Kasawaian sa bawat ASAWA na hindi Makatarungan

بسم الله الرحمن الرحيم

Sinabi ng Allah (subhanahu wa ta’ala) sa pagkakasalin:

1. (Kasawian) Matinding parusa at kapighatian sa Al Mutaffifin (yaong nandaraya sa sukat at timbang)
2. na mga yaong, kapag sila ay bumili sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay hinihingi para sa kanilang mga sarili bilang karapatan ang hustong timbang,
3. at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito,
4. Hindi ba iniisip ng mga nandarayang ito na ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) ay walang pag-aalinlangan na bubuhayin sila na mag-uli at huhukuman sa anuman na kanilang mga nagawa
5. sa Araw na napakatindi ang kalagiman nito?
6. Sa Araw na tatayo ang mga tao sa harapan ng Allâh (subhanahu wa ta’ala), na sila ay huhukuman, sa kaunti man o marami, at sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilikha.

Ayon kay Shaykh Uthamin, sa kanyang pagpapaliwanag sa Al-Mutaffifin (Kasawian) Ang katagang kasawian ay inulit sa Quran ng maraming beses at mula sa mas tamang pagpapaliwanag, ito ay nangangahulugan na ang katagang ito ay pagbabanta na ibinigay ni Allah (subhanahu wa ta’ala) para doon sa mga sumasalungat sa Kanyang mga ipinag-uutos o kaya naman ay gumagawa ng mga bagay na Kanyang ipinagbawal.

At ang pagbabawal ay binanggit matapos na sabihin ang pagbabanta. Kung gayon, sa ganitong sitwasyon ay sinabi ni Allah (subhanahu wa ta’ala) : Kasawian sa mgaAl Mutaffifin

Sino nga ba ang mga Al Mutaffifin?

Ito ang mga Al Mutaffifin ayon sa pagkakapaliwanag sa ayah na nabanggit, sinabi Niya :

(mga yaong, kapag sila ay bumili sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay hinihingi para sa kanilang mga sarili bilang karapatan ang hustong timbang,)(at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito,)(yaong kapag sila ay nakatanggap ng bagay na sinukat ay humihingi sila ng wastong timbang)

Ibig sabihin, kapag sila ay bumili sa mga tao ng mga bagay na tinitimbang ay idinidikta nila na ibigay sa kanila ang karapatan sa wastong timbang at tamang sukat na walang kahit anong bawas (at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito,) At kapag sila naman ang magbibigay ng bagay na titimbangin ay kanila itong kinukulangan (at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito, Kung gayon, hinihingi nila ang lahat ng kanilang karapatan ngunit salat naman sila sa pagbibigay ng karapatan ng iba. Kaya’t dalawang ugali ang kanilang pinagsama, ang kasakiman at kakuriputan. Sakim kapag hinihingi niya ang buo niyang karapatan, nang walang kulang at walang tawad, kakuriputan dahil hindi niya ibinibigay ng husto ang timbang na nararapat niyang ibigay. Ito ay isa lamang halimbawa na ibinigay ni Allah (subhanahu wa ta’ala) na may kaugnayan sa timbang at panukat. Kung gayon, io ay maaari ring gamitin sa lahat ng katulad nito . Kung gayon, ang lahat ng tao na humihingi ng buong karapatan nila kung ito ay dapat nilang tanggapin ngunit hindi naman nila ibinibigay ng buo ang mga karapatan na dapat nilang ibigay, at ito ang napapaloob sa mga ayah na ito.

Ang halimbawa nito ay ang asawang lalaki na nais ay ibigay sa kanya ng kanyang asawa ang LAHAT ng kanyang karapatan, na walang kulang at hindi niya pinalalampas ang anomang pagkukulang rito. Ngunit kapag oras na upang siya naman ang magbigay ng karapatan ng kanyang asawang babae ay wala siyang gana at hindi niya ibinibigay ang nakalaan para sa babae. At napakaraming reklamo tayong maririnig mula sa mga kababaihan tungkol sa asawa na ganito. Iligtas nawa tayo ni Allah (subhanahu wa ta’ala) mula sa ganitong sitwasyon.

Hanggang sa punto na ang karamihan sa mga lalaki ay hinihingi sa kanilang asawa ang lahat ng kanilang karapatan ngunit hindi naman nila magawa ang ganito sa kanilang asawa (hindi maibigay ang lahat) at mayroon pang posibilidad na ang lalaki ay nagkukulang kahit pa sa pangunahing karapatan ng babae tulad ng pagtustos at pakikipamuhay sa kanila ng maayos at ng may kabaitan.

Katotohanan, ang pang-aapi sa ibang tao ay higit pa sa pang-aapi sa sarili mula sa mga Karapatan ni Allah (subhanahu w ata’ala) dahil ang tao na inaapi ang kanyang sarili mula sa Karapatan ni Allah(subhanahu wa ta’ala) ay nakapailalim sa Habag ni Allah(subhanahu wa ta’ala) kung ito ay kasalanan o higit pa sa ishirk. Kung gugustuhin ni Allah (subhanahu wa ta’ala) na patawarin ang taong ito, o di kaya ay parusahan, Siya lamang ang makapagdedesisyon. Ngunit kung karapatan na ng tao ang nasasangkot ay kinakailangan na mayroong kabayaran na ibigay. At sa ganitong kadahilanan nga sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) sa kanyang mga Sahaba (radiyallahu anhum) kung sino ang itinuturing nilang tao na talunan. At sumagot sila na ang talunan ay ang tao na wala man lamang kayamanan o pag-aari.

Siya (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi: Katotohanan! ang taong talunan mula sa aking Ummah ay iyong darating sa Araw ng Paghuhukom na mayroong dala-dalang mabubuting gawa na singlaki ng isang bundok (ibig sabihin ay maraming nagawang mabuti) . Kaya siya ay darating dala ang mabubuting gawa na ito ngunit inapi niya ang taong ito, inabuso niya ang taong iyon, sinaktan niya ang taong iyon, kinuha niya ang kayamanan ng taong iyon. Kung gayon, ang mga tao na kanyang inapi ay kukuha mula sa kanyang mabubuting gawa, ang tao na kanyang inabuso ay kukuha mula sa kanyang mabubuting gawa, ang tao na kanyang sinaktan ay kukuha mula sa kanyang mabubuting gawa, at ang taong kinuhanan niya ng kayamanan ay kukuha mula sa kanyang mabubuting gawa hanggang sa wala nang matira sa kanyang mabubuting gawa, at kung ito ay kulang pa upang mabayaran niya ang lahat ng kanyang mga ginawan ng kasamaan, ang mga kasalanan ng mga taong ito ay ipapatong sa kanya at siya ay itatapon sa apoy.

Kaya’t ang payo ko sa mga walang gana at pabaya sa pagbibigay ng karapatan ng kanilang mga asawa ay MATAKOT SILA KAY ALLAH (subhanahu wa ta’ala) dahil ipinayo ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) sa pinakamalaking pagtitipon ng mga Muslim na nasaksihan sa kasaysayan ng Islaam noong siya ay nabubuhay pa, sa araw ng Arafat noong Huling Hajj niya ay kanyang sinabi:

Katakutan ninyo si Allah (subhanahu wa ta’ala) tungkol sa mga kababaihan, sapagkat sila ay ipinagkatiwala sa inyo ni Allah (subhanahu wa ta’ala) at pinahintulutan kayo na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kanila mula sa salita ni Allah (subhanahu wa ta’ala).

Dagdag pa rito, marahil ay makakakita kayo ng mga magulang na nagnanais na maibigay sa kanilang mga anak ang lahat ng kanilang mga karapatan sa abot ng kanilang makakaya. Kung kaya ninanais nila na ibigay sa kanila ng kanilang mga anak ang karangalan, salapi, kalusugan, at lahat na ng magsisilbing pagbibigay sa kanila ng karangalan bilang mga magulang, NGUNIT sila naman ay pabaya at kung minsan ay hindi pa nga naibibigay ang karapatan ng kanilang mga anak. Ang mga taong ganito ay Al Mutaf (iyong mga nagbibigay ng kulang sa timbang) Ang ama na nagnanais na bigayn siya ng parangal ng kanyang mga anak ngunit siya naman ay isang pabaya sa karapatan ng kaniyang mga anak, siya ay isang Al Mutaf (nagbibigay ng kulang sa timbang at bigat).

Alalahanin ninyo ang sinabi ni Allah (subhanahu wa ta’ala)

1. (Kasawian) Matinding parusa at kapighatian sa Al Mutaffifun (yaong nandaraya sa sukat at timbang)
2. na mga yaong, kapag sila ay bumili sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay hinihingi para sa kanilang mga sarili bilang karapatan ang hustong timbang,
3. at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito,
4. Hindi ba iniisip ng mga nandarayang ito na ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) ay walang pag-aalinlangan na bubuhayin sila na mag-uli at huhukuman sa anuman na kanilang mga nagawa
5. sa Araw na napakatindi ang kalagiman nito?
6. Sa Araw na tatayo ang mga tao sa harapan ng Allâh (subhanahu wa ta’ala), na sila ay huhukuman, sa kaunti man o marami, at sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilikha.

********

Sheikh Uthamin- tafsir ng Sura Al Mutaffiffin (chapter 83)
Pinagkunan: http://mtws.posthaven.com/
Advertisements

Tumugon Kayo, Barakallaahu feekum

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s