanahu wa ta’ala), (na inuutusan kayongmaglagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta’ala). Katiyakan, kung susunod kayo sa kanila ay kakaunti lamang ang paalaala na inyong makukuha na hindi man lamang maglalagay sa inyo sa katotohanan!” [al-A’raaf, ayah 3]

“At kabilang sa mga ipinayo ni Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa inyo,na ang Islâm na ito ang Daan na Matuwid tungo sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) na kung kaya ,ito ang sundin ninyo at huwag ninyong sundin ang iba’t ibang daan ng pagkaligaw, dahil magkakawatak-watak kayo at ilalayo kayo sa Matuwid na Landas ng Allâh.” [al-A’naam, ayah 153]

At ang Propeta (salallaahu ‘alaihi wa sallam) ay nagsabi: “Ang pinakamatapat na salita ay ang Aklat ni Allaah, at ang pinakamainam na gabay ay ang gabay ni Muhammad, at ang pinakamasama ay ang mga inimbentong gawain.” At siya (salallaahu ‘alaihi wa sallam) ay nagsabi: “Sinoman ang gumawa ng pagbabago dito (i.e., Islam) ito ay hindi kabilang sa atin at hindi tatanggapin.”(Isinalaysay ni al-Bukhaari, no. 2697; Muslim, no. 1718). Ayon naman sa salaysay ni Muslim, “Sinoman ang magsagawa ng bagay na walang batayan mula sa atin (i.e., Islam) ito ay hindi tatanggapin.”

Kabilang sa mga kasuklam suklam na bid’ah ng inimbento ng mga tao ay ang pagdiriwang sa kaarawan ng Propeta (salallaahu ‘alaihi wa sallam) sa buwan ng Rabee’ al-Awwal. Ito ay ipinagdiriwang nila sa iba’t-ibang paraan:

Ang ilan ay nagtitipon-tipon sa araw na ito at nagbabasa ng istorya tungkol sa Mawlid, pagkatapos ay magkakaroon sila ng talumpati at qaseedahs (ode/tulang awitin) para sa okasyong ito. Ang iba sa kanila ay nagluluto ng mattaamis na pagkain at ipinamimigay ito sa mga dumalo. Ito ay ginaganap sa masajid at mayroon rin naman na sa bahay nila nagdiriwang.

Mayroon ring mga gawaing nabanggit ng mga tao na hindi nakuntento sa mga nabanggit na gawain sa itaas; nilalahukan nila ng haraam at kasuklam suklam tulad ng malayang pakikipagsalamuha ng babae at lalaki, sayawan at kantahan, o kaya naman ay gumagawa sila ng shirk tulad ng paghingi ng tulong kay Propeta (salallaahu ‘alaihi wa sallam), nagdu-du’a sa kanya, humihingi ng kaligtasan sa kanya mula sa kanilang mga kaaway, at marami pang iba.

Sa anomang paraan nila ito gawin at anoman ang kanilang intensiyon, walang pag-aalinlangan na ito ay inimbento lamang at haraam dahil ito ay bid’ah, at ito ay ipinakilala ng mga SHEE’A FAATIMID noong makalipas ang panahon ng mga salafus saleh o ang tatlong naunang henerasyon ng mga matutuwid na Muslim.

******

[Shaykh Dr. Saalih ibn Fawzaan al-Fawzaan, Member of the Committee of Senior Scholars, Saudi Arabia.
Pinagmulan: Huqooq al-Nabi (salallaahu ‘alaihi wa sallam) bayna al-Ijlaal wa’l-Ikhlaal, p. 139
Useful Links:
‘Eid Milad An-Nabi’y Series: Ikalawang Bahagi
‘Eid Milad An-NAbi’y Series: Ikatlong Bahagi