‘EID MILAD An-NABI’Y Series : Ikalawang bahagi

Bismillaahi walhamdulillaah was salaatu was salaamu ‘alaa rasuwlillaah

Ang Pinagmulan ng Bid’aa ng Mawlid an-Nabi’y

Sinabi ni Al-Haafiz ibn Katheer (rahimahullaah) sa al-Bidaayah wa’l-Nihaayan (13/137) sa kanyang talambuhay ni Abu Sa’eed Kazkaboori: “Minsan na rin syang nagdiriwang ng Mawlid sa buwan ng Rabee’ al-Awwal at nagkakaroon ng malaking pagdiriwang sa okasyon na ito…ilan sa mga naroroon sa pagdiriwang ni Al-mufazzar sa ilang okasyon ng mawlid ay nagsabi siya ay nag-aalay sa okasyon ng limang-libong inihaw na ulo ng tupa, at tatlumpung bandehadong minatamis…at hinahayaan niya ang mga sufi na kumanta mula Duhr hanggang fajr, at mismong siya ay nakikipagsayawan sa kanila.”

Sinabi ni Ibn Khalkaan sa Wafiyaat al-A’yaan (3/274): “Kapag unang araw ng Safar sila ay nagpapalamuti ng mga domes ng iba’t-ibang klase ng magagarang palamuti, at sa bawat dome ay may nakaupong pangkat ng mangaawit, mga tagapaglibang at mga manunugtog/manlalaro ng instrumentong pangmusika. At hindi nila lilisan alinmang domes ng hindi nagtatatag doon ng mga grupo ng (tagapagpalibang).

Tinatalikuran ng mga tao ang trabaho sa mga panahong ito at hindi sila nagtatrabaho liban sa pag-ikot upang manood ng mga libangan. Kapag may dalawang araw pa bago ang mawlid, sila ay naglalabas ng malaking bilang ng kamelyo, baka, at tupa, higit sa pwedeng ilarawan at ito ay sinasamahan nila ng mga tambol, musika at mga instrumentong pang-musika na mayroon sila hanggang idala nila ito sa lugar ng pagdadausan…Sa gabi ng Mawlid may mga kumakanta ng nasheed pagkatapos ng maghrib sa kanilang lugar.

Ito ang pinagmulan ng pagdiriwang ng okasyon ng kaarawan ng Propheta (sallallaahu alayhi wa sallaam). Kamakailan lamang ang walang kabuluhang libangan, pagmamalabis, at paglustay ng pera at oras ay naugnay na pagbabago na hindi nagbaba ang Allaah (subhanahu wa taala) ng awtoridad.

itutuloy insha’Allaah…

********

[Pinagkunan: Huqooq al-Nabi (salallaahu ‘alaihi wa sallam) bayna al-Ijlaal wa’l-Ikhlaal, p. 139]
Useful Links:
‘Eid Milad An-Nabi’y Series: Unang Bahagi
‘Eid Milad An-NAbi’y Series: Ikatlong bahagi
‘EID MILAD An-NABI’Y Series: Ika-apat bahagi
‘EID MILAD An-NABI’Y Series: Huling bahagi

 

Advertisements

Tumugon Kayo, Barakallaahu feekum

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s