Ang Kahulugan ng Hadeeth na إنما الأعمال بالنيات Innamal ‘Amalu Binniyat [Saheeh al-Bukhaari #1]

بسم الله الرحمن الرحيم

Shaikh al-Albaani (rahimahullaah):

Ang hadeeth na ito ay nangangahulugan na tanging ang matuwid na gawain lamang ang tatanggapin ng naaayon sa matapat na intensiyon, at hindi kabilang dito ang mga gawain na sumasalungat sa Batas na Itinakda at inaaakala na ito ay magiging tama kapag hinaluan ng mabuting intensiyon. Walang mag-aangkin at magsasabi ng ganito kung hindi ang isang taong ignorante at ang nais lamang ay masunod ang sarili niyang gusto!

Maraming tao ang nakakaalam ng hadeeth na ito, ngunit hindi naman nila nauunawaan ang kahulugan nito. Bakit? Dahil kalimitan na may makakasalamuha tayo at sasabihin natin sa kanya: ‘Yaa akhi, ang iyong ginawa, o ang iyong sinabi ay hindi kabilang sa matuwid na gawain.’ Ano ang isasagot sa atin? ‘Yaa akhi, ang Sugo ni Allaah (sallAllaahu ‘alayhi wa sallam) ay nagsabi: ‘Ang lahat ng gawain ay huhusgahan ayon sa intensiyon’ at maganda ang aking intensiyon! Matuwid ang aking intensiyon!’

Ano nga ba ang kahulugan ng hadeeth na ito? Nangangahulugan ba ito na ang masamang gawain ay huhusgahan/tatanggapi/gagantimpalaan ng ayon lamang sa intensiyon? O ang ibig sabihin ay ang mabubuting gawain ay huhusgahan/tatanggapin/gagantimpalaan ng ayon lamang sa intensiyon? Ang huling pahayag ang kahulugan ng hadeeth. At para naman doon sa anggawain ay hindi mabuti ngunit ang intensiyon ay tama – ito ay hindi sapat. Katulad rin na hindi sapat kung ito ay kabaliktaran: i.e matuwid ang gawain ngunit ang intensiyon ay mali. Kaya ang hadeeth ay nagbigay sa atin ng dalawang magkasalungat : katulad nang ang matuwid na gawain ay nangangailangan ng matuwid na intensiyon/mithiin, ganoon din na ang matuwid na intensiyon ay nangangailangan ng matuwid na gawain. Kaya alinman sa dalawa ay hindi sapat kung wala ang isa.

Marami kang mga tao na maririnig sa ngayon na sumusumpa pa , gaya nang pagsasabi : ‘Yaa akhi, waAllaah, ang aking intensiyon ay mabuti.’ Minsan nga ay makakakita ka ng tao at galing siya sa libingan, at doon siya ay nagdasal/sumamba – sa libingan ng propeta o nang isang taong matuwid – at kapag pinagbawalaan mo sila ay sasabihin nila sa iyo: ‘Hindi ko hangad ang sambahin siya (ang nakalibing), ang hangad ko lamang ay mapalapit ako kay Allaah (tawassul) sa pamamagitan niya..’ Ok, galing ka sa libingan – ipagpalagay na natin na mabuti ang iyong intensyon – ang ginawa mo ba ay matuwid na gawain? Ang sagot ay HINDI, dahil sinabi ni Propeta Muhammad (‘alayhi ssalaam) : Huwag kayong maupo o magdasal sa mga libingan‘.’ At ang du’aa ay bahagi ng dasal, sa katotohanan, ang dua , ay isang ibadah, tulad ng sinabi ng Rasool (‘alayhi ssalaam) . Kung kaya, ang pagharap sa libingan at magsambit ng dua ay katulad rin ng pagsambit ng dasal dito ; ang gawaing ito ay hindi tama, at ang maling gawain na ito ay hindi natin maaaring tanggapin dahil lamang sa mabuting intensiyon, kung pangangatwiranan natin na ang intensiyon ay tama.

Kung kaya, upang maging tanggap at matuwid ang ating mga gawain, kinakailangan na ito ay tumtugon sa Batas na Itinakda. Ganito ang sinabi ni Allaah (‘azza wa jal) sa Qur’aan: {sinoman ang umaasa na makakatagpo niya ang Lumikha , hayaan ninyo siyang gumawa ng kabutihan at huwag siyang magtatambal sa pagsamba sa Lumikha (subhanahu wa ta’ala).

********
sources: silsilat ul-hudaa wa nnoor, 340/8 & nudhum al-faraaid, 21
asaheeha translations
Advertisements

Tumugon Kayo, Barakallaahu feekum

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s