Umm Sulaym (radiallaahu ‘anha) – Ikalawang Bahagi

بسم الله الرحمن الرحيم

…At ikinasal nga si Umm Sulaym kay Abu Talha. Si Umm Sulaym ay isang babae na mayroong marikit at maliit mata. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ng isang anak na lalaki na mahal na mahal ni Abu Talhah . Nagkaroon ng malubhang sakit ang batang ito at si Abu Talhah ay lubhang nalumbay at nabahala.

 Araw araw  ay bumabangon si Abu Talhah upang magdasal ng salatul fajr kasama ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) at pagkatapos ay mananatili siya na kasama niya hanggang tanghali. Pagkatapos ay uuwi siya sa kanila upang umidlip at kumain, paggising niya ay magdarasal naman siya ng Zuhr at pagkatapos ay maghahanda na upang umalis, babalik lamang siya sa oras ng ‘Isha’ . Isang gabi, habang nasa labas si Abu Talhah upang makipagkita sa Propeta (salallahu alayhi wa salam) (ayon sa ibang salaysay ay upang magpunta sa masjid), ang kanyang anak ay namatay .

(Ito ang matapat na sinabi ni Umm Sulaym dahil ayaw niya na mag-alala ang kanyang asawa; at hindi kasinungalingan ang kanyang mga sinabi. Ang tinutukoy niya ay ang kapanatagan ng bata dahil ito ay patay na at hindi na makakaramdam ng sakit at paghihirap, ngunit ang pagkakaintindi naman ni Abu Talhah, ito ay nangangahulugan na magaling na ang bata at wala nang sakit).

Dinala ni Umm Sulaym ang pagkain (hapunan), kumain sila at pagkatapos ay umalis na ang kanilang mga bisita. Nagtungo na sila sa silid-tulugan at nahiga. Tumayo muli si Umm Sulaym at nag-ayos ng kaniyang sarili. Nagpaganda siya ng higit pa sa mga nakaraang pagpapaganda niya para kay Abu Talhah, naglagay rin siya ng pabango na gustong -gusto ni Abu Talhah ang amoy.

(Nagpapakita ng ibayong pagsa-sabr, pagtitimpi ni Umm Sulaym at nang kanyang maluwag na pagtanggap sa Qadar na itinakda ni Allaah (subhanahu wa ta’ala). Sapagkat sinong ina, na siyam na buwan dinala sa sinapupunan ang isang sanggol at matapos niyang alagaan ay babawian ng buhay, at magagawa pa niyang balutin ito at ipagpatuloy ang kanyang nakagawiang gawin na tila ba walang masaklap na nangyari ng araw na iyon? Tanging ang gantimpala lamang na nagmula kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang hinahangad ni Umm Sulaym kaya’t nagpaganda siya ng husto, naglagay ng pabango, at umasa na ipagkakaloob ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang biyaya na kanyang hinihiling, isang anak na pupuno sa puwang na iniwan ng anak nila ni Abu Talhah na namatay).

Tumabi na sa paghiga kay Abu Talhah si Umm Sulaym, at nang malanghap ni Abu Talhah ang pabango ni Umm Sulaym ay ginawa na niya ang karaniwang ginagawa ng lalaki sa kanyang asawa.

(Ganito ang may paggalang na pagkukuwento ng tagapagsalaysay sa namagitan kay Abu Talhah at sa asawa niiya na si Umm Sulaym.)

Nang mag-uumaga na , sinabi niya kay Abu Talhah, “O Abu Talhah, sa palagay mo, kung mayroong tao na nagpahiram ng isang bagay , at binabawi na nila ito mula sa nanghiram, may karapatan ba ang nanghiram na huwag itong ibalik?” Sumagot siya (Abu Talhah), “Wala!”.” Sinabi ni Umm Sulaym,,“Si Allaah (subhanahu wa ta’ala) , ay ipinahiram sa iyo ang iyong anak, at ngayon ay binawi na Niya siya (ang bata), kaya umasa ka nga gantimpala mula kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) at maging mapagtiis ka .” Nagalit si Abu Talhah at sinabi, “Ha! Hinayaan mong may mangyari sa atin at pagkatapos ay sasabihin mo na namatay na ang aking anak!!” At pagkatapos ay sinabi niya, “Innaa Lillaahi wa innaa ilayhi raaji’oon (Katotohanan, ang lahat ay nagmula kay Allaah, at lahat ay magbabalik sa Kanya– ito ang pangungusap na binabanggit ng mga Muslim kapag nakakatanggap sila ng balita na may namatay o may masamang nangyari) at pinuri ni Abu Talhah si Allaah (subhanahu wa ta’ala).
Nang sumapit ang umaga, nag-ghusl si Abu Talhah at nagtungo siya kay Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) at nagdasal ng salatul fajr kasama niya. Ikinuwento niya ang nangyari at sinabi ng Propeta (salallahu alayhi wa salam), “Gantimpalaan nawa kayong mag-asawa ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) sa nangyari kagabi”.
Nagbuntis si Umm Sulaym (isang patunay na sinagot ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) at ibinigay ang du’a ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) para sa mag-asawa.)

(Isinalaysay nina Imaam al-Bukhaaree, Muslim, Ahmad at al-Tayaalisee; iniulat ni al-Tayaalisee atbp. Tinipon ni Al-’Allaamah Muhammad Naasirud-Deen al-Albaanee ang lahat ng isnaad nito sa libro na Ahkaam al-Janaa’iz, p. 20).

Advertisements

Tumugon Kayo, Barakallaahu feekum

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s